HINDI ko malaman sa sarili ko kung papaano akong napasunod ng lalaking nasa likuran ko ngayon at mahigpit na mahigpit na nakayakap ang mga braso sa akin.
Hindi ako makatulog sa kaiisip kung bakit parang naging easy to get ako sa lalaking ito. At isa pa, hindi talaga ako nakakatulog dahil hindi ako sanay na mayroong katabi sa higaan, lalo pa't lalaki pa naman siya.
Hindi ako kumportable!
At ang totoo, wala kasi akong tiwala sa sinabi niya kanina na wala siyang gagawin sa 'kin. Ewan ko! Kasi, everytime na gagalaw ang katawan niya sa likuran ko ay pakiramdam ko ay mamanyakin niya ako.
Feeling ko ay may gagawin talaga siya sa 'kin!
Hindi ko rin magawang ipikit ang mga mata ko dahil sa tuwing napapapikit ako ay bigla na lang lumilitaw sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina at para akong binabangungot ng gising sa naging halikan namin.
Kingina! Akala ko ay tutuluyan niya na akong angkinin kanina dahil sa paraan niya ng paghalik.
Napailing-iling ako..
Mabuti na lang at nakapagpigil siya dahil may pakiramdam din ako kanina na tila bibigay na rin ako sa kanya.
Gagi! 'Ayaw ko pa, please!' Suway ng isip ko.
Napabuntong-hininga ako at isinubsob ang mukha sa unan. Saka ako mariing napapikit kasabay pa ang pagkuyom ng mga kamao ko.
'Madami pa akong pangarap para sa lola ko.. Kaya sana naman, tigilan mo na muna ang pagpapakyut sa akin, Flynn Kaizzer Segovia! Wala tayong relasyon para magtabi ng ganito! Hindi pa tayo magkasintahan para maghalikan anumang oras natin gustuhin! Hindi tama ang ginagawa natin. Ay, mali! Hindi tama ang ginagawa mo sa'kin!' Sigaw ng isip ko at muli na namang napabuntong hininga.
Saka ko dahan-dahang inangat ang braso ni Sir Flynn at tinanggal iyon sa pagkakayakap sa beywang ko. At doon pa lang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyang makalaya sa braso niya.
Nilingon ko pa siya at nasisiguro kong tulog na tulog na siya. Madaling araw na kasi.
Maingat akong bumaba sa kama at sinikap na hindi makagawa ng ingay upang hindi siya magising. At ng makababa na nga ay nahiga na rin ako sa sahig na para talaga sa 'kin. Mayroon namang banig doon, unan at saka makapal na bedsheet.
Saka pa lang ako nakatulog ng mahimbing.
Tilaok ng manok ang siyang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang mga mata at naginat-inat pa. Nang umikot ako sa likuran ko ay laking gulat ko nang makitang naroon si Sir Flynn at mulat na mulat ang mata habang nakangiti pa sa akin!
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga. "S-Sir! A-Ano pong g-ginagawa niyo diyan?" Bigla ko pang natakpan ang bibig ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa ako nagmumumog, eh!
Pero sa gulat ko ay tinanggal niya ang kamay ko sa bibig at tila kidlat sa bilis na hinalikan ako! "Good morning," anya pa habang halos magkadikit pa rin ang mga labi namin.
Literal na namilog ang mga mata ko at hindi makapagsalita. Hindi ako makakilos.
Nang sa wakas ay dumistansya siya ng kaunti ay saka pa lang ako natauhan. Nakahinga man ng maluwag subalit mukha pa rin akong may hika dahil tila naghahabol ako ng hininga.
Ngumiti siya at saka inayos ang buhok kong tumabing sa mukha ko. Kakaiba na namang pakiramdam ang idinulot no'n sa akin. Ang gaan sa pakiramdam.
"Bakit ka lumipat ng bed kagabi? Hindi kita namalayang umalis sa tabi ko. I woke up na magisa na lang sa kama," nakangusong saad niya ngunit hindi mapuknat ang tingin sa 'kin.
Nahihiya naman akong salubungin ang mga titig niya. "Ah..eh, k-kasi.. Ano.. M-Mainit! O-oo! Naiinitan ako kaya po ako lumipat dito," pautal-utal kong tugon.
"Mainit? Hmm..kung sabagay.. Kahit ako nakaramdam din ng init kagabi." Napalunok ako ng pilyo siyang ngumiti.
'Ibang init naman yata 'yong naramdaman mo, eh!' Tugon ko sa isip. Pero, syempre pa kailangan ko siyang sagutin ng maayos.
"I-Iyon po ang dahilan kung bakit ako lumipat dito. Sobrang init kasi, eh," sabi ko pero bigla kong naisip kung papaano siyang napunta sa likuran ko.
"Pero, sobrang lamig na no'ng maggising ako. Wala akong nakitang kumot kung kaya't tumabi na lang uli ako sa'yo. Gusto ko mang ibalik ka sa kama kaso hindi ko na ginawa. Ang sarap ng tulog mo, eh," kagat-labi niyang sabi.
"Ah.. Mabuti din po at hindi niyo na ako binuhat pa. Mabigat ako, Sir, eh," nakangiwi kong tugon.
Nangunot ang noo niya. "Cat, I told you to remove your 'po' when we were talking. I'm not that old. And, please.. Just call me by my name or you can call me babe or honey, whatever. Not Sir, okay?" Nakatungo pa niyang utos.
'Babe? Honey? Paano kung kurimaw ang itawag ko sa'yo! Kaso, di bagay sa'yo, eh. Ubod ka ng gwapo! Pasalamat ka.' Bulong ko sa isip.
"Is that clear? Honeybabe?" Kagat-kagat pa niya ang pangibabang labi niya.
Napayuko ako at lihim na nangiwi. Nang umangat ako ng tingin ay kita ko ang kislap sa mga mata niya.
"Sige po—este, s-sige.. F-Flynn.." Halos sumalabid pa ang mga dila ko at napangiwi na nga ako ng tuluyan sa mismonv harapan niya.
Mahina naman siyang tumawa. Mukhang nasiyahan pa sa naging tugon ko.
'Tsk! Ang babaw ng kaligayahan mo boy!' Kantyaw ko sa kanya. Syempre, sa isip ko lang nasasabi ang mga bagay na iyon. At kung naririnig o nababasa man niya ang isip ko, siguro, nasuntok na ako nito. Tsk!
At dahil natahimik na kaming pareho ay saka naman may kumatok sa pinto ng kwarto.
"Bebz? F-Flynn? Gising na ba kayo? Handa na ang almusal natin. Labas na kayo habang mainit pa 'yong pansit!" Tinig ni Bobbie sa labas.
"Sige, bob! Lalabas na kami!" Ako na ang tumugon at saka bumangon.
"Sige, bebz! Hintayin ko kayo dito sa labas!" Muling sigaw nito.
"Okay!"
Tatayo na sana ako nang mabilis akong hilahin ni Sir Flynn at mahina akong napatili sa gulat dahil napaupo ako sa kandungan niya.
Natatawa naman siyang ikinulong ako sa mga braso niya. "I want to kiss you first before we go out," anya pa at hindi na ako nakareklamo pa ng sakupin na ng bibig niya ang nakaawang ko pang mga labi. "Done. Let's go." Saka niya ako inalalayang makatayo pagkatapos akong bitinin sa halik niya.
Lumabas kami ng magkasabay sa kwarto at para akong robot na itinutulak niya para makapaglakad. Nakahawak kasi siya sa magkabilang balikat ko at ako naman ay tulalang ewan.
Kung bakit ba naman kasi..basta-basta na lang siya kung humalik, eh! Nakakabigla.
Sa sala kami sinalubong ni Bobbie na ngiting-ngiti kaagad at naniningkit pa ang mga mata sa tindi ng pagkakangiti. "Good morning po, Sir Flynn." Bulong nito at yumukod pa.
"Good morning, Bob." Ani naman ni Sir Flynn na nananatiling nakatayo sa likuran ko.
"Halina kayo. Nandodoon na si papa at inihahain na ang pagkain. Hehehe!"
"Thank you," tugon pa ni Sir Flynn at lumipat na sa tabi ko. "Let's go?"
"Ah.. Mauna na siguro kayo, punta muna ako ng banyo." Sabat ko at tiningnan naman nila akong dalawa saka sabay pang tumango.
Kaya naman ay dali-dali na akong pumasok sa maliit na pinto at mabilis na isinarado iyon.
"Hintayin ka namin sa kusina, bebz!"
"Sige!" Tugon ko.
Ang totoo, hindi naman talaga ako naiihi or something. Gusto ko lang munang magsolo. Masyado na kasing awkward ang nararamdaman ko. Hiyang-hiya na ako.
'Yong pakiramdam na madikit lang ako kay Sir Flynn ay parang kinukuryente na ako. At ang malala pa, hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya.
At kapag naman binibigla niya ako sa pahalik-halik niya, feeling ko ay tunaw na tunaw ako!
Gagi!
Ilang saglit pa akong naupo sa inidoro bago pa man ako nakapaghilamos. Gamit ang tabo ay binuhusan ko ng binuhusan ang mukha ko.
Wala akong makitang salamin doon pero nasisiguro ko na wala na 'yong pamumula ng mga pisngi ko. Kanina kasi ay siguradong pulang-pula ako at iyon marahil ang dahilan kung bakit ngiting-ngiti kanina ang tomboy na si Bobbie.
Pagkuway lumabas na rin ako at saka lumapit sa maliit na salas kung saan ko naiwan ang back pack ko. Pagkalapit ay agad kong kinuha ang maliit na tuwalya ko at pinunasan ang basang mukha at leeg.
Nang maayos na ako ay agad na akong pumihit para pumunta ng kusina. Subalit, gulat na gulat naman ako ng nasa harapan ko na si Bobbie.
As usual, nakabungisngis.
"Hehehe. Masyadong magugulatin ka na ngayon, bebz, ah? Amazing! Dumating lang si Sir Flynn ay nagkaganyan ka na! Hehe!" Bulong niya at dinunggol-dunggol pa ang braso ko.
"Ano ba?" Reklamo ko at sinimangutan ko pa siya. "Anong sinasabi mo diyan?" Maangas kong tanong. Lumalabas talaga ang pagiging boyish ko kapag kaming dalawa lang ni Bobbie ang magkausap.
"Ba.. Hehe! Labas angas ka ngayon, ah? Kapag nandiyan si Sir Flynn, mukha kang babaeng naka-crop top at miniskirt, ah? Hahaha!"
"Loko-loko! 'Wag mo nga akong ishini-ship do'n! Boss natin 'yon, uy! Baka sabihin ng mga katrabaho natin, nananamantala ako. Ayaw kong gumulo ang buhay ko, bob, alam mo 'yan." Nakanguso kong sabi at napatingin sa kawalan.
Doon naman siya sumeryoso. "Sorry na, bebz. Alam ko naman 'yan. Pero, seryoso, bagay na bagay kayo. 'Tsaka, 'wag mong isipin ang sasabihin ng iba. Ano naman ang pakealam nila? Ang importante doon ay 'yong umuusbong mong pagtingin kay Ser Flynn at ang pagkakagusto niya sa'yo." Tinapik pa niya ako sa balikat.
"Anong umuusbong na pagtingin ko? Walang gano'n, uy!" Kunwari'y nainis ako. Ayaw ko naman na sabihing may gano'n na nga pero gusto ko ay 'yong mapagaralan ko muna.
"Bakit? Wala pa ba?"
"Wala pa!"
"Sus! Sige..ikaw bahala." Kibit-balikat niyang tugon. Hindi na nangulit pa.
Hayyss.. Kung malalaman lang nito na nakakailang halik na sa akin si Sir Flynn, panigurado ay idi-dribol nito ang ulo ko para paaminin na may gusto na ako sa boss namin.
Pero, pasensya, sa akin muna iyon!
Magkasabay na nga kaming pumasok sa kusina at naabutan namin sina Sir Flynn at Mang Kanor na seryosong naguusap. Ni hindi nga nila napansin ang paglapit namin. Nakuha lamang namin ang atensyon ng dalawa ng maupo na kami ni Bobbie.
"Kain! Kain!" Nakangiti ng anyaya ni Mang Kanor sa akin.
Tumango ako. "Salamat po, Mang Kanor." Gumanti rin ako ng ngiti.
Natapos na kaming kumain ngunit hindi ko na narinig pang magusap sina Sir Flynn at Mang Kanor. Syempre pa, nagtataka ako sa pananahimik nila pero inignora ko na lamang iyon. Marahil, sensitibo ang mga napagusapan nila at tungkol iyon sa case ni Mang Kanor.
"Maaga akong nagising para sunduin ang mekaniko sa bayan, F-Flynn. Ako na rin ang nagbayad. Kaya maayos na uli ang sasakyan mo. Hehe," ani Bobbie.
"Thank you. Pero, ginising mo sana ako, Bob," tugon naman ni Sir Flynn habang tsini-check ang makina ng sasakyan. At pagkuway dali-dali niyang kinuha ang pitaka sa bulsa at kumuha doon ng limang libo saka nakangiting inabot kay Bobbie ang pera. "Here."
Umatras si Bobbie at saka iwinasiwas sa hangin ang mga kamay. "Hehe. Hindi na po—este! Hindi na, Flynn. Ayos na iyon. Mura lang naman, eh. Kaibigan ko kasi 'yon."
Subalit, ipinilit iyon ni Sir Flynn kay Bob. Kinuha pa niya ang kamay ng kaibigan ko at inilagay sa palad nito ang pera. Kaya, wala ng nagawa si Bobbie kundi tanggapin iyon.
"Tulong ko na rin sainyo," nakangiti pa ring saad ng boss namin.
Maluha-luha namang napayuko si Bobbie. "Salamat po, Sir.." Bulong nito.
"You're welcome. We'll go ahead na. Thank you so much." Bumaling si Sir Flynn sa akin. "Let's go?"
Tumango ako at saka niya naman ako ipinagbukas ng sasakyan. Syempre pa, sa katabing upuan niya ako naupo. Kagustuhan niya iyon, eh. Magmumukha naman kasi siyang driver ko kung sa likuran ako uupo.
Saka naman lumabas si Mang Kanor sa bakuran para ihatid kami. Dali-dali pa itong lumapit sa amin. "Magiingat kayo sa paguwi. Dalas-dalasan niyo ang pagpunta rito para matikman niyo ang iba ko pang recipe." Nakangiti niyang kaway sa amin.
Ngumiti ako. "Opo. Salamat ho uli, Mang Kanor." Ikinaway ko rin ang isa kong kamay. "Bob? Alis na kami. Magkita tayo mamaya sa restaurant. Magha-halfday ako."
"Sige, bebz! Hehe!"
"Alis na po kami, Sir, Bob. Thank you." Sumilip si Sir Flynn sa bintana ko at doon kumaway-kaway sa mag-ama. Tuloy, halos mapayakap na siya sa 'kin. Mabuti na lang din at agad na siyang umalis at pinaandar na ang sasakyan.
'Whoahhh! Grabe naman 'tong lalaking 'to! Nakakaubos ng hangin sa lungs!'
Mabilis pa sa alas kwatrong nakarating ang sasakyan ni Sir Flynn sa apartment na tinutuluyan ko.
At ayaw ko sana ngunit mapilit si Sir Flynn na ihatid ako.
Kaya naman pagtungtong namin sa pinto ng apartment...
"Aha! Saan ka galing, ha? Inumaga ka na ng uwi! Nagmotel ka 'no? At sinong kasama mo?"
Tila armalite na bungad ni Sweetzel sa akin. Katabi nito ang nakapameywang na si Honeybee na may dala pang pamalo.
"Magpapaliwanag ako," sabi ko sa kalmadong boses. Wala rin akong ganang sumakay sa mga pinagsasasabi nito.
"I can explain to her if she wants too, Cat," sabat ni Sir Flynn na lumabas mula sa likod ng pinto. Nahuli siyang nakasunod sa 'kin dahil naghanap pa siya ng paparkingan ng sasakyan.
Nang mapatingin ako kay Sweetzel ay nanlalaki na ang mga mata nito at napa-O pa ang mapupulang labi gawa ng makapal nitong lipstick.
"Hi! I am Flynn Kaizz—"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Sir Flynn nang magtitili sa kinatatayuan si Sweetzel.
"Oh my god!! I know you, Flynn! Kapatid mo ang soon to be boyfriend kong si Drake Kimpner! Iihhhh!!! Ngayon lang kita nakita in person! Kung hindi mo naitatanong, I am one of the star model of Segovia Clothing Lines. You can just call me, Sweet for short!" Pumosing pa ito at ikinaway-kaway ang kamay na ala-beauty queen.
Napangiti naman si Sir Flynn. "Oh, hi! Nice to meet you, Sweet."
"Sweetzel pangalan niyan. May pa-sweet-sweet ka pang nalalaman," sabat ko habang nakatingin sa matabil na kaibigan.
"Gosh! Ikaw naman! Okay lang 'yon! Di ko naman siya aagawin sa'yo, eh, kasi knows mo na deadball ako kay Drake, bebe!" Ani Sweetzel na inikot-ikot pa ang buhok na kumawala sa pagkakatali ko.
"I'm sure, my brother will be happy if he knew about your feeling, Miss Sweetzel. Tell it too him before its too late," ani Sir Flynn.
Tila timang naman ang naging reaksyon ni Sweetzel. "B-Before its too late? W-Why naman?" Nauutal pa niyang tanong.
"He's going to London for good."
"Waaaaaaahh! Nooooo!!! Drakeeee!! Hintayin mo ko!! Aamin na ako sayooo!!" Ngumangawang ani Sweetzel habang napapayakap pa sa hamba ng pinto.
"Oa mo!" Singhal ko. "Maligo ka na at magpaganda nang sa gano'n ay di ka maiwanan no'ng labidab mo!" Utos ko pa.
Tumayo naman ng maayos si Sweetzel at nakangiwing tumingin sa likuran ko. "Hehe. Sorry, Flynn. Nakita mo tuloy ang ka-oa-yan ko. Hihi! 'Wag mo 'kong isusumbong kay Drake, ha? Baka ma-turn off sa 'kin 'yon, eh," aniya at nag-piece sign pa.
Dinig ko naman ang mahinang tawa ni Sir Flynn. "That's okay. Your just cool. I'm sure, he will like you the same way you do."
Napaawang ang mga labi ni Sweetzel. "Waaahhhhh! Coming from his brother? Now, I trust you, Flynn! Ikaw ang kukunin naming bestman kapag nagkatuluyan kami! Iihhhhh!"
"Mangarap ka na lang daw muna," pangaasar ko.
Tumaas naman ang kilay niya. "Wait. Wait. Wait.. Parang kanina ka pa bara ng bara sa happiness ko, ha? Aleina Catrisse? Gusto mo bang ikaw naman ang i-hot seat ko?"
Nagsisi tuloy ako. Patay na!
Umiling-iling ako. "W-Wag ngayon. M-Mamaya na lang. Nakakahiya, eh."
Ngumisi siya ng nakakaasar. "No way! Ngayon na habang nandito pa si Flynn. So, ano? Saan kayo galing? Bakit kayo magkasama? For sure hotel ang tinuluyan niyo dahil big time 'yang si Flynn. Tell me, guys.. Are you just dating or in a relationship na?" Sunod-sunod niyang tanong. Nakataas pa ang noo at di man lang nahiya na kaharap lang din niya si Sir Flynn.
Nang lumingon naman ako kay Sir Flynn ay nangingiti lang siya at napapailing. At nang salubungin niya ang tingin ko ay tinanguan niya ako para sabihing ako na ang magpaliwanag.
Saka ko naman inilipat ang paningin kay Sweetzel na tuma-timer na.
"Ang dumi ng isip mo. Doon kami kila Bobbie natulog dahil doon eksaktong nasiraan ng sasakyan si SIR FLYNN. Bale, inihatid niya kasi kami ni Bob kaso wala ng choice. Malayo naman kung lalakarin ko pa. Hindi na rin nila ako pinayagang umuwing magisa. Pwede mong tanungin si Bobbie dahil kakilala mo naman 'yon, eh," mahaba kong paliwanag subalit tila hindi naman siya kumbensido sa paliwanag ko. "Tanungin mo rin 'yong tatay ni Bobbie para sigurado ka."
Napangiwi siya. "No need. Naniniwala naman ako sa'yo, eh. But—!" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. "Hmm.. Tell me.. Natulog kayo sa iisang room, 'no? Tama ba ako o tama ako? Sige.. sagot my friend!"
Bigla akong napalunok. 'Gagi 'tong Sweetzel na 'to, ha! Kung maka-hot seat, eh.. Ni hindi nga kami pinaupo muna!'
"Yes." Si Sir Flynn ang sumagot. Bigla tuloy akong kinabahan! Baka kung ano-ano ang i-kwento niya!
'Waaaaaahhhh!'
"We slept in one room.. But, hindi kami magkatabi. Ayaw naman niya akong katabi, eh," hindi ko malaman kung bakit tila nakaramdam ako ng lungkot sa boses ni Sir Flynn.
Pero, oks lang. Mabuti at di na siya nagkwento pa ng higit pa doon.
"Puro kayo lablayp! Diyan na nga kayo! Ewww!"
Nagulat kaming tatlo ng sumabat si Honeybee at nakaismid kaming tinalikuran.
Pero.. bigla kaming napahagalpak ng tawa ng madulas ito at mapadapa sa sahig. Umaaray itong bumangon at sapo-sapo ang mukha.
Tawang-tawa pa kami ng lumapit kami ni Sweetzel subalit natigilan kami nang makitang may umaagos na dugo sa ilong ni Honeybee.
"Bee!!" Magkapanabay pa naming sambit ni Sweetzel sa pangalan ng kapatid niya nang bigla na lang itong matumba uli. Mabuti na lamang ay mabilis namin itong nasalo. "Bee!!"
"Let's take her to the hospital!" Singit ni Sir Flynn at kinuha si Honeybee para pangkuin at dalhin sa loob ng sasakyan niya.
Taranta naman kaming sumakay ni Sweetzel at dinaluhan si Honeybee na wala ng malay.
"Flynn! Please! Pakibilisan.. Baka kung anong mangyari sa kapatid ko." Umiiyak na saad ni Sweetzel habang pinapahid ang dugong patuloy na umaagos sa ilong ni Honeybee. "Bee... Bee.. Wake up, bee.. Nandito si ate, bee. Sorry na napagtawanan ka pa namin. Hindi namin sinasadya. Sorry! Please, gumising ka, please!"
Naiiyak din akong sinusulyapan si Honeybee sa likuran.
At iyon nga ang ginawa ni Sir Flynn. Halos lumipad kami sa biyahe at wala pang sampong minuto ay narating na namin ang hospital.