Sunod-sunod ang pagkatok. Si Marcus na iyon. Iyon daw ang pangalan ng lalaki. Ang sabi ni Klas malayong kamag-anak niya daw ito. Kaya tratuhin niya daw itong bisita. Well,para sa kanya it depends kung paano niya pakikisamahan ang lalaki. Good girl siya basta good boy ang kaharap niya.
Wala naman siyang magagawa kung gusto na din palang patirahin ni Klas ang lalaking ito kasama niya. Hindi naman niya ito bahay. Pero sisiguraduhin niyang aalis ng kusa ang Marcus na 'to.
"Bukas iyan," utos niya. Naghahanda na siya sa mesa ng mga utensils.
Pumasok si Marcus. Nilagay sa mesa ang mga binili ni Klas.
Walang nagsalita. Pinggan at kutsara lang ang parang nag-uusap. Magkaharapan silang kumakain.
"Would you mind?" Pagbasag ni Marcus.
Napatingin siya dito. Eksakto sa mga mata nito. Pero binawi rin niya kaagad ang titig. She's destracted. Dahil sa tuwing napapatitig siya, parang mga kidlat sa bilis ng sumusulpot sa utak niya ang isang gabing nakaraan nila.
"Ganyan ka ba talaga manamit sa harap ng bisita mo?"
Ramdam niya ang inis sa tono ni Marcus. And that's good. Gusto talaga niyang inisin ito. Syempre, para lumayas na ang bwisita.
Pero hindi niya inaasahang iyon kaagad ang magiging reaksyon ng lalaki. Wala kasi siyang binago sa suot niya nang madatnan siya nito kanina. She expects some silly moves from him. At doon niya ito iinisin. Pero hindi iyon ang inasal nito.
"Oo bisita ka kanina, pero ngayon Boarder ka na din gaya ko," pagpapaalala niya. "Isa lang ang rule namin ni Klas dito: Mind your own business. Kung gusto mong maghubo kang palakad-lakad dyan. Wala akong pake." And she rolled her eyes.
Napailing na lang si Marcus.
"For sure, if gagawin ko yan. You'll see, kakainin mo yang sinabi mo."
Sinusubok talaga ng lalaki ang temper niya. "Tapos na kong kumain. Hugasan mo yan." At nagkulong na siya sa kuwarto. This time, mukhang magsisimulang mag-iba ang takbo ng buhay niya, ng bahay na ito dahil sa Marcus na iyon. Napakaraming pwedeng mangyari habang kasama ito sa iisang bubong. Baka makasagabal lang ito sa buhay niya. Mabuti pa ay tawagan niya si Klas at ipa-evict ito.
"Ruby, or Sue," katok iyon ni Marcus.
"Anong kailangan mo?" sigaw niya. Hindi binuksan ang pinto.
"Don't worry, hindi ko pa naman tinatanggap ang offer niya na dito tumira. Aalis na ako. Be safe."
Narinig niya ang pagsarado ng pinto ilang minuto.
Na-late ng halos isang oras si Sue. Alas otso ng gabi ang duty niya ngayon sa club. Nakatulog pa kasi siya ng ala-singko at napasarap iyon.
It was unusual na may nagkukumpulan doon sa bar side.
"Anong meron dun?" tanong kaagad ni Sue kay Tina, isa sa mga waitress sa table na inupuan niya kasama ang ilang regular customer nila.
"May bagong pasok Ms. Sue. Ang pogi pogi, ang macho pa. Hawig nga ni Sir Klas din!"
Aba't ,mukhang kilala ko na yata kung sino to ah...
Di nga siya nagkamali sa naisip. Natanaw niya ang bulto ni Marcus. Nakikipag tawanan sa ibang guests doon. Naghahanda rin ito ng mga inumin. Hindi naman niya maitatanggi, talagang mas lalong lumakas ang appeal ng mokong.
Kinamusta niya ang mga senior citizen guest nila. Gusto man niyang makipagsayaw sa mga lalaking naroon, pero ang lahat ay sinabing katatapos lang nila. Kung meron mang gustong makipagsayaw sa kanya ay ang kinikilig-kilig na DI din gaya nya na namimilit sa kanya.
"Pumayag ka na kasi,ito naman. Nagsabi na kasi ako kay Marcus na panoorin niya ko sumayaw." Pamimilit pa rin ng baklang si Donnie.
"Marcus kamo?" nilingon niya ang bar counter. At ayun nga at naroon din sa kanila ang tuon nito. Binalikan niya si Donnie.
"Oh edi magsayaw ka dyan sa floor. Bakit inaaya mo pa ako." pagtataray niya.
"Ballroom dance, mag sosolo ako?!"
"Eh wag ako, iba na lang ang ayain mo."
"Ikaw ang gusto niya na kapareha ko."
"Sinong may gusto?"
"Si Marcus. Ewan ko ba, bakit ikaw pa ang gusto. Mas type ka ata."
"Sige na Ms. Sue pagbigyan mo na yan si Donnie, para matahimik na yan." Komento ng guest nila. At iyon na nga ang bukambibig ng iba pang guest. Kanina isa lang ang namimilit. Ngayon halos lahat na ng nasa palibot niya ay iisa ang ipinipilit.
Tumugtog ang Lets Get Loud.
At wala na nga siyang nagawa pa, nang hilahin na siya ni Donnie sa floor. Silang dalawa lang ang naroon. Para silang may intermission number na lahat ng mga mata ay sa kanila lang nakatuon.
****
Again, Sue amazed him. Sa bawat galaw ng balakang nito talagang hindi niya maibaling sa iba ang mga mata. May ibang karisma at galing ang babae sa pagsasayaw. Ballroom or pole dance man.
Nang matapos ang tugtog, ay isa siya sa mga pumapalakpak. Dumako ang tuon ni Sue sa kanya. Hindi man maayos ang pakitungo nito sa kany ay malawak pa rin ang ngiti niyang iginanti rito.
Hindi niya din alam ang dahilan kung bakit ganoon na lang kasungit si Sue sa kanya. Ibang iba ang babaeng ito noong una niya itong makilala. Kung siguro ay siya talaga si Klas ay hindi ganito ang pakitungo nito sa kanya.
Pero hindi niya dapat kalimutan ang isang bagay na natuklasan niya dito. Kaya ni Sue na makipag usap sa gaya niya sa anyong halimaw.
Ano nga ba ang Red Clan? Noon lang niya narinig iyon mula sa isang halimaw din ng gabing iyon. Ano pa ba ang iba kayang gawin ni Sue?
Kaya naman nakapagdesisyon si Marcus na tanggapin na ang alok ni Klas na duon tumira sa apartment. Mas malapit lang din kasi ang apartment papuntang club.
Dinala niya ang isang travel bag lang na gamit bago pumasok. May sarili na rin siyang susi ng apartment. Pagpunta niya doon ay wala na si Sue. Mas mainam na ito, na kasama niya para mas makilala niya ang babae at maprotektahan.
"Ikaw lalaki ka, nang-iinis ka ba talaga? Bakit ba dito ka rin pumasok sa club? Mayroon pa namang ibang business si Klas na pede mong pasukan?" bungad kagad sa kanya ni Sue habang sinasabayan niya itong maglakad.
Nginitian lang niya ito. "Mas kailangan niya daw ng bartender."
Gaya ng dati, inirapan lng siya nito at mabilis na inunahan siya sa paglakad. Napapailing na lang siya sa ikinikilos ng babae. He know his charms. Wala pa yatang humindi na babae sa kanya noong nasa Verialis siya.
"Bakit?" intriga ni Sue sa kanya nang parehas silang nasa harap na ng pintuan ng apartment.
"Dito na ako nkatira. Hi Board mate." At inunahan na niya iyon sa pintuan.
"Kailan pa?!"
"Kanina lang."
Dumiretso sa kwarto niya. Dating kwarto ni Klas na katapat lang ng kwarto ni Sue.