"Oo?" sagot niya.
"Hindi ka sigurado?"
"Ano bang pakialam mo?" pagsusungit niya. Binalik ang tuon sa mga kuko. Pero mukhang walang balak ito na tantanan siya. Naupo pa ito sa tabi niya.
"Seryoso ka ba sa batang yun? Eh mukhang di pa yata tuli yun eh. Bansot." Dagdag pa ni Marcus.
Hindi niya to inimikan. Malapit na siyang matapos magputol sa kaliwang paa.
"At eto pa ang sabi niya, monthsary niyo daw sa Lunes. Kaya maghahanda daw siya ng lahat ng gusto mo."
Dama niyang naiinis ang tono ni Marcus. Ano naman kaya ng rason para maramdaman nito iyon. Ah, nakuha na niya. Dahil alam na nitong taken na siya, titigilan na siya nito. Kya siguro nagpapakabait ang mokong, balak siguro talagang umiscore sa kanya.
"Tama siya, monthsary namin."
"So ano namang kapalit na binibigay mo sa kanya, ha, Sue?" Nagulat siya sa biglang paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Wala siyamg nagawa kundi ang titigan ang mukha ni Marcus. "Gaya rin ba ng binbigay ni Ruby ang iniaalok mo sa batang yun?"
Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Nakapa niya ang throw pillow na nasa tabi lang ng kaliwang kamay niya.
Kaagad niyang tinulak ang mukha ni Marcus gamit ang throw pillow. Saka siya tumayo.
"Wala kang pakialam kung anong ginagawa namin. Malisyoso!"
****
Humingi si Marcus ng emergency off kay Klas. Kailangan niya lang puntahan ang ancestral home ni Callix. May nakuha na daw itong impormasyon tungkol sa Red Clan.
Malayo-layo rin ang biniyahe niya. Nag-motor lang siya papunta roon. Matapos ang pitong oras ay nakarating din siya.
Parang walang pinagbago ang panlabas na hitsura ng mala-kastilyong bahay nila Callix. Matagal tagal na rin ng huling punta niya dito.
"Marcus!" si Thalla iyon, nakadungaw sa bintana ng isa sa mg kuwarto.. Narinig siguro nito ang makina ng motor.
Sinalubong siya ni Callix na naroon sa main door ng sala. Tinapik nito ang likod niya.
"Kamusta ka na? Kamusta ang biyahe mo?" bungad nito sa kanya.
"Ayos lang naman. Kasama niyo rin ba si Moira?" Na-miss na rin kasi niya ang kapatid. Lalo na ang mga luto nito. Kahit kung minsan ay para talaga silang aso't pusa ng kambal.
"Wala siya dito Marcus. Hindi ko siya sinama."
Kung wala ito dito malamang ay na kay Symon ang kapatid.
"Wag kang mag-alala," si Thalla iyon. Bumaba na mula sa hagdan. "Hindi siya pababayaan ni Symon."
"Alam ko naman yun. Mas nag-aalala ako kay Moira, sa pede niyang gawin kay Symon." Sagot niya.
"Ha? bakit naman?"
"Ikaw naman Thal, parang di mo alam. Alam nating malakas ang tama nun sa kuya mo."
Inakbayan siya ni Calix. "Don't worry. Mukhang mapagkakatiwalaan naman si Symon. Hindi siya katulad mo, biglang sumusunggab sa babae!"
"Loko ka man!" ganting tapik niya naman dito.
Na-miss niya ang dalawang ito. Kung susumahin niya base sa mga tingin at pagkakadikit ng mga ito ngayong nasa harap sila ng mesa, mukhang sila na. Hindi naman na niya kailangang kumpirmahin iyon. Bago pa man siya umalis ay may mutual understanding na ang dalawa.
"Marcus, yun tungkol nga pala sa Red Clan na sinasabi mo, may konti akong nakuhang impormasyon."
Katatapos lang nilang maghapunan. Kaya naman isang box na ang naroong pinatong ni Callix.
"Natatandaan ko noong gabing nasaktan si Kuya. Ang sabi niya isang babae ang nakalaban niya. Malakas daw iyon. Wala na siyang ibang sinabi bukod doon.
At nitong umaga, naghanap ako ng ibang info tungkol sa Red Clan na to. At ito nga, may nakita ako. Hindi ako sigurado, pero baka makatulong."
Iniabot ni Callix ang isang papel. Naka-print doon ang picture ng isang nakatalikod na babae. Itim ang suot, may takip ang mukha. Tanging mga mata lang ang kita.
"Hindi ko kilala kung sino yan. O kung anong klaseng nilalang yan, " dagdag pa ni Callix.
"Ano yang hawak niya? Kulay pula?" pagtitig din ni Thalla sa litrato.
Alam niya kung ano yun. Minsan na siyang nakakita nito. "Isa yang latigo. Nakakita na ko nyan."
"Ibig sabihin nga ay naka-engkwentro mo ang isa sa mga red clan?" usisa ni Thalla.
"Hindi ako sigurado. Kaya nga ako nagpunta dito. Dahil kung totoo na may Red Clan, mukhang may isa pa akong kalaban," paliwanag niya. "May nakapagsabi sakin na kayang patayin ng Red Clan ang isang halimaw."
Natahimik sila. Kapwa nakatuon sa litrato. Pero isa pang litrato ang ipinakita ni Callix.
"Eto pa ang ibang kuha. Mukhang isa din talaga silang clan. Gaya ng Gold Clan."
Mukhang tama nga yata ang sinabi sa kanya ng isang halimaw. Mayroong bukod na clan. Na ang layunin ay ang puksain ang mga gaya niya. Dapat niya bang ikatuwa iyon? Dahil mayroong parang mga amasonang nakabantay para hindi malipol ang mga kababaihan? O isa nga bang panganib ang mga ito para naman sa kaligtasan ng buhay niya?
Naisip niya kaagad si Sue. Hindi malayong kaanib nga nito ang Red Clan. Sa tikas at pangangatawan, maging sa latigo nito ay hindi niya pa maikakaila ang pagkatao ng babae.
Pero ganoon pa man, Ano't mas lalo pa akong naging interesado sa kanya?
Gusto na kitang makita... Mas gusto pa kitang makilala...
Naagaw ni Thalla ang iniisip niya nang may ibinuwelta ito sa kanila.
"Kung ang clan ninyo, ang Gold Clan ay protector laban sa mga witches o sa anu pa mang mga halimaw, Siguro ganoon din ang Red Clan na to. Mga babae naman sila na lumalaban sa mga kampong halimaw ni Dera. Yun ang theory ko."
"Para makasiguro tayo dyan, tatanungin ko din si Symon. Baka meron siyang alam." Kinuhaan niya ng picture ang mga litrato. At sinend na niya kaagad kay Symon.
"Sa tingin niyo pede nating maging kakampi ang mga to?" tanong ni Thalla. "Mas okay na mayroon tayong mga kasama laban kay Dera."
"Possible. Pero kailangan nating isipin si Marcus. Kung tama nga na against sila sa mga halimaw. Hindi magandang idea sa ngayon na makipagtulungan tayo sa kanila. Baka si Marcus naman ang maagrabiyado dito."
"Sabagay," sang-ayon ni Thalla. Inakbayan siya ng babae. "Mag-iingat ka ah. Umayos ka. Alam kong matinik ka sa babae, baka mamaya niyan nasa paligid mo lang yang mga Red Clan na yan."
Nangiti siya. Umakbay din kay Thalla. Pero kaagad din niyang binawi dahil sa nakangusomg si Callix. Sumesenyas na tanggalin ang balikat nito sa nobya. Hands up naman siya bilang pagsuko.
"Alam niyo lugi ako eh," banat niya. "Si Moira andun kay Symon. Tapos kayong dalawa andito magkasama. Ako? Mag-isa lang kaya ako! Unfair dude."
"Sus, ikaw pa!" sigaw ni Callix. "Baka nga andami mo ng babaeng dinala sa kwarto mo. Saan ka ba tumutuloy ngayon?"
Sinabi niya sa mga kaibigan ang tungkol kay Klas. Gaya nila ay hindi makapaniwala ng ipakita niya ang itsura ni Klas. Minsan kasi niya itong nakuhaan ng picture ng palihim. Ipapakita niya kay Moira.
Hindi na niya sinabi pa ang tungkol kay Sue. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya. He felt no harm with that woman. Sa totoo lang ay na-cha-challenge siya sa babae. Hindi ito ang typical na babaeng nakakasalamuha niya. She's different and uniquely stunning.
Hindi na siya nagtagal. Umalis na rin si Marcus at nagpaalam sa dalawa. Mahaba pa ang biyahe niya. Kailangang makabalik na siya. Na-mi-miss niya na si Sue.
Sa di kalayuan ay nakita niya ang nakatigil na kotse. May mga lalaki sa labas niyon. May naaninag din siyang babae. Nakita niyang sinampal ang babae. Nang makalapit na siya, itinapat niya ang head light sa mga ito. Napabaling ang mga ito sa kanya. Huminto siya at bumaba.
Nagulat siyang si Korie ang babae. Hawak-hawak ng dalawang gangster ang mga braso nito. Samantalang isang lalaki naman ang papalapit sa kanya. Pinakatitigan niya ang lalaki. Kilala niya ito.
"Long time no see Vhon!" bati niya. Nagulat ang lalaki na nakilala niya ito. At tinitigan siya nito.
"Marcus?" pagtatanong nito. "Ikaw nga!"
"Ano na naman ba to? Hindi ka na ba talaga magbabago? Pati babae pinapatulan mo na?"