4: Klas

1446 Words
Another bar destination ang huling balita ni Marcus sa target niyang si Leila, ang babaeng anak ni Dera. Minamatyagan niya ang long blonde na babaeng naroon sa bandang unahan. Kailangan niyang makilala ito. Dahil isa iyon sa pakay niya kaya humiwalay sa mga kaibigan. Ang lahat ng info ay galing kay Symon at Calix. Pinadalhan siya ng mga ito ng eksaktong address kung saan niya makikita ang target. Wala ring picture na pinadala noong una. Pero makalipas ang ilang minuto isang profile picture ang sinend ni Symon. Korie? Korie ang naka-pangalan sa social media profile na finorward ni Symon. At base sa kulay ng buhok at itsura, match nga ang babaeng pinagmamasdan niya ngayon. Sabi nga nila, keep your enemies closer. At iyon ang dapat niyang gawin. Nagsuot siya ng fake reading class and a hat for just a simple disguise. At pang porma na rin. Still, bebot pa rin itong target niya. Lilipat na dapat siya papunta sa kinauupuan ni Korie nang biglang naghiyawan ang mga tao roon ng ipakilala si Missy. Missy? A pole dancer? Nanuod muna si Marcus. Missy's moves were very familiar. At ang hubog ng katawan? Parang kahubog ng kay Ruby. Is this Ruby? Hindi niya masiguro. "Tanggalin mo na yan babe! " Sigaw ng lalaki sa katapat niyang table. Parang nag-init yata ang tenga niya. Kung ito man si Ruby, bakit ganoon na lang ang pag-aalala niya. Bakit ganoon na lang ang pag iinit ng dugo niya sa bawat lalaking naroon at pinapanood ang babaeng ito. Gusto niyang hatakin ito sa stage at sabihing itigil na nito ang ganoong trabaho. Kung alam lang nito na kung saan siya nagtatrabaho ay naroon ang mga halimaw na hayok na hayok na maisahan at mapaslang siya? Pero naalala niya nga palang pangit ang huling trato nito sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay sinuntok at sinipa nga pala siya nito palabas ng apartment! At sobrang nainis siya at nanggigil ng mga sandaling iyon. He remebered how he felt so hard ang arroused that time. Tapos bibitinin lang siya nito? Muntikan na talaga niyang gibain ang pintuan sa galit kung hindi lang siya naabutan ng isang binatilyo. "Hoy, sino ka? Anong ginagawa mo dyan? May kailangan ka ba sa syota ko? Iyon ang mga sinabi ng binatilyo sa kanya noon. Na ikinagulat niya. Tingin niya ay nasa 15 yrs old lang ito pero syota na nito ang halos 20s na babaeng iyon? Kaya imbis na patulan ang binatilyo ay hinbalot niya na lang ang hawak nitong payong at inabutan ng one hundred peso bill. "Bibilhin ko na lang to." Saka siya umalis. At dahil nabitin siya, bumalik siya sa bar. Walang ibang nasa isip kundi si Ruby. Pinagkasya na lang niya ang pagnanasa sa alak kasabay ang pagpapantasya na naroon pa rin iyon sa pole, sumasayaw sa harap niya. Mas mainam na yun. Kaysa magwala siya sa daan at humarang ng babaeng bibiktimahin. Kahit papaano ay kaya pa rin naman niyang kontrolin ang sarili. Ngayong tinititigan niya ang Missy na ito ay malakas nag kutob niyang ito rin talaga si Ruby. Those lips... Iyon ang pinakamalambot na labing nahagkan niya. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit ang mukha nito. Maganda pero may sindak na itinatago. At ang indayog ng katawan nito? Iyon ang lalong nagpapainit sa kanya... Now she's winning again. She can make his manhood go hard and upstand just by swaying her hips and belly like that... Lumabas siya ng bar. Ano bang nangyayari sakin? Happy go lucky Marcus? Nasan ka na ba? Natatawa na lang si Marcus mag-isa. Dati rati siya ang hinahabol ng mga Queen B ng campus. Pero iba yata ngayon. Baka pag lumapit na naman siya ay sampal na ang abutin niya dito. At iyon ang hindi niya maintindihan. Bakit naging ilag ito sa kanya? "Are you okay man?" Napalingon siya sa nagsalita. "Whoah! " reaksyon niyon ng makita siya. At nagulat din si Marcus. "Kamukha kita, " sabay pa nilang nasabi. Natawa pa sila parehas. "Okay ka lang ba brad, parang tumatawa ka kasi mag isa. " "Mabuti nga dumating ka, feeling ko tuluyan na kong mababaliw! " At sinabayan niya pa iyon ng halakhak. "Marcus nga pala, kamukha talaga tayo oh. Para tayong kambal. " "Klas. Oo nga eh, baka naman magkamag anak tayo. Ano bang sur name mo? " "Dela cerna. Klas ba kamo ang pangalan mo? " "Oo. Dela Cerna ka din? Malakas ang vibes ko mag kamag anak nga tayo! " Kapag sinuswerte nga naman, makakatagpo pa pala siya ng kamag anak kahit na nasa malayong probinsya sya. Pero ang mas good news habang magkausap sila ay lumabas si Korie. Magkaibigan pala si Klas at Korie. Business partner daw ang dalawa. Nag iwan ng contact number si Klas kung sakali daw ay mag hang out sila at may ipapakilala siya ditong chicka babe. Hindi sana siya interesado pero napa-oo pa din siya dito. "Ano bang pangalan ng babe na yan? " usisa niya. Baka kasi kilala na niya ang sinasabi nito. "Sue. " Okay. It is not her. Curious si Marcus. Hindi talaga siya umuwi muna kahit na sinasabay na siya ni Klas sa pag uwi. May gusto lang siyang kompirmahin. Moon is in full and he's now in his monster shadow figure. Nagtatago sa malalagong halaman at matataas na puno. Then it was confirmed. Si Missy nga ay si Ruby. Nakita niyang lumabas sa back door si Ruby. Sinundan niya ito. Pero may nakasunod din dito. Sinipat niya ang lalaki. Iyon ang lalaking nasa tapat niyang sumigaw. Isa sa mga lalaking nagnanasa sa Ruby niya. Ruby ko? Napatigil si Marcus. Ganoon din si Ruby. Nakita ni Marcus ang mabilis na pagtatago ng lalaki at bigla iyong naging halimaw. Binalik ni Marcus ang tanaw kay Ruby, nagpalingon lingon ang babae sa paligid. Oh come on, tumakbo ka na! Sigaw ng isip ni Marcus. Pero naroon pa din si Ruby. Parang may hinahanap hanap. Lingid sa kaalaman nito ay naroon lang ang isa pang halimaw. Baki mo pinapatakbo ang pagkain natin. Bobo ka ba? Iyon ang halimaw sa kabila. Nagtatago din. Kaya nilang magkaroon ng link sa kapwa halimaw o taong lobo kapag nasa anyong ganito. Huwag mo siyang gagalawin halimaw ka! Sagot ni Marcus. Hindi ako natatakot sa inyo mga hunghang! Huwag lang kayong magpakita, kundi katapusan niyo na! Napaisip si Marcus. Si Ruby ba ang nagsalita? Namalayan na lang ni Marcus na may latigo nang iwinawasiwas si Ruby. Hindi ako takot diyan. Mas malakas pa ako sa latigo mong yan. Matapang ka lang dahil dyan. Oras na makuha ko yan, ikaw ang yari sa'kin! Galing iyon sa isip ng halimaw sa kabilang banda. Bigla'y lumabas na ang halimaw. Mabilis na tumakbo si Marcus at pumagitna sa mga iyon. Hinarap ang kapwa halimaw. Mabilis na inundahan ni Marcus ng suntok sa mukha ang kalaban. Hindi niya hinayaang makaganti iyon sa kanya. Mas malakas pa din ang katawang halimaw niya kaysa dito. Umalis ka na, tumakbo ka na! Ako na ang bahala sa gagong to! Utos ni Marcus sa kanyang isip at tiningnan si Ruby. Hindi makapaniwala ang reaskyon ni Ruby. Ngayon na! Umalis ka na! At humiyaw pa si Marcus para mas matakot at sundin siya nito. Effective naman at umalis na si Ruby. Binalingan niya ang kalaban. Unti unti na iyong bumabalik sa taong anyo nito. Ganoon din ang ginawa niya. Binitbit ni Marcus ang lalaki sa kakahuyan. Tinatawanan siya nito ng binitawan niya ito at binalibag sa malaking puno. "Anong nakakatawa? " tanong niya. "Eh sa nakakatawa ka eh! Biro mo, ung taga red clan na yun pinatakas mo!" Hindi niya alam ang sinasabi nitong red clan. At ayaw na niyang alamin pa. "Hoy ikaw, masyado kang bastos kanina! Sa uli uli huwag kang mananakit ng mga babae. Lalo na ang babaeng yun. Palalagpasin ko ito. Pero oras na makita kitang naghahasik ng lagim, pagsisisihan mong nagtagpo ang nga landas natin. " Aalis na si Marcus. Pero napigil siya ng lalaki. "Wala ka ngang alam sa mga red clan. Kaunting payo lang, totoy. Kung masyado mo atang pinoprotektahan ang babaeng yun. Mag iingat ka. Siya mismo ang papatay sayo oras na malaman niya kung ano ka talaga! " At saka tumawa ang walanghiya. Baliw na 'to... At iniwan niya na ito. Nagpunta siya sa apartment ni Ruby. Mula sa malayo, kita niya ito roong nagsusuklay. Nababahala siyang baka nasundan ito ng halimaw na yun. Tahimik naman ang paligid. Red Clan. Latigo. Mind Reader. Iyon ang mga natuklasan niya ngayong gabi kay Ruby. Espesyal din si Ruby. Hindi normal na tao gaya niya, iyon ang palagay niya. Kailangan niya lang hintayin ang makukuhang impormasyon kay Callix tungkol dito. Para mas makilala niya ang babae. Para naman hindi siya mabasted dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD