CHAPTER 4

3021 Words
"AHH.. S-Sir, b-baka naman po p'wedeng tanggalin niyo na ang kamay niyo sa balikat ko.." nahihiya kong pakiusap habang nakatingala kay Sir Flynn. Halos pabulong ko ding sinabi iyon dahil baka kung ano pa ang ihirit ni Bobbie na kasalukuyan namang nasa labas ng bahay para i-check ang sasakyan ni Sir Flynn. Ngumiti naman at nagtatanong ang mga matang tinitigan ako ng kaharap kong lalaki. "M-Mabigat po kasi, eh." "Oh, sorry." Subalit, bago pa man niya inalis ang kamay sa balikat ko ay pinisil niya pa muna iyon na nagdulot ng kilabot sa kalamnan ko. "So, where do I put my hand? Here?" Saka niya inilingkis ang braso sa beywang ko na ikinapitlag ko. "S-Sir!" Natawa siya sa reaksyon ko. "I just want to make silly things with you, Catrisse. You're so cute when blushing." Sabay tanggal ng kamay sa beywang ko at ipinagkrus na lamang ang mga braso. 'Tsk! Nakita pa niya 'yon? Eh, sa halos dim light na ang ilaw dito kina Bobbie ay nakita pa niya ang pamumula ko!? Grabe..' Lihim akong napalunok at napatingin sa mga balahibo kong nagtayuan! Ngunit inignora ko na lamang at saka ko iniiwas ang tingin sa kanya at pilit na inaalis sa isipan ko ang namagitan sa aming dalawa kanina. Gusto kong kalimutan 'yong halik niya... Pero, gagi!! Pakiramdam ko ay nasa labi ko pa rin ang mga labi nitong lalaking nasa harapan ko! Pakiramdam ko ay gumagalaw pa rin ang mga labi niya kasabay ng mga kamay niyang lumilikot sa bahaging likuran ng katawan ko. Nanindig lahat ng mga balahibo ko sa katawan! "Your lips are so soft. Am I your first kiss, Cat?" Tanong niya at pilyong sinilip ang mukha ko. "Hey? Tell me, am I your first kiss?" "H-Ha?" Utal kong tanong. Ni hindi ako makatingin sa kanya. Halos panuyuan na ako ng pawis ng mas lumapit uli siya sa akin habang ang paningin ay nasa mga labi ko. "S-Sir.." Gusto kong umatras pero parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. "Am I your first kiss?" Ulit niya. Hindi ako makapagsalita! Parang umuurong ang dila ko. "Confirmed, Sir!" Napapitlag kaming dalawa ni Sir Flynn nang sumigaw si Bobbie mula sa labas ng kanilang bahay. Kaya naman ay kaagad akong tumalikod sa kanya at hinarap ang kaibigan ko na papalapit na sa amin. "Pusa nga ang nakita kong nandodoon sa ilalim ng sasakyan. Dalawang pusa, magjowa yata 'yon, eh, naghaharutan kasi. Hehehe." Tumatawang sambit ni Bobbie pagpasok sa pintuan. Pinukol ko naman ng masamang tingin si Bobbie na ikinatawa lang nito lalo. Pakiramdam ko kasi ay kami ni Sir Flynn ang pinaparinggan nitong magjowang naghaharutan. 'Nakita niya ba kami?' Sa isip ko. Pero, baka nga naman totoong may dalawang pusa sa sasakyan. "Catrisse is right. It's just a cat," ani Sir Flynn. "Actually, si Cat ang nagsabi kanina sa akin na baka nga pusa lang iyon." Tumango-tango na lang din ako at pasimpleng lumingon kay Sir Flynn. "Pero, Sir, baka po may mga kalmot ng kuko ang sasakyan niyo," malungkot na sabi ni Bobbie. "Pasensya ka na, Sir, ah? Napahamak tuloy ang sasakyan niyo ng dahil sa nagpahatid pa ako sainyo dito." Tinapik naman ni Sir Flynn si Bobbie sa balikat. "Don't blame yourself, okay? Hindi mo kasalanan." Saka siya ngumiti sa kaibigan ko. "Salamat po, Sir, ang bait niyo naman po." "Mabait naman ako sa lahat," ani Sir Flynn at sinulyapan ako at lihim na kinindatan. Kung bakit, naaapektuhan ako sa mga ganong gesture niya ay hindi ko alam. Parang kinikiliti ako na ewan! Parang anytime ay bibigay ako sa kanya. Pero, hindi pwede! Kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Ayaw kong magsisi