8: A Night With Him

697 Words
Bukas pa ang ilaw sa gawing kusina nang matanaw niya ang apartment. Gising pa siguro si Sue, hiling niya. Nakaamba na sana ang pagkatok niya sa pinto. Pero binawi niya iyon. Mayroon naman nga pala siyang sariling susi. "Over time?" Bungad ni Sue sa kanya nang maisarado ang pintuan. Binati siya nitong humahalimuyak ang magkahalong sabon at lotion. "Oo, may inasikaso lang na guest kaya napa-overtime." Sagot niya. Bahagya ring basa ang buhok ng babae. Halatang katatapos lang nitong mag-shower. And as usual, this lady really don't mind her clothes. Nakasuot lang naman iyon ng gray sexy shorts kapares ang spaghetti strap sando. Sinundan niya ng tingin ang babae na umupo sa sofa. At kahit lamp shade lang ang nagsisilbing liwanag sa maliit na sala ay may kung anong init ang dumaloy sa kanya. Marcus was not certain what she's planning. Is she flirting? Tama nga ba siyang sinasadya nitong ipakita ang cleavage nito sa pa-de-kwatro at pangalumbabang pose nito sa sofa? Kailangan niya yata ng malamig na tubig. Dumiretso siya sa sariling kuwarto. **** Dinig ni Sue ang paglagaslas ng tubig sa shower ni Marcus. Wala sa isip kung ano ba ang tema ng palabas na pinanunuod niya. Napayuko siya sa dibdib. Ano ba tong ginagawa ko? Umayos siya ng upo. Dati rati wala naman siyang pakialam. Pero hindi niya puwedeng balewalain ang lalaking salta sa paligid niya ngayon. Kita at ramdam niyang hindi rin sanay si Marcus sa nakagawian niyang lifestyle. Ayaw niya din namang makipagtalo dito. Wala siyang gana. Nabored na siya sa palabas. I-o-off na sana niya ang remote control nang mahagip niya ang kalalabas lang na bagong ligong si Marcus. He's half gourgeously naked. Nakatapis lang ito mula bewang hanggang tuhod. Ilang segundo ba siyang nakatitig lang dito? One thing she knew nasa tabi na niya ang lalaki. Nakatuon ang mga mata sa TV. "Magbih-" naputol ang iuutos niya dahil bigla na lang siyang napakabig sa gulat nang akmang kukuha ito ng crackers na nasa kabilang side niya. Mas nalanghap niya sa malapitan ang fresh and manly scent nito. "Sorry, gusto ko lang naman nito." Kaagad na sinabi ni Marcus nang makakuha na iyon ng crackers at umupo na ng maayos sa tabi niya. "S-Sue, I'm really sorry. Kahit di ko alam kung ano bang nagawa ko, mag so-sorry pa din ako." Aba, ibang klase pala talaga ang lalaking to! She gave him a wicked grin. At kasunod niyon ay kumandong siya paharap kay Marcus. Halatang nagulat ito sa ginawa niya. At siya? Gusto lang naman niya itong asarin. "So ganito ka pala manghingi ng apology sa babae? Nakatapis lang?" may pang-aasar sa tono niya. May gusto pa sana siyang ibira dito kaya lang may naramdaman siyang hindi niya nabantayan. Kaagad siyang tumayo. "Hindi ako tumatanggap ng sorry sa nakahubad!" Iniwan niya ito at sinarado kaagad ang pintuan ng kuwarto. Napabuga siya ng hangin sa biglang init na naramdaman niya. That was the second time he felt that manhood. Ganoon ba talaga si Marcus? Mukhang attracted talaga ang binata sa kanya. Pinikit-pikit ni Sue ang mga mata. Ano namang pakialam ko? Dahil masyado siyang mahina babaguhin ko ang nakagawian ko dito sa bahay? Maglaway siya. Napairap pa siya sa pintuan bago tuluyang humiga. Sa kalagitnaan ng pagtulog niya ay nagising sya na nasa bisig ng mabalahibong tao... Napaupo siya sa gulat. Hindi iyon isang tao. Kundi isang halimaw. Isang halimaw ang nasa kama niya! Nakapikit ang halimaw. Parang natutulog. Pero nang bumaba ang tingin niya sa gawing dibdib nito, may kutsilyong nakatarak doon. Sumisirit pa ang dugo... Hindi ito natutulog gaya ng hinala niya. Mukhang wala na itong buhay. Napansin niya ang latigo sa isa niyang kamay. Namumula rin ang isa pa niyang kamay. Ang kobre kama ay namumula dahil sa dugo ng halimaw. Muli niyang sinipat ng tingin ang mukha nito. Hindi niya ito kilala. Pero pamilyar ang mga kuko nito. Kulay ginto. At bigla niyang naalala kung saan niya nga ba nakita ang halimaw. Ito ang tanging halimaw na nagpatakas sa kanya noong isang gabi. Naguguluhan siya. Siya ba ang may kagagawan nito? Paano? Paano humantong sa ganito ang kuwarto niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD