KABANATA 7

2193 Words
I'd just like to especially dedicate this chapter to these amazing readers who left their comments at the previous chapter. This is for all of you, LunaBal, MinervAdam P. Gonzal, Criselda Caracas, IzaGallardo GaLapin, Lea Glifonea, Miralou Metocua Rolu, Ester Bringas and to Ma'am Diana Salas. Maraming salamat po sa Moon Ticket na buena mano para sa kuwentong ito. Daghang salamat kaninyong tanan. Muchlovetoyall. Kabanata 7 Nahawi ang nakakasilaw na liwanag na bumubulag sa aking paningin at tumambad sa akin sa pamilyar na hagdanan. Inakala ko ay naliligaw ako ngunit naririto lang pala ako sa aming bahay. Napaangat ang aking tingin sa itaas ng hagdanan. Sa may bandang gitna ay may nakita akong nakaupong bata. Batang nakasuot ng puting pilot costume. It’s my son! “Eros? Baby ko… You’re h—home, my love. You’re here!” Kusang lumandas sa aking pisngi ang aking mga luha but I know, these tears are because of joy. Walang kapantay ang saya sa puso ko ngayong nakikita ko ang baby ko. He’s back. My son is back. “E—eros…” Hikbi ko. Wala akong sinayang na oras at kaagad akong umakyat sa hagdanan para malapitan ang aking anak. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya. Ni ang kumurap ay ayaw kong gawin sa takot kong baka sa isang iglap ay maglaho si baby Eros. Limang baitang pa at maaabot ko na ang anak ko. At habang papalapit ako sa kanya ay lumilinaw na sa aking paningin na mayroong lungkot sa mukha ni Eros. Makailang beses ko nang sinambit at tinawag ang kanyang pangalan subalit hjindi siya tumitingin sa akin. Nakayuko lamang siya. Nakayuko siya sa hawak niyang airplane toy na tila nasira na. “Baby ko…” Tatlong baitang na lang ang aakyatin ko para mayakap ang anak kong labis kong pinananabikan ngunit kinailangang huminto ng aking mga paa nang may maapakan ako. Ayaw ko mang alisin kay baby Eros ang aking tingin subalit nagawa ko para yukuin ang bagay na naapakan ko. It’s a pilot hat. Kasama ito sa pilot costume na suot ng baby ko. Dali-dali kong dinampot iyon at sa muling pag-angat ng aking tingin ay dinumog ako ng takot nang hindi ko na makita si Eros sa baitang na kinauupuan niya kanina. “Eros? Anak ko, nasaan ka?” Nag-panic ako ngunit bumuhos lalo ang luha ko. “Baby, don’t do this to mommy again please. Maawa ka sa akin, mahal ko. ‘Wag kang mawala sa paningin ko. Bumalik ka naman kay Mommy, baby. Don’t leave me again, Eros. Bumalik ka na sa amin ng Daddy mo. Anak ko…” Akma na akong tatakbo paitaas sa ikalawang palapag nang muling bumulag sa aking paningin ang matinding liwanag. I have got lost in the blinding light once more. Ramdam ko sa kamay ko na hawak ko pa rin ang pilot hat ni Eros. It’s still in my hand and I know naririto pa rin ang anak ko. “Eros, nasaan ka na, mahal ko? Pupuntahan ka ni Mommy. Eros, please, baby, speak up. Iparinig mo sa akin ang boses mo, anak. Sige na oh. Maawa ka sa Mommy, Eros.” I am on the verge of breaking down ngunit iyong sarili ko ay hindi na mapakali. Paikut-ikot ako at hinahanap sa kawalan ang anak ko. “Mommy…” Napahagulhol ako nang marinig ko ang boses ni Eros. Tinawag ako ng anak ko. “E—eros… baby ko. Where are you, love?” “I am here, Mommy.” Eros softly speaks at may kasama pang maliit na hagikhik. At doo’y muling nawala ang matinding liwanag. Awtomatikong tumuon ang aking paningin sa pinakaitaas na dulo ng hagdan. Naroon na ang anak ko and this time, nakatingin na siya sa akin. Nakangiti. His smile instantly mends my longing heart. My son; he’s the most adorable human being and now that he’s back, I feel alive again. “Oh, God! Eros, sobrang miss na miss ka na ni Mommy. Anak, payakap si Mommy please.” Garalgal kong sambit. I am smiling back at my son habang patuloy pa ring tumutulo ang luha ko. Limang baitang na lang at nasa ikalawang palapag na ako subalit sa wari ko’y sampung baitang na ang naakyat ko pero hindi ko magawa-gawang tawirin ang distansiya sa pagitan naming dalawa ng anak ko kahit na patuloy naman sa pag-abante ang aking mga paa. He’s so close to me yet the staircase seemed endless, making it impossible for me to reach my son. “No… What’s happening?” Humihikbi akong naguguluhan. “Eros, help Mommy please. Gusto kitang lapitan, mahal ko. Payakap na si Mommy oh. Maawa ka sa akin, anak. Help me please.” Tinitignan ko si Eros at nananatili siya sa kinatatayuan niya. Nakangiti pa rin siya sa akin. “Mommy, my toy broke. It needs to be fixed, Mom.” Sumbong n’ya, tinutukoy ang sirang airplane toy n’yang hawak pa rin n’ya. And his pilot hat, I am still holding it tightly. “Don’t worry, mahal ko. Mommy will fix it for you. I’ll fix your toy, okay? Just wait for me there, Eros. Wait for Mommy, love.” Mas binilisan ko ang pag-akyat ko. I cried in so much frustration dahil hindi ko pa rin matawid-tawid ang natitirang limang baitang para makasampa na ako sa sahig ng ikalawang palapag. “‘Wag ka lang aalis d’yan, baby. Pupuntahan kita. Mahahawakan din kita, mahal ko. D’yan ka lang ha?” Pakiusap ko sa anak ko and he’s just smiling at me. “Mommy, you’ll get tired.” Umiling ako. “Hindi, anak. Hindi mapapagod si Mommy. Hintayin mo lang ako d’yan please.” “Don’t make yourself tired, Mommy.” Nakikiusap sa akin ang limang taong gulang kong anak. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa para sa akin. “Eros is not happy whenever I see you cry and tired, Mommy. I am hurting whenever you’re sad. I’m sad up there too, Mommy.” “H—hindi na malulungkot at iiyak si Mommy, anak dahil naririto ka na. You’re not going to leave Mommy again, right, love?” “I have to, Mommy.” “N—no. P—please, don’t say that, Eros. Sasamahan ka na ni Mommy. Isama mo ‘ko kahit saan ka pumunta, anak. Sige na oh. Maawa ka sa akin, mahal ko. Sobrang lungkot na rito. Iniwan n’yo na akong mag-isa rito. Please, sasama na ako sa’yo, mahal ko. Gustung-gusto na kitang alagaan ulit.” Hagulhol na pagsusumamo ko. “I will be fine up here, Mommy. Please be fine there too. Take good care of yourself, Mommy, please. Don’t worry about me so much.” “Sasama na ako saiyo, Eros. ‘Wag mo nang iiwan ulit si Mommy, mahal. Y—your toy, Mommy will fix it, love. Hintayin mo ‘ko d’yan sa taas.” Sige pa rin ang aking mga paa sa pag-akyat subalit ganoon pa rin ang nangyayari, hindi ako umuusad. I am still at the same staircase. Hindi ako makaalis. “There’s someone coming up here, Mommy. He’ll help me to fix my broken toy po,” ani ng anak ko. At iyong ngiti niya, buhay na buhay. Masaya ang anak ko. “S—someone? Who do you mean, baby?” Ilang segundong tumitig sa mga mata ko si Eros hanggang sa may itinuro siya mula sa aking likuran. “Him, Mommy.” At dahan-dahan akong lumingon para lamang masindak nang makita ko si Elijah. Paakyat siya ng hagdanan ngunit para lamang siyang nakalutang. “E—elijah? Elijah…” Paulit-ulit kong sambit sa pangalan niya ngunit parang hindi niya ako nakikita. Hindi niya ako naririnig. Katulad ni Eros ay nakangiti rin siya. Nakatingin siya sa anak naming nasa itaas ng hagdanan. “Elijah, s—sasama ako.” Hikbi ko. Nang malapit na siya sa kinaroroonan ko ay sinubukan ko siyang hawakan at yakapin ngunit hindi ko siya mahawakan. “Elijah?” Gulung-gulo na ang isip ko. “Elijah, I want to be with our son, too.” Muli kong hinakbang ang aking mga paa. Sa aking paningin ay nasa tapat ko lang si Elijah at sobrang imposible na hindi ko siya mahawakan. At sa huling subok ko, sa huling pag-abante ng mga paa ko ay nagulat na lamang ako nang mapagtantong hindi na pala baitang ng hagdan ang hinakbangan ko, bagkus ay napunta ako sa bingit ng tila isang malaki at malalim na hukay. At huli na para makaatras ako. I fell and all I could do was to scream. I scream at the top of my lungs. “Lola Amal! Lola Amal! Sumisigaw ho si Ma’am Ganda na d’yowa ni Papa.” “D’yowa? Ano’ng d’yowa, bata ka? Ano’ng pinagsasabi mo?” “D’yowa po, gerpren po. Gerpren s’ya ni Papa, ‘di ba?” “Haroy ‘susko kang bata ka at kung anu-ano na naman ang nalalaman mong walang katuturan.” “Pustahan ho tayo, Lola Amal. Gerpren ‘yan ni Papa. Kung ‘di s’ya gerpren ni Papa, bakit s’ya dito tulog sa lungga ni Papa?” “Tumigil ka nang, bata ka. Nakakahiya iyang pinagsasabi mo at baka marinig ka nitong bisita ng Papa mo. Baka isipin pa niya na ang itinuturo lang namin saiyo ay kung paano maghasik ng tsismis.” Boses ng isang matanda at isang maliit na boses ng bata ang sumagip sa akin mula sa masamang panaginip na tila ako’y nahuhulog patungo sa isang madilim na hukay. I am now aware of my surroundings. Gising na ang aking diwa at nang maalala ko si Eros sa panaginip ko ay bigla na lamang akong napabalikwas at napahagulhol. Sobrang naninikip ang aking dibdib sa katotohanang hanggang sa panaginip ko na lamang nasisilayan ang anak ko. “Ay b***t ng kabayo!” Rinig ko ang bulalas ng boses ng matanda dala marahil ng pagkagitla. “Hija, nanaginip ka ng masama. Kanina'y sumisigaw ka, ngayon nama'y umiiyak ka.” Kusa akong huminto sa pagtangis at dali-dali kong pinahid ang basa sa aking mukha at mga mata para tignan kung sino itong mga kasama ko. At ganoon na lamang ang pag-awang ng aking bibig nang masilayan ko ang dalawang mukha na kahit hindi ko lubos na kakilala ay natitiyak kong nakita ko na. “E—eros…” Kusang isinambit ng bibig ko nang tumigil ang aking tingin sa mukha ng batang lalaking nakatayo sa may bandang paanan ng katre. Alanganin na ngiti ang lumapat sa labi ng bata at sumulyap ito sa matandang kasama. “Lola Amal, pinalitan n’yo na po ba ang pangalan ko? Bakit Eros na po ang tawag ni Ma’am Ganda sa akin?” “Ha? Hindi ko naman maalala na pinalitan ko ang pangalan mo, apo. Hindi ko rin gustong palitan ang pangalan mo at baka multuhin pa ako ng Mama mo. Hindi kaya ay si Papa mo?” Kapwa nalilito ang matandang babae at ang madaldal na bata. Sinikap ko nang ayusin ang utak ko pati na ang sarili ko. Tumikhim ako. “I’m sorry.” Tumikhim ako ulit dahil namamaos ang boses ko. Ngumiti ako sa dalawa. “P—pasensiya na po kayo. Si Eros, uhm pangalan po iyon ng anak ko. Nabanggit ko lang kasi napaginipan ko siya.” Sumulyap ako sa matandang babae para humingi ng paumanhin at muli na namang bumalik ang aking tingin sa batang lalaki. Nanikip ang dibdib ko at muli na namang namuo ang mga luha sa mga mata ko. Itong batang lalaki, s’ya iyong street vendor na isang beses kong nadaanan noong pauwi ako mula lugar namin. Siya iyong ikinuwento ko kay Elijah noong huling nag-dinner kami ng sabay at bigla siyang nag-walk out. S’ya… siya iyong batang kamukhang-kamukha ni baby Eros. Labis ang pagpipigil ko na lapitan ang bata at yapusin ng mahigpit. Ngunit ang malaking katanungan ngayon sa isip ko ay kung bakit kasama ko sa hindi pamilyar na silid na ito ang matandang babae at ang batang kamukha ng yumao kong anak? I'm supposed to see Elijah here with me. “Uhm, ‘Nay, maaari ko bang malaman kung nasaan ang asawa ko? S’ya kasi ang kasama ko buong gabi. Nasa labas ba s’ya?” Hinihiling ng puso ko na sana ay hindi bahagi ng panaginip ko ang naalala ko kagabi na nakasama at nakaniig ko ang aking asawa. Elijah and I, I just assumed we’re okay now. We made love last night and that is something I’ll treasure forever. Hiling din ng puso ko na sana umpisa na ito para muling maayos ang pagsasama naming mag-asawa. “A—asawa mo? Sino’ng asawa, ‘Neng?” Litong tanong sa akin ng matanda. “Opo, ‘Nay. Iyong asawa ko po, si Elijah. Magkasama kami rito buong gabi. He was here with me last night.” Lalong nagusot ang mukha ng matanda nang binanggit ko ang pangalan ng aking asawa. “Hala, ‘Neng, pasensiya ka na subalit ngayon ko lamang narinig ang pangalan na iyan. Wala kaming kakilala rito na may ganiyang pangalan pero kung ang tinutukoy mo marahil na nakasama mo buong gabi, nakatitiyak akong hindi Elijah ang pangalan n’ya kundi Elisandro.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD