Tinungo ni Marcus ang kuwarto ni Sue. Bahagya iyong nakabukas. Sumilip siya. Pero wala roon ang babae. Maging sa banyo ay wala rin. Gusto niya sanang ayain itong kumain.
Tumunog ang cellphone niya. Symon is calling.
"Hello, bro," bati niya.
"Anong balita kay Leila?"
"Hindi ko pa siya matyempuhan. Tatawag ako once meron ng update."
"Okay, Be safe. Hindi tayo pedeng pumalpak."
"Of course, By the way. Pls take care of Moira. Wag mong babawasan ng kahit ano yan. Lintek ka sakin."
"Hoy, Hoy, ano-"
At hindi na nga niya tinapos ang sinasabi nito. Gaya ng inaasahan, tinatawagan na naman siya.
"Eto tlagang taong to di mabiro," then he off his phone.
Alas -diyes ng gabi, kaunti pa lang ang mga guest sa club. Balak niyang umuwi ng late at baka matyempuhan niya si Leila o si Korie na pangalang ginagamit nito ngayon.
"Hi Marcus, are you free later?"
Napatingin siya kay Donnie, the gay DI.
"Sorry Donnie, some other time pwede." Nakangiti niyang sagot dito. "Want a shot of this?"
"No thanks," pagtanggi nito sa alok niyang wine. "Sabi mo yan ah, some time labas naman tayo. Friendly hang out lang."
"Sure, basta okay kay Sue. Okay sakin."
"Si Sue? Syempre walang Sue dun, it's just you and me noh?"
Dama ni Marcus ang kaunting pagtataray at pagseselos nito. Speaking of Sue, rest day daw nito sabi ng ibang DI. Meron sigurong lakad kanina kaya hindi niya nahagilap kaninang umaga.
"Well, if I were you. Kailangan mo munang humingi ng permiso sa kanya bago mo ako ilabas sa kung saan." Pang-iinis niya kay Donnie. Hindi siya galit dito o anu pa man. Gusto lang niyang umiwas na kasama itong mag-isa. At isa pa'y ayaw niyang bigyan ito ng false hope. Mahirap na at baka makasagabal pa sa misyon niya.
"Ganun?" nakanguso si Donnie. "Kayo na ba?"
Hindi na niya nasagot pa ang tanong ni Donnie dahil nahagip niya ng tingin ang pagpasok ni Korie at Klas. Malayo pa lang ay nakangiti na si Klas sa kanya.
"Hi Marcus, kamusta? Kamusta sa bahay? Hope you at least feel a little bit comfortable kay Sue?" bungad sa kanya ni Klas.
"Hala!"
Nakuha ni Donnie ang atensyon ng dalawang nag-uusap. Kaagad naman nitong tinakpan ang bibig sa pageeskandalo at lumayo sa tabi ng mga ito.
Hindi naman na iyon pinansin pa ni Klas. "Anyway, Korie this is Marcus. Yun minsang na-meet natin sa isang bar? This is my male version as you can see? Diba mas prominent nga lang ang male features niya."
Inilahad naman kaagad ni Marcus ang kamay sa babae. The lady was so stunning. Kung hindi lang niya ito misyon malamang ay kung saan na niya ito inaya. But he behave himself. Kaagad kasing pumasok sa isip niya si Sue.
"Nice to meet you," abot ni Korie ng kamay sa kanya. "Totoo nga, hawig kayo. Pero Klas wag kang magagalit sakin. Mas type ko sya. Mas ma-appeal siya sa'yo."
"I know," ngiti ni Klas. " Sige maiwan ko muna kayo. Mayroon kasi talaga akong client doon na i-mi-meet. Marcus, ikaw na munang bahala sa business partner ko."
"Of course. Akong bahala sa gorgeous beauty na 'to. I will prepare a special wine for you Madam. In a while lang,"
"Okay."
May inilagay si Marcus na kaunting pampatulog. Gaya ng bilin ni Symon, hindi sila pedeng pumalpak. Hindi niya dapat palagpasin ang pagkakataong ito.
"Here we go, Ms Korie." alok niya sa wine.
"Thank you, Marcus." She started to drink. "Alam mo, I have this feeling, magkakasundo tayo."