sa huli. "Aba'y ba't naman nandiyaan kayo sa may tarangkahan naguusap-usap?" Sabay-sabay kaming nagulat at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Ngumiti kami ng makitang naroon nakatayo sa may pintuan ng kusina si Mang Kanor at nakangiti ring tinitingnan kaming tatlo. "Ah.. wala naman, pa." Si Bobbie ang sumagot, umiiling-iling pa. "Tiningnan lang po namin 'yong sasakyan ni F-Flynn. May kumalabog po kasi do'n kanina, eh." "Kumalabog?" Biglang nangunot ang noo ni Mang Kanor. "Yes po. And, there's a cat—I mean, pusa po ang nakita ni Bobbie." Sabat ni Sir Flynn. "Gano'n ba." Kumakamot sa noong saad ni Mang Kanor. "Pasensya ka na, hijo, dahil marami talagang pusang gala dito sa lugar namin. Mukhang 'yong sasakyan mo ang nagawang palaruan." Ngumiti si Sir Flynn. "Ayos lang po iyon, Mang Kanor. 'Wag na po kayong humingi ng pasensya." Ngumiti at tumango na lang din si Mang Kanor saka ikinaway ang isang kamay sa hangin. "Halina kayo rine sa kusina at nakapagluto na ako ng hapunan ninyo." Hindi na kami nakatugon nang muli na itong pumasok sa kusina. "'Lina po kayo, Sir.. Bebz! Kain muna kayo." Aya ni Bobbie sa amin ni Sir Flynn na nagpatiuna ng naglakad patungong kusina. Kaya naman ay aligaga na rin akong sumunod. Gutom na kasi ako, eh. Hindi ko na rin pinansin si Sir Flynn na ramdam kong nakasunod sa likuran ko. Nagulat ako nang biglang huminto si Bobbie sa may hamba ng pinto at humarap sa amin. Nahinto din tuloy ako sa paglalakad dahilan para magkabunggo ang mga katawan namin ni Sir Flynn. Uminit ang pakiramdam ko ng hawakan niya ako sa balikat para huwag akong mabuwal. Hindi ko tuloy malaman kung kanink ako maiinis. Kung kay Bobbie ba na basta na lang huminto o kay Sir Flynn na basta na lang nanghahawak sa balikat at beywang ko! Pero, nagulat ako nang lumapit si Bobbie kay Sir Flynn at inilapit pa nito ng bahagya ang bibig sa may tenga ng boss namin na medyo yumuko rin ng kaunti. "Sir, iyuko mo na lang po nang kaunti ang ulo mo at baka po kasi tumama sa kisame. Medyo mababa po kasi ang kisame ng kusina namin, eh. Pasensya ka na po," bulong ni Bobbie na rinig na rinig ko naman. Nakangiti namang tumango ang boss namin. "Okay, copy, Miss Gomez. Thank you," tugon naman ni Sir Flynn. Ngiti na lang din ang naging tugon ni Bobbie at bago pa man pumihit papatalikod sa amin ay nakuha pa ako nitong pukulin ng nangaasar na ngiti saka muling nagpatiuna na sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa kusina. Napailing-iling na lamang ako. At sa isip ko ay sana matapos na ang gabing ito ng hindi lumago ang nararamdaman kong kakaiba sa lalaking tila magnet kung makadikit sa akin! Naroon si Mang Kanor na naglalagay ng plato at kutsara sa kawayang lamesa. Nasa lamesa na rin ang pagkain na nakalagay sa bandehado. Nagtaka ako dahil dalawang klase ng ulam ang naroon. "Maupo na kayo." Anyaya sa amin ni Mang Kanor. "Bobbie, sabayan mo ng kumain ang mga kaibigan mo." "Opo, pa!" Saka nakangiting bumaling sa amin. "Upo na kayo." Magkakasunod kaming dumulog sa kawayang mesa at naupo sa upuan na gawa sa kahoy. Hindi na ako nagaksaya pa ng minuto at agad na akong kumain. Dahil sa sobra na ang pagkalam ng sikmura ko ay halos hindi ko na sila pinansin. Kain lang ako ng kain hanggang sa matapos at mabusog. "Haaaa...sarappp!" Sabi ko at hindi ko mapigilang mag-burp sa harapan nila. Nag-piece sign na lang ako sa hiya ko. Saka ako bumaling kay Mang Kanor na natatawang nakatingin sa akin. "Ang sarap niyo naman ho'ng magluto, Mang Kanor. Akala ko ay sardinas lang talaga ang ihahain niyo sa'min, eh. May pa-sopas pa pala. Ang sarap! Salamat po, Mang Kanor." "Walang anuman, 'nak. At salamat naman at nagustuhan mo ang niluto ko. Mabilis lang din namang lutuin 'yan," sagot ni Mang Kanor. "Masarap po ang luto niyo, Mang Kanor. Hindi ako gutom pero nagutom ako sa amoy ng sopas. Marami din akong nakain," si Sir Flynn. "Salamat, 'nak. Ha'mo at ipagluluto ko kayo lagi nitong nobya mo kapag napunta kayo uli dito." 'Nobya na naman??' Muntik pa akong masamid sa sinabing iyon ni Mang Kanor. "Thank you po." Nangingiting sambit ni Sir Flynn at inakbayan pa ako. Magkatabi kasi ang inuupuan namin. Napalunok na naman ako at hindi makahinga! Akabayan ba naman ako sa harap ng magamang Bobbie at Mang Kanor!? Gagi! "O, sige na. Maiwan ko na kayo at ako'y magpapahinga na. Iba na kasi kapag matanda na. Medyo antukin na." "Ah, sige po, goodnight po!" Saad ko. "Goodnight, sir!" Ani naman ni Sir Flynn. "Tulog ka ng mahimbig, pa! Nasa ilalim ng unan mo 'yong net na ikinukuskos mo sa paa," ani Bobbie. "O, sige, salamat. Ikaw na ang bahala sa kanila, Bobbie. Maiwan ko na kayo diyan." Tumayo na sa kinauupuan si Mang Kanor at saka tumalikod na amin. Naiwan kaming tatlo nina Sir Flynn at Bobbie. Nasa hapag pa rin kami kahit na tapos na naman na kaming kumain. Maya-maya'y nangunot bigla ang noo ko nang makita kong lumungkot ang mukha ni Bobbie na bibihira kong makita sa kanya sa loob ng dalawang taong pagkakaibigan at pagiging magkatrabaho namin. "Kung hindi niyo po naitatanong, Sir, bebz.." Anya sa malumanay na boses. Napatungo naman kami ni Sir Flynn. "Dating chef si papa at isa siya sa mayari ng dating sikat na restaurant dito sa pilipinas. Ang kaso, nalugi at na-bankrupt ang restaurant dahil sa isang taong sumabotahe ng pagkain nila. Maraming nalason kabilang na ako dahil naroon ako no'ng mga panahong iyon. Ipinasara ang restaurant at ipinakulong pa ang papa ko. Kaya ganito ang naging buhay namin ngayon. Mahirap. Namatay ang mama ko dahil sa sakit sa puso sampong taon na ang nakakalipas. Hindi niya kasi kinaya ang nangyari sa buhay namin, eh. Tatlong taon pa lang din ng palayain sa kulungan si papa. Mahigit 40 years siyang nakulong ng wala namang kasalanan," mahabang kwento ni Bobbie na ikinaseryoso namin ni Sir Flynn. Ang totoo, ngayon ko lang din nalaman ang tungkol dito. Gulat ako sa nalaman. Nakakaawa pala ang sinapit ng pamilya nila. Ngayon ko lang ito nalaman dahil hindi naman palakwento itong si Bobbie. At bigla akong naawa kay Mang Kanor. Tumagos ang paningin ko sa pintuan kung saan lumabas si Mang Kanor kanina. I'm sorry to hear that.." Ani Sir Flynn sa mababang boses. Napalingon ako sa kanya. Hindi maalis ang tingin kay Bobbie na tila may malalim na iniisip. "Nalaman ba ng papa mo kung sino ang sumabotahe ng restaurant? I mean, kung sino ang may kagagawan no'n?" Tila nagiisip naman si Bobbie. "Hindi, Sir. At saka, wala pa noong cctv kaya hindi madaling mahulaan kung sino ang gumawa noon. Pero, may kutob ang papa ko sa kung sinuman ang may kagagawan no'n. Mas pinili na lang niyang manahimik dahil malaking tao raw ang kakabanggain niya. Hindi nga rin niya sinasabi sa akin dahil baka raw sugurin ko ang taong iyon at mawala ako sa katinuan. Ang oa lang ni papa, eh." Napapailing na sambit ni Bobbie. Nagtagis ang bagang ni Sir Flynn at sumalubong ang nagkakapalang mga kilay habang napapatango-tango sa sinabi ni Bob. Nasa kawalan ang paningin. "Alam ba ng papa mo na sa restaurant ka nagtatrabaho?" Kung bakit gano'n ang naging tanong ni Sir Flynn ay hindi ko maintindihan. Nanahimik na lang din ako habang nakikinig sa usapan nila. Nagtataka ring tumango si Bobbie. "Opo, Sir." "Kilala ba niya kung sino ang dati mong boss?" Umiling-iling si Bobbie. "Hindi po, Sir." "Papa-imbestigahan ko ang nangyari sa papa mo. He needs justice. And I need his cooperation. I'll talk to him tomorrow morning before we left. Kung totoong walang kasalanan ang papa mo ay kailangang managot ang taong sumira sa buhay ninyo." Nagulat ako sa ilang butil ng luha na bumuhos mula sa mga mata ni Bobbie. Unang beses ko iyong makita. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakikitang umiyak. "Uy, Bob.." Hinawakan ko siya sa braso. "Sana makamit niyo ang hustisya. 'Wag ka ng umiyak. Hindi bagay sa'yo, eh." "Masaya lang ako, oy! Naiyak ako sa sinabi ni Sir, eh." Inismiran niya ako at mabilis na pinawi ang luha sa mga mata niya bago ibinalik ang tingin kay Sir Flynn. "Salamat po, Sir Flynn. Kailangan po talaga namin ng hustisya. Lalo na ng papa ko na nagdusa ng maraming taon sa piitan." Pinigil niya ang pagiyak subalit hindi pa rin talaga maalwas ang luha niya. "Leave everything to me. Ako na ang bahala," nakangiting saad ni Sir Flynn at tinapik sa balikat ang kaibigan ko. "Wipe your tears." "Opo. Thank you po talaga, Sir." Ngumiti na si Bobbie at suminghot-singhot pa saka itiningala ang ulo para pigilan na ang pagdaloy ng luha niya. Pagbaba niya ng tingin sa amin ay malawak na ang ngiti niya. "Hehe. Okay na ako." Ngumiti rin ako at pagkuway hindi ko na mapigilang humikab sa harap nila. Inaantok na ako at talagang pagod na. Nakangiting tumango si Sir Flynn at pagkatapos ay bumaling sa 'kin. "Are you sleepy? Let's go to sleep now. It's getting late. Maaga pa tayong gigising bukas," aniya na ikinakaba ko. Bigla akong natigilan. Saka ko naalalang iisa pala ang kwartong tutulugan namin.. Gagi! Baka gapangin na lang ako nito pagtulog na ako! "Ah.. S-Sige po, Sir. S-Siguro mauna na po kayo doon at tutulungan ko muna si Bobbie sa pagliligpit ng mga pinagkainan natin," halos utal kong tugon. Pilit ko ring nilalabanan ang titig niya. "Hindi na!" Sabat ni Bobbie na ikinapukol ko ng masamang tingin sa kanya. Ngunit, inignora lang niya. "Ako ng bahala dito, bebz! Pahinga na kayo doon ni Sir Flynn. Nilatagan na rin kita ng higaan doon sa sahig. Alam ko naman na mahihiya kang tumabi kay Sir, eh. Hehe." At kinindatan ako. Saka bumaling kay Sir Flynn. "Sige na po, Sir. Tulog na po kayo ni Catrisse." Napapikit ako sa inis kay Bobbie. Naibuga ko na lamang sa hangin ang inis sa dibdib ko. Ayaw ko pa namang pumasok kaagad sa kwarto! At kung bakit pinagtutulakan na ako nitong sumama na kay Sir Flynn ay ewan ko! Lihim ko uling sinamaan ng tingin si Bobbie subalit ngingiti-ngiti lang ito. "Let's go, honeybabe?" Ani Sir Flynn na nakalahad pa ang isang kamay sa akin. Kagat pa ang pangibabang labi. 'Honeybabe??? Ahhhhhh!! Kainis!! "Iiihhhhhhhhkekekekeke! Honeybabe daw, bebz! Hehehe! Sana all! Kakilig, oy!" Kinikilig na sambit ni Bobbie. "A-Anong h-honeybabe? Aleina. Aleina Catrisse po ang pangalan ko. Pwede niyo rin po akong tawaging 'Cat' basta 'wag lang po 'yon. Di naman po tayo magsyota, eh." Napapalunok kong sabi. Di ako makatingin sa dalawa. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako! "So, be my girlfriend para matawag na kitang honeybabe ko. What do you think?" Nakangising sabi ni Sir Flynn na ikinanganga ko. Hindi ako makapagsalita. 'Ano bang sinasabi nito? Gano'n ba kadali kung makuha niya ang babae bilang girlfriend?' Tsk! "Oo na lang, bebz! Ano ka ba! 'Wag ka ng magdalawang isip ng isasagot kay Sir. Nasa kanya na ang lahat!" Ngiting-ngiting saad naman ni Bobbie. Pailalim ko naman itong tiningnan. 'Pati ba naman 'tong kaibigan ko ay irereto ako sa lalaking ngayon lang namin nakilala at nakasama! Takte kang tomboy ka! Magsama kayo ni Sweetzel!' Bubulong-bulong ko sa isip. Syempre, nagaatubili akong abutin ang kamay ni Sir Flynn na alam kong nangangalay na. Ewan ko, nahihiya akong abutin iyon! At dahil sa hindi ako makapagsalita at hindi ko inaabot ang kamay niya ay kusa na iyong lumipad sa balikat ko at mabilis akong kinabig papalapit sa kanya. "S-Sir.." Pabulong kong sambit. "Let's go to sleep. I'm sleepy too," bulong niya sa tenga ko na ikinainit ng katawan ko. 'Haaaaaaaaa! Ayoko na!!! Ayoko pa!!! Marami pa akong pangarap sa buhay ko!!!!' Tatawa-tawa na lang din si Bobbie nang lingunin ko ito. "Goodnight!" Anito pa at kumaway. Sa inis ko ay pinakyuhan ko ito ng hindi nakikita ni Sir Flynn! Wala na akong nagawa nang mahila na niya ako papalabas ng kusina. Nadaanan pa namin sa salas ang tulog na tulog at humihilik pang si Mang Kanor na nakahiga sa upuan. I feel awkward. Nagrereklamo ang isip ko sa hitsura namin ngayon. Dinaig pa namin ang magasawang papasok na sa sarili naming kwarto! "Gagi!" Bulong ko pero di ko akalain na maririnig niya iyon. Napalingon siya sa akin at nagtatanong ang mga mata niya. "Este—dito na po tayo, Sir. Baka pwede niyo na akong bitawan." Subalit hindi niya inaalis ang kamay sa balikat ko at sabay pa kaming pumasok sa loob ng kwarto. Doon niya lang ako pinakawalan. Mabilis akong naupo sa silya na naroon dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako. Ngunit, hihinga na sana ako ng malalim nang bigla siyang pumunta sa harapan ko at pinihit ang mukha papaangat kung kaya't nagtagpo ang mga mata namin. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan hanggang sa tuluyan na niyang inangkin ang mga labi kong hindi pa makapag-move on sa naging halikan namin kanina. Ngayon, muli ko na namang natikman ang taglay niyang karisma. Mulat na mulat ang mga mata ko habang magkadaupang ang mga labi namin kung kaya't kitang-kita ko ang mga mata niyang nakapikit. Ubod siya ng gwapo. Mukha siyang koreano na may pagka-amerikano. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko siyang halikan ako ng ganito katagal. Wala akong ginagawa para pahintuin siya. Ewan ko at nagugustuhan ko rin ang lasa ng mga laway namin. Nakakadiri pero bakit gano'n? Nakaka-engganyo pa rin. Napapitlag ako nang pangkuin niya ako at dinala niya ako sa kama. Nakaupo siya sa kutson habang ako ay nakaupo sa lap niya. At hindi pa rin mahinto ang mga labi niya sa kakagalugad sa labi ko. Walang tigil.. Parang may kung anong hinahanap na di mahanap.. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na ibinubuka ng dila niya ang bibig ko. Namilog ang mga mata ko pero ba't gano'n? Hinayaan ko siyang makapasok sa loob at galugarin ang loob ng bibig ko. Habol ko na ang hininga. Para akong kinakapos sa paghinga. Parang nagwawala na rin ang tiyan ko at hindi na mapakali ang mga lamang-loob ko. Subalit, nagulat ako nang bigla siyang tumigil at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Matulog na tayo.. And, dito ka na rin matulog sa tabi ko. I'll promise na wala akong gagawin sa'yo. I just wanna hug you. Nothing else. Trust me," aniya sa paos na boses. Tila may sariling isip naman ang katawan ko na basta na lang pumayag sa kagustuhan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD