Napabalikwas si Sue. Hingal na hingal siya. Panaginip lang pala.
Pero parang totoo ang mga nakita at naramdaman niya.
The guilt was still there. Oo, na-gi-guilty siya. Pero hindi niya matukoy kung ano bang rason sa nararamdaman.
Dahil ba pinatay niya ang halimaw kahit wala naman itong masamang ginawa?
Paano nga kaya kung hindi lahat ng halimaw ay masama?
Na sa ibang sulok pala ng mundong ito ay mayroong gumagawa ng mabuti? Na kayang labanan ang kasamaang taglay nito? Na mayroong halimaw na kayang pigilin ang p*******t ng mga inosente? Iyon kayang pigilan ang pagnanasa at pagpatay?
Gaya ng halimaw na minsang nagligtas sa kanya...
She was curious. Sino kaya ang halimaw na iyon? Makikita pa kaya niya ito?
Sino ka ba talaga? Saan kita makikita?
Inalala niya ang panaginip. Ang malaking bulto nito. Mabalahibo... Itim... May gintong mga kuko.
Pauli-ulit ang gintong kuko na nag-re-replay sa utak niya.
"Tandaan mo, ikaw na Tiwalag sa grupo ng mga Red. Isa lang ang hinihingi kong kapalit sa'yo. Ibigay mo lang sakin ang tanging hirang na halimaw na kailangan ko. Walang iba kundi ang Golden Beast. Iba siya sa lahat. Sa kuko pa lang niya malalaman mo nang iba siya.
Dalhin mo siya sakin. Kapalit nun ang kalayaan mo kasama ng ama mo.
Pero oras na malaman kong hindi ka tumupad, buhay niyo ng ama mo ang kukunin ko."
Muntikan ng mawala sa isip niya ang kasunduan nila ni Dera. Si Dera na hawak ang kalayaan ng ama niya. Si Dera na tinuturing na reyna ng mga kampon ng kasamaan. Si Dera na sinakop ang clan nila.
Wala siyang dapat na sayanging oras.
Nagpalit siya ng damit. Inayos ang sarili.
"Manong, isang order nga niyang sopas. Samahan mo na rin ng dalawang nilagang itlog."
Pauwi na si Sue galing sa pag-jogging. Alas- sais na iyon ng umaga. Mula ng magising siya kanina dahil sa panaginip ay hindi na siya nakatulog. Binaling na lang niya iyon sa pagbibihis ng pang-jogging at lumabas.
Pagpasok niya sa sala, nakita na niya kagad ang bulto ni Marcus. Nakasuot ng apron. Nakatayo at naghihiwa ng kung ano. Tumalikod iyon, hinalo ang hiniwa sa piniprito.
Aba?
Pinasadahan niya ng titig ang likuran ni Marcus. Nakabalandra ang buong likod niyon. Mukhang apron lang talaga ang suot. Walang pang-itaas na suot sa ilalim ng apron.
"Hm. Ano't nagluluto ka pa?" pansin niya dito. Actually, dinistract niya na din ang sarili at baka maunahan pa siya nitong mapansin na tumititig sa katawan nito.
"Nag-grocery kasi ako kahapon. Sayang naman. Nakita ko wala ring laman yung ref kaya, ayun nga namili na ko."
Dahil apron niya ang suot nito, maliit iyon sa katawan ni Marcus. Kaya naman pansin na niya ang dalawang u***g niyon. She rolled her eyes.
"Dapat di ka na nag-abala," balik sagot niya. "Sige mauna na akong kumain."
"O teka, hintayin mo na tong niluluto ko."
"Okay lang. Bumili na ako ng makakain ko." Saktong may nakahanda ng mangkok at kutsara sa mesa kaya umupo na siya kagad.
"Kaya ba walang laman ang ref mo kasi bumibili ka na lang lagi ng ready to eat?" puna na naman ng lalaki. "Sabagay malaki naman siguro ang sinasahod mo. May sideline ka pa."
Hindi niya pinansin si Marcus. Pinagpatuloy niya lang ang pagkain.
"Ako kasi nasanay na laging may nagluluto. Saka mas tipid pag nagluluto ka na lang ng sarili. At dahil wala naman ang kapatid ko, wala naman ibang magluluto sakin, ako na lang."
Tuloy lang siya sa paghigop ng sopas.
"May kasama naman ako. Kaya lang parang sanay naman siyang mag-isa. Hindi marunong makisama. O baka hindi rin talaga marunong magluto?"
Sinamaan niya to ng tingin. Nakatalikod pa din kasi ito sa kanya.
Pinukpok niya ang isang nilagang itlog. Saka binalatan. "May problema ka ba sa'kin?"
Humarap ang lalaki.
"Wala naman akong problema." At saka tinanggal ang tali sa likod ng apron na suot. Tumambad tuloy sa mga mata niya ang maskulado nitong katawan. Minsan na niya iyon nasilayan diba? Pero iba ngayon. Umaga. Kita niya pa ang kaunting butil ng pawis na namumuo sa mga abs nito.
Binalik niya ng tingin sa mukha ni Marcus. Ang mokong, nakangiti sa kanya.
Wala siyang pinakitang emosyon. Bakit ba? Akala ba nito ngayon lang siya nakakita ng abs?
"O eto na luto na."
"Sige na kainin mo na yan." Tanggi pa rin ni Sue.
"Alam mo di ko naman kailangan na lagyan pa yan ng iniisip mo. Malinis 'to."
"Lalagyan ng ano?" tanong niya.
"Gayuma! Di ko naman kailangan nun."
Tss. Tingnan mo ang angas din talaga nito!
"Ano ba yang niluto mo?" usisa niya. Nang ilapag ni Marcus ang plato sa mesa ay napatikhim siya. And she gave him that frown.
"Yan ba?" sita niya dito. "Yan ba ang ipinagmamalaki mo? Ano ba yan pang-bata? Yung pan cake ready to mix, tapos un hinihiwa mo pala keso. Toppings pala sa pan cake. Akala ko naman kung anong special recipe na yang niluluto mo dyan."
Umupo na si Marcus kaharap siya. "Yan ang wag mong lalaitin. Gano man kasimple to, nag-effort ako dito. Kaya tikman mo na..." Tinaas nito ang tinidor tuhog ang slice ng pancake. Inalok sa bibig ni Sue.
"Sige, patunayan mo munang wala anumang nakahalo dyan." Utos niya.
Masunurin si Marcus. Sinubo nito iyon. Nang kukuha pa sana si Marcus ng isusubo naman sa kanya ay tinuro niya ang kabilang portion ng pan cake. Naniniguro lang sya. Mahirap na. Hindi niya naman talaga ito kakilala. Baka mamaya may pampatulog pala lalo't may unfinished agenda ang lalaki sa kanya.
Sinubo na niya ang inalok ni Marcus. In fairness, may lasa naman.
Pero nkatitig pa din ang lalaki sa kanya. Mukhang naghihintay ng comment sa niluto.
"Dapat ko pa bang sabihin ang lasa?" tanong niya.
Tumango iyon.
She sighed. "Alam naman natin pareho na ready to mix nga lang yan. Ano bang dapa-"
"Thank you. Bukas iba naman."
At nakangiti pa ang mokong para lang i-interrupt ang sinasabi niya. "Minsan hindi naman natin kailangan pang humusga o pumuri. Minsan, ang 'Thank You' lang sapat na para sa effort."
Pagkatapos kumain at linisin ni Marcus ang pinagkainan nila, hayun at nanduon naman ang binata sa labas. Naglilinis ng motor nito. Nakakaduda ang kabaitan at kasipagan nito ngayong araw. Pati ba naman ang motor bike niya ay nilinis nito.
Nasa sala si Sue, nag-gugupit ng kuko. Mula sa sofa, tanaw niya sa bintana ang lalaki. Nakasando na iyon ngayon. Naka-pajama. Mabuti naman at nagsuot na iyon ng pang-itaas.
Naninibago pa din siya. Tama naman ang sinabi ni Marcus. Sanay siyang mag-isa. Sanay siyang sarili lang ang iniintindi. Pinili niya iyon. Mas mainam na sarili lang niya ang kargo. Ligtas ang puso niya na masaktan ng iba. At kung may mangyari man sa kanya. Walang ibang maghihirap. Ganoon lang kadali.
Kailangan lang niyang dumistansya. Sapat na nga siguro kahit civil lang sila ni Marcus. Board mate, work mate, o kahit anong tawag sa samahan nila. Pero hanggang ganoon na lang.
Napansin niyang nilapitan ito ni Joshua. Iyong binatilyo sa kabilang apartment. Hindi niya madinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
Hanggang sa namalayan nalang niya na umalis ang dalawa. Naroon na sa pintuan.
"Hi babe," pagkaway at bati ni Joshua sa kanya.
"Hello babe," ganti niya naman dito.
Nakita niya ang pagtango nito kay Marcus. Malawak ang ngiti ni Joshua dito. At lumabas na ng pintuan si Joshua.
Naiwan si Marcus na parang gulat na gulat ang hitsura.
"So totoo nga? Syota ka ng bagets na yun?" di makapaniwalang tanong nito.