"The feeling is mutual." Agaran niyang sagot.
Napatawa niya ang babae. Of course, siya pa ba? Matinik yata siya. "Talaga ba? Ano bang pinagkakaabalahan mo after dito sa bar? Are you still in school? Or other side line job?"
"Wala naman akong ibang trabaho bukod dito. I'm doing the best I can sa club, malaki ang naitulong sakin ni Klas kaya ayokong mapahiya siya."
"That's nice to hear. And what about this Sue na tinatanong niya sayo? Is she your girlfriend or something?"
"Ah, hindi. Room mate ko siya."
Tumango-tango si Korie. "Why a sudden feeling na parang nasaktan ako? Maluwag naman ang place ko. Pwede ka rin doon if you want." Sabay ngiti nito sa kanya. Her smile was incredible. Hindi mo aakalaing may kabruha-han sa pagkatao. Mabuti na lang at alam niyang ito ang babaeng misyon niya.
"I'm really glad for that offer Ms. Korie. Pag-iisipan ko." At kaunti siyang kumindat dito.
Ilang minuto pa nilang pagkukwentuhan ay naubos na ni Korie ang wine. Sa katunayan ay humingi pa nga ito ng isa pa. Pero nang ibibigay na ni Marcus ang pangalawang glass ay nakadama ng hilo ang dalaga. Kaagad siyang lumapit sa babae at inilalayan ito. Napayakap si Korie sa kanya.
"Sorry, mukhang masyadong malakas ang wine mo. O meron kang ibang hinalo?" bulong nito sa kanya.
"Kaya mo pa bang tumayo?"
"Pwede bang ihatid mo ako?"
"Oo naman." Sagot niya. Inayos niya ng pwesto ng kamay ni Korie sa balikat niya. At isang kamay niya ay inalalayan ang balakang nito.
Sinalubong sila ni Klas sa kotse sa labas.
"What happened?"
"This man made me fall, Klas. Fall in love." Kasunod niyon at humagikgik pa ang babae.
"Sige na Marcus, ako na ang bahala sa kanya." Si Klas na ang kusang umalalay kay Korie.
"Ako na lang ang maghahatid Klas, okay lang naman sa'kin. I'll take care." Pagpupumilit ni Marcus. This was his chance to capture her. Kailangan niyang dalhin ito kay Symon gaya ng napagkasunduan.
"No Marcus," may kataasan ang boses ni Klas. "Leave it to me. Yan din ang sinabi mo kanina, pero tingnan mo ang ginawa mo? Umuwi ka na. At mukhang sinundo ka ni Sue kanina."
"Nandito siya?" paglinga niya sa paligid.
"Kanina, umalis na din nang makita kayo ni Korie."
Bago tuluyang umalis sila Klas ay hinarap niya ulit si Marcus.
"I dont want to be rude Marcus. Pero Korie's my type now. Next time na pumunta siya dito. Dont give her some intentions and made her fall. Please."
Iyon lang at pinaandar na nito ang kotse.
He felt some guilt.
Napatitig sa half cresent moon. Pagkatapos ay sasapit na naman ang kabilugan niyon. And it reminds him kung paano ba siya naging isang halimaw...
"Tama na... " pagdaing niya, hawak-hawak ang nasuntok niyang sikmura. Nakasalampak na siya sa putikan. Mahigpit ang pagsapo niya sa tiyan sa sobrang sakit. Pero sa lakas ng tawanan ng mga kalalakihan sa harap niya, mukhang hindi lang iyon ang matatamo niya sa mga ito.
"Alam mo, masyado ka kasing epal. Napakalampa mo naman talaga!" Pagkatapos niyon ay binitbit ang kuwelyo ng polo uniform niya ng lalaking nagsalita, si Vhon - ang lider ng mga ito. Mabilis ang kasunod na nangyari. Hindi niya namalayan ang magkakasunod na suntok niyon sa magkabilang panga niya. Pagkatapos ay tinulak pa siya nito. Napaupo siya at napasandal sa mga tambak na malalaking drum ng langis na naroon sa likod niya. Hinarang siya ng mga ito habang pauwing naglalakad at kinaladkad sa tambakan ng mga drum ng langis di kalayuan sa school na pinapasukan niya.
"Tama na... " pagmamakaawa pa rin niya. Hilong hilo na siya. Pakiramdam niya ay maga na ang pisngi niya sa sobrang lakas ng kamao ni Vhon.
"Ngayon pa nga lang tayo nagsisimula, umaayaw ka na." Sabat iyon ng isa pang kasama nito. Tatlo ang alipores na kasama ni Vhon ngayon. At kilala ang grupo ng mga ito sa isang fraternity.
"Sinabihan ka na namin diba na layuan mo yung chika babes nitong si Vhon, pero ano? Sinamahan mo pa kanina sa Photo booth? So anong ginawa niyo doon?" pang-aalaska pa ng isang kasama na lalong nagpa-inis sa mukha ni Vhon. " Malamang Vhon hindi lang picture-an ang ginawa ng mga yan."
Nanlalabo na ang paningin niya, pero dinig pa din niya ang mga yabag ng sapatos ni Vhon at naaninag ang muling pagsugod nito sa kanya.
Pero napahinto iyon nang may biglang umeksena sa kung saan.
"Babae lang pala ang pinag-puputok ng butse mo? Kala ko naman kung ano."
"Sino ka ba? Anong ginagawa mo dito? "
Tanong ni Vhon sa matangkad na lalaki na lumabas sa mula sa madilim na sulok.
Blurry ang paningin niya. Pero sa suot na uniform ng lalaki ay tiyak na estudyante din ito. Hindi niya lang sigurado kung sa school din na pinapasukan niya.
"Actually, kanina ko pa kayo pinanonood. At ayoko sa lahat yung magsisiga-siga, duwag naman pala talaga." Cool na sagot ng lalaki. "Insecure ka masyado dito sa binugbog mo no? Well, siguro mas type siya ng chika babes kaysa sayo."
"Eh gago ka pala eh! Mukhang gusto mong makatikim din!" At sinugod iyon ni Vhon. Inundahan ng suntok ang mukha pero mabilis namang ikinailag ng lalaki. Nagulat si Vhon nang mabilis ang naging paggalaw niyon at sa halip ay nahagipi niyon ang braso niya at saka siya nito sinikmuraan. Binuhat din siya nito at saka inihagis sa mga drum na nagkalat.
May sumugod na isang kasama ni Vhon, pero gaya ni Vhon ay naihagis din ito. Matinding mga suntok din ang tinamo. Nagkatinginan naman ang dalawa pang naiwan.
"Oh ano, kayong dalawa? Lapit na! "
Pero imbis na lumapit ang dalawa ay kanya kanya iyong kumaripas ng takbo. Iika-ikang tumayo si Vhon at ang kasama nito.
"Hindi pa tayo tapos Marcus," pagbabanta ni Vhon. "At ikaw, epal ka. Hindi ko palalagpasin 'to. "
Bumaling ang estrangherong lalaki sa kanya. Kahit masakit ang katawan ay pinilit niyang iatras ang mga paa palayo dito.
"Hindi kita sasaktan. Quota ka na oh? " simpleng sabi sa kanya nito. At Inalalayan pa nga siya nitong makatayo.
"Kaya mo bang umuwi?" tanong nito.
"Hindi ko alam, " sagot niya.
"Sige, ako nang bahala."
Sumakay sila sa motor nito. Ang bilis nitong magpaandar. Nakatulog nga yata siya sa sobrang hilo. Paggising niya nasa sofa na siya.
Pero hindi ito sofa nila. Masyadong luma ang istilo ng bahay, parang sinauna pa.
"Oh gising ka na, " bungad iyon ng lalaki. "Dinala na kita sa bahay namin. Nakakaawa kasi yang bugbog sa'yo. Ginamot ko na din ang mga sugat mo habang tulog ka."
"Ginawa mo 'yun? " paghanga niya dito. Nakita niya nga sa salamin ang bahid pa ng betadine sa magkabilang gilid ng bibig niya. Pero nangigitim ang ilang palibot ng mata niya. Ganoon din ang panga niya. Paano niya ito ipapaliwanag sa pamilya niya? Paano na din siya haharap sa mga kaklase niya? Magiging topic siya sa buong campus kung makikita siya ng mga ito.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo? " tanong ng lalaki. Naghahaing na iyon ng makakain sa mesa.
"Medyo masakit pa din ang katawan. Salamat sayo, niligtas mo ko at ginamot ang mga sugat ko. Hayaan mo babawi ako sa'yo. "
Napangiti ang lalaki. "Babawi ka ba kamo?"
"Oo. Kahit ano. Ngayon lang kasi may nagtanggol sa'kin. "Pag-aamin niya. Naalala niya hindi pa pala siya nagpapakilala dito. Kaya inilahad niya ang kamay dito. "Marcus nga pala. "
"Calix, " pagtanggap niyon sa kamay niya. "Ibig mong sabihin lagi kang nabubugbog ng mga yun? "
"Hindi naman. Kadalasan mga warning at mga bad words ang binabanat nila sa'kin. Pero nitong mga nakaraan, pinipisikal na nila ako."
"Hindi ka lumaban kanina. Bakit? "
"Tingin mo kaya ko sila, sa lampa at payat ko?" natatawa niyang sabi. "Saka hindi ko naman ugali ang makipag basag ulo."
Naputol ang usapan nila nang may malakas na kumalabog. Pinuntahan ni Calix ang dulong kwarto. "Sandali lang Marcus." At iniwan siya nito.
Lingid sa kaalaman ni Marcus, kinakabahan si Calix. Umaasa kasi ito na sana si ang lalaking ito na ang natatanging lalaki na kailangan niya upang pagsalinan ng pagka-hirang ng kapatid niya. Ni-lock niya ng husto ang isa pang pintuan sa loob ng kuwarto. Humarap siya sa napakaliwanag na buwang nakikita sa bintana. Ikaw na ang bahala...
Ilang saglit lang ay nakabalik na rin si Calix.
"Anong nangyari?"
"Wala naman," simpleng sagot nito sa kanya. Inaya na ulit siya nitong kumain.
"Nasaan nga pala ang mga magulang mo? Parang ikaw lang yata ang nakatira dito. Eh ang laki laki ng bahay mo." puna ni Marcus.
"Ako na lang at ang kapatid ko. Wala na ang parents namin. Thanks to them, iniwanan nila kami ng bahay at kaunting ipon."
Nakapalagayan kaagad ni Marcus si Calix lalo't nasa iisang school lang pala sila nag-aaral. May kalayuan nga lang ang tinitirhan nito. Mas matanda nga lang sa kanya ng tatlong taon si Calix, pero ganoon pa man ay nakahanap siya ng buddy sa katauhan nito. Pero meron talaga siyang gustong tanungin.
"Saan ka nag-gi-gym? Or may tine-take ka bang super vitamins? Nakita ko kung paano mo basta na lang kinayang ihagis sila Vhon. "
"Sa tono mo mukhang gusto mo ding lumakas. Interested? " pagkukumpirma nito sa kanya. At gusto niyang aminin iyon kay Calix, interesedo siya.
"May paraan para lumakas ka Marcus. Mas malakas pa sa inaasahan mo. At tingin ko iyon ang kailangan mo. Para mas ma-protektahan mo ang sarili mo. Abisuhan mo lang ako kung gusto mo."
"Gusto ko, " mabilis niyang sagot. "Sa tingin ko, panahon naman na lumaban ako." This is the good opportunity. Sa tingin niya ay deserve niya naman ang maging malakas. Gusto niyang ipangako sa sarili na huli na itong natamo niya. Hindi na siya magpapabugbog pa kahit kanino.
"Sigurado ka bang gusto mo? "pag-uulit ni Calix. Kapansin pansin ang paglawak ng ngiti nito.
"Oo naman. Kailan mo ba ko i-te-train? " He felt the excitement.
"Actually, wala namang kailangang training. May kailangan ka lang harapin na pagsubok at kapag napagtagumpayan mo iyon, congrats! Welcome to the new strong Marcus. "
"Ano namang klaseng pagsubok yan? "
"You'll know soon..."
Napakabuti ni Calix dahil dito pa siya nito pinatulog. Gabi na rin kasi at pinayagan naman siya ng ina na makitulog sa kaklase. Tinawagan niya ng ina at nagsinungaling na kaklase niya si Calix. Wala pa din kasi siyang maipapaliwanag sa pamilya tungkol sa hitsura niya. Ayaw niyang kaawaan siya ng mga ito. Nag-aalala man ay hinayaan na niya. Bukas na niya iisipin iyon.
Kasalukuyan siyang nakahiga na sa kuwarto, sa pinakadulong kuwarto kanina kung saan may kumalabog ng napakalakas. Hindi siya makatulog, pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya.
Nagulat na lang siya ng biglang may kumalabog sa isa pang pintuan. Hindi niya matiyak kung ano ang nanduon. Hanggang sa may sunod sunod na kumakalabog. Parang gustong kumawala mula sa loob niyon. Kahit may kirot pa ang katawan ay matapang niyang pinuntahan ang pintuan nang huminto ang kalabog.
Madilim ang buong kuwarto, tanging ang bilog na buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Nahihiya naman siyang istorbohin pa si Calix. Pipihitin na sana niya ang pintuan kung saan nanggaling ang kalabog nang may may mahahabang kuko ang lumabas sa pinto. Tumagos iyon doon dahilan kaya nawarak ang pintuan. Napaatras siya at napasigaw. Nang tumungo siya sa mismong pintuan ng buong kuwarto para lumabas ay hindi na niya mabuksan iyon.
Hanggang sa nakita niya na ng tuluyan ang halimaw na winasak na ang buong pinto na yun! Kumikinang na ginto ang mga kuko nito. Mahahaba at matutulis. Ganoon din ang mga mata nito, it was sparkling gold! Nakakamangha at nakakakilabot. Napakakapal ng mga balahibo. Anyong tao ang katawan nito na nababalutan ng maiitim na balahibo. Ang mukha ay tinubuan din ng balahibo pero pansin pa din niya ang taong hitsura nito, may mahahabang pangil. Next thing he knew, nahatak siya ng halimaw at kinagat siya nito sa balikat. Napahiyaw si Marcus sa sobrang sakit. Hindi ba't kakabugbog lang sa kanya, pero mas malala pa pala ang nag-aabang sa kanya sa pagsama niya kay Calix.
Mainit ang pakiramdam niya. Bigla bigla ay parang nag-aapoy ang buong kalamnan niya. Pero mas nilabanan niya ang pag-kukumbulsyon niya. Napansin niyang naging tao na ang kanina'y halimaw lang. Kamukha iyon ni Calix, mas matanda iyon sa kanya at lumung lumo ang mga mata. Nilapitan siya nito. Pero hindi niya masyadong naiintindihan ang sinsabi nito. Para siyang nabibingi sa sobrang init na nararamdaman niya. Hindi siya mapakali sa sobrang sakit ng buong katawan niya. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam.
Dumating si Calix at nilapitan siya nito.
"Wag kang susuko Marcus, labanan mo ito. Kaya mo yan, " pag aalo nito sa knya.
"Patawad," sabi naman iyon ng kapatid ni Calix at nakita niyang bumagsak iyon sa paanan niya. Duon naman nabaling ang atensyon ni Calix, at napansin niyang inaalog nito ang kapatid. Hanggang sa nakita niyang niyakap nito ang kapatid.
Hindi nagtagal unti-unting nabawasan ang init sa pakiramdam niya. Mas gumagaan na ng ulo at isip niya. Kaunting umaayos... Humiling siya sa isip. Kakayanin ko to. Kakayanin... Then all went black.
Simula ng unang kabilugan ng buwan noon duon na nagbabago ang anyo niya. Si Calix ang takbuhan niya sa mga panahong iyon, pero ngayon mag-isa na niya itong hinaharap.
He texted Calix. Baka naman may alam na ito tungkol sa Red Clan na minsang binanggit ng isang halimaw na naka ingkwentro niya. Bihira naman talaga siya makasagupa ng kagaya niya. Dahil maingat sila ni Calix. Siguro dahil na rin sa napapanatili ng Gold Clan ang ktahimikan sa Verialis kaya walang mga halimaw ang nakakagawi sa lugar nila. Pero nandito pala sa bayang ito naglulungga ang ibang gaya niyang halimaw.