3: Meet Summerly

1098 Words
Kapag sinuswerte nga naman, natyempuhan na naman niya ang dalawang halimaw na una na niyang nakita doon sa bar. Kung hindi lang dahil sa kamukha ni Klastina ay tapos na sana ang buhay ng dalawang halimaw. That guy! Bwisit siya! Binilisan niya ang lakad nang makita ang kuwartong itinuro sa kanya ng bouncer. Padabog niyang sinarado ang pintuan. "Honey, honey, easy. Wala ka yata sa mood? " pansin kaagad sa kanya ni Madam. Sinalubong siya nito at bineso. "Slight, " tipid na sagot ni Sue. "Ano bang nangyari?" I met this guy, hunky siya. Akala ko nga si Klas but I was fooled. Magaling siyang humalik... Charismatic... But nevermind! Huwag na huwag lang siyang magpapakita pa sa'kin at baka kung anong magawa ko sa kanya. Pakiramdam ko lagi na lang akong naloloko? "Sue... Sue! " tawag ni Madam. Pinitik pa nito ang daliri sa harapan niya. "Are you still here? Ano ba kasing nangyari?" "Ah.. Wala naman Madam. Mood swing lang, menstruation period." At humarap na siya sa salamin. Kailangan muna niyang burahin sa isipan ang distraction na iyon kung gusto pa niyang tumahimik ang buhay ng bawat isang nandito ngayon sa bar. "Medyo malayo 'tong bar na to ah. Buti naman naalala mo akong tawagan Madam." "Syempre naman, basta ba ikaw. Nga pala heto o, bago mong dress tonight, Summerly." "So I'm Summerly tonight? Cute name." Inabot niya ang damit. Feeling niya naiwan ang panga niya sa pagtitig sa damit nito. "Is this really a dress? Eh parang u***g ko na lang natatakpan dito eh." Napaka-see through kasi ng binigay nitong damit. Mga dibdib na lang talaga ang may takip duon. Ang gawing ibaba naman ay pallazo pants pero see through din. Bikini style ang loob. "But it suits you. Bagay na bagay kaya sa iyo yan. And in all fairness pang private lang ang show mo ngayon." "Private?" tinaasan niya ang boses. "Alam mong sayaw lang ang ginagawa ko. Walang extra activities akong ino-offer." "Of course. Ikaw pa rin ang masusunod. Bayad naman na ang show mo kaya pwede mo ng gawin ang gusto mong gawin sa dalawang iyon." Kakaibang ngiti ang ibinaling sa kanya ni Madam. "Did I know these men?" "You'll see... " Matapos ang isang oras na pag-aayos ni Sue tinungo na niya ang fourth floor kung saan naroon ang kumontrata kay Summerly. Kumatok siya. She still wearing her mask, kulay gold naman ito ngayon. Hindi kasi puwedeng malantad ang hitsura niya kahit na kanino. Lalo sa mga hindi niya kakilala ng lubos. Nakarobe siyang umakyat papunta sa kuwarto. Pagbukas ng pinto, bumungad kaagad sa kanya ang isa sa mga lalaking prospect niya noong isang gabi lang. Hindi niya iyon inasahan. Lalo't hindi ganoon kalakas ang sangsang ng amoy sa paligid. Nakuha na niya kung ano ang sinasabi ni Madam. Akala niya ay common customer lang ito sa main bar sa baba. Nakaplano pa naman na sana ang gagawin niya sa mga ito nang makita na niya ito kanina pagdating sa bar. "Hello boys... " mapang-akit niyang bati sa mga ito. At nang parehas ng nakaupo ang dalawang lalaki sa sofa, hinubad na niya ng tuluyan ang robe. Nalantad sa mga ito ang magandang hubog ng katawan niya. Idagdag pa ang pinasuot sa kanyang Summerly outfit. "Ang hot mo pala Summerly... " sabi ng negrong maskulado. Nagsimula na siyang gumiling nang magpatugtog na din ang isa sa mga lalaki. Kinapa niya ang pisi sa likod ng bra niya. Mabuti na lang pala at naisukbit niya iyon doon. Hindi naman pansinin at halata dahil tinulungan siya ni Madam na itago iyon. "Nag-iinit na ako sa iyo Summerly." Akma na siyang aabutin ng mestisong tsinito pero mabilis siyang nakaiwas. "You should be, honey. Pero malas mo, sayaw lang ang kaya ko." Malambing pa rin ang boses niya. Tumayo ang mga ito. Now, she must be ready. "Pakipot ka pa Summerly, magugustuhan mo naman to eh." "Hindi ka magsisisi. " Baka kayo ang magsisi! Hanggang sa tuluyan na siyang napalibutan ng dalawa. Hinihimas ng mga ito ang braso at hita niya. "O sige na nga, mapilit kayo eh. " Nakita niya ang pag ngisi ng dalawang malanding halimaw. Akma na niyang huhubadin ang bra niya, na ikinapalakpak pa ng dalawa. Pero sa halip na dibdib niya ang dapat sanang makikita ng mga iyon, ay ang kumikinang na pisi nito ang tumambad sa dalawang lalaki. At nang winasiwas iyon ni Sue ay mas kumapal iyon at naging latigo. Red clan's rope is enchanted. Thin rope turnes into scarlet whip. Unti unting lumabas ang mga pangil ng dalawang lalaki. At sa saglit niyang pagkurap, mga mababagsik na taong lobo na ang hitsura ng mga ito. Mabilis na hinampas ni Sue ng latigo ang mga iyon. Dumaing ang mga ito. Hindi pa nakakabangon ang isa ay kaagad na niyang pinuluputan ng latigo. Now, she wants some entertainment. Nakakadiri man ang gagawin, she's eager to try it. Binigyan niya ng mabilisang halik sa labi ang halimaw. Ganoon din ang ginawa niya sa isa pang halimaw. Makaraan ang ilang minuto, inutos niya sa mga itong bumalik sa normal na anyong tao. They were like hypnotized. Nakatulala, walang mga saplot. "Face each other gentlemen." Sumunod ang dalawang lalaki. Siya na ngayon ang nasa sofa. At ang dalawang lalaki na ang nasa harapan niya. "You may now kiss each other, gentlemen. " She crossed her legs as she was watching a movie. At hindi niya napigilan ang pagtawa. Para siyang nanonood ng live p**n. Hindi niya akalaing mas exciting pala pag dalawang halimaw ang aalipinin niya. "Okay stop guys. " utos niya. "Ngayon, sumayaw naman kayo. " Hagalpak na naman siya sa pagtawa. Parang mga ewan kasi ang pagsayaw ng mga ito. Hanggang sa hindi niya inasahang biglang nagtransform ang isa sa pagkahalimaw! Mabuti at nakailag siya sa mahabang kuko niyon. Kaagad niyang inutusan ang lalaking mestiso na nasa ilalim pa ng spell niya. Ito ang kumalaban sa kasama nito. Kill him, now! At kaagad na tinusok ng mestiso ang dibdib ng kasama nito gamit ang matatalas na kuko. And kill yourself! Matapos niyon ay ang mismong sarili ng mestiso ang pinagsasaksak ng sarili nitong mga kuko. Napakabilis. Sadyang malalakas na talaga ang mga halimaw ngayon. Minuto na lang ang itinatagal ng halik niya sa mga ito. Dati, matagal ng panahon, halos isang buong linggo ay kaya niyang alipinin ang limang halimaw na nahuhuli niya. Nadatnan ni Madam na puro abo na ang nasa sahig. "Medyo maingay kanina." Tumango lang si Sue. Kinuha ang inabot na sobre sa kanya. "Lie low muna ako madam. Gusto ko munang magpahinga." "No problem Sue. Just call me, kung kailangan mo ng sideline. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD