5: Unexpected Visitor

948 Words
Napabalikwas ng bangon si Sue. Kasunod ang malalim na pagbuntong hininga. Pasado alas-siete na ng umaga. She had a weird dream. Ano ang weird? Nakikipagtawanan daw siya sa isang halimaw! Never in her thoughts na maiisip niya iyon. Walang dahilan para gawin niya ang kalokohang iyon, as if they will be friends for a long time. Namulat sya sa mundong ang mga halimaw na taong lobo ay walang kasing sama. Parang mga nakahithit ng drugs na walang habas kung pumatay ng mga walang malay na nilalang. Lalo ng mga babae. Isa lang ang kilala niyang kayang magbago mula sa pagkahalimaw. Iyon ay ang sariling ama. Wala ng iba pa... Pero sumagi sa isip niya ang kakaibang halimaw noong isang gabi. Pinatatakas siya nito. Ang mga salita at titig nito sa kanya, masyadong protektado. Napabuntong hininga si Sue sa isiping iyon. She was puzzled. "How come, ang isang iyon parang newbie sa pact nila? I still felt sorry sa kanya. Hindi man ako ang tumapos sa kanya. Tyak ang mga kalahi nya ang magtuturo ng leksyon sa kanya." Pero paano kung may iba pa lang agenda iyon? Kontra ulit ng isip niya. Paano kung pinatakas lang sya nito para masolo? And well, hindi rin naman iyon bago sa isip niya. Mas mabuti na ang maagap. Mas okay nga ang masolo niya ito para mas exciting. Wala pang nakatalo sa kanya kahit na sinong halimaw. Kaya nga siya binansagan noong, "The Killer of Beast". Dati iyon, noong aktibo pa sya sa grupo. Hindi na ngayon. Nagsimula na siyang magligpit ng higaan. Sinilip ang katapat na kuwarto. Pero bakante pa rin iyon. Limang buwan na siyang mag-isa sa apartment. At limang buwan na ring malinis ang bahay. Wala si Klas, na laging makalat. Well, wala rin naman siyang choice. Apartment naman ito ni Klas at siya lang itong nakikitira. At malaki ang utang na loob sa kaibigan. Kasalukuyan siyang nagtatanggal ng hook ng kurtina para palitan iyon. Nakatuntong siya sa sofa nang biglang bumukas ang pintuan. "Good Morning, Sue!" Kilala niya ang pamilyar na boses. Kahit nakapikit ay kilala niya kung sino nga ba ang dumating. Halos pitong taon ba naman niya itong nakasama at naging kaibigan. "Buti naman nagpakita ka nang tomboy ka. Saan ka ba nagbakasyon, tagal mong nawala? Nakatalikod sya sa pintuan kaya hindi niya kaagad ito nabati ng harapan. Bumaba muna siya sa sofa bago niya ito hinarap. Kaya naman ng makaharap siya dito ay laking gulat niya na may kasama pala ito. Gaya niya ay gulat na gulat din ito nang makita siya. "Ah.. Sue, pasensya ka na. Nasanay akong pumapasok na lang basta at di muna nakatok. Nakalimutan kong may kasama nga pala ko. Sige, lalabas muna kami. Bibili ng makakain." Sabi ni Klas at kaagad tinulak palabas ang kasama. Bago nito sinarado ang pinto ay sinilip muna ulit siya nito. "Magbihis ka ha." Pero parang lumabas lang sa kabilang tenga ni Sue ang utos ni Klas. Hindi niya maintindihan ang tensyong namumuo sa kanya. Kung bakit kasama ni Klas ang lalaking iyon? Magkamag-anak ba ang dalawa? Napansin niya ang buong sarili sa salamin. Kaya naman pala ganoon ang reaksyon nito sa kanya. Oo nga pala, naka-sando lang sya ng walang padding. At naka-undies sa lower. **** "Hm, Marcus," ani Klas nang nasa convenient store sila. "It feels a bit awkward, pero alam mo namang babae din ako at the same time. Ganoon lang talaga si Sue sa bahay. Pero mabait yun." "Hindi ko expected na wild pala talaga siya. Wild manamit?" Nakakunot ang noo ni Marcus ng nasabi niya iyon. Dahilan kaya nangunot rin ang noo ng kausap. "Mas wild kamo? Bakit nakita mo na ba sya noon? Nakilala?" "Ah hindi. Iniisip ko nga din. Baka kamukha lang niya iyong nakita kong dancer." Pagsisinungaling niya. Tinawagan siya nito ni Klas gaya ng nasabi nito noong may ipakikilala sa kanya. At habang papunta nga sila sa apartment ay malakas na ang kutob niyang mukhang sa tirahan din ni Ruby sila pupunta. And it hit him, ito nga si Klas, ang napagkamalan nitong siya. Nasa mood siya ng sandaling iyon para ipakilala ni Klas. But this girl always amazed her. And made him turned on. "Sa tingin ko, siya talaga yun nakita mo. Dancer talaga yan si Sue. Dance Instructor siya sa isang ballroom club ko." Paglilinaw ni Klas. At inabot ang napamiling ready to eat na mga snacks. "Thank you. Tara na," "Ballroom club?" tanong ni Marcus. Dahil sa pagkakatanda niya hindi ballroom club ang lugar kung saan niya nakita ito. "Oo. At doon din kita ipapasok. Need ko talaga ngayon ng barista. Sakto may background ka pala noon. Plus, you have that good looks, oh! Parang ako." Naudlot ang usapan nila nang may tumatawag kay Klas. Sa tingin niy ay halos ka-edaran lang niya ito. And she was already owning a business. Having simple and aspiring life. Siya? Malayong malayo ang takbo ng buhay niya. It's always darker. Parang laging nasa panganib ang buhay niya. Maging siya mismo ay isa ding panganib sa sinuman. Gustuhin man niyang maging normal ang buhay niya o bumalik sa dati, it wouldn't be easy. Hindi siya pahihintulutan ng pagkataong mayroon na siya ngayon. "Naku, Marcus. May urgent call ako sa isang client ko. Hindi na kita masasamahan pabalik sa aparment. Ako na ang bahala magsabi kay Sue." Kasunod niyon ay kausap na nga nito ang babae. Mabilis lang ang naging paalam. Ang nakakagulat pa sa huling sinabi nito ay puwede na daw siyang lumipat sa apartment. Para may nakakasama ito sa bahay. Napalunok si Marcus. Biglang ang daming mga imahe ni Sue ang nagsimulang pumuno sa utak niya. And those thoughts were wild...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD