11:She's Finally Mine

1279 Words
"Ang yabang mo talaga!" asik ni Vhon. Magsasalita pa sana si Vhon pero inunahan na niya ito ng sapak. Nagmamadali na siya, wala na siyang panahon para makipag dramahan sa gangster na to. Hindi na natuto. Maraming beses na siyang nakaganti dito noon. Hindi niya inasahang mauulit na naman pala ito. Kasunod niyang binanatan ng sipa ang dalawa pa. Kaagad namang tumakbo ang dalawa nang makabangon. Susuntukin pa sana niya si Vhon pero inawat na siya ni Korie. "Pasalamat ka naaawa pa siya sayo!" sigaw niya kay Vhon na papalayo na. Iika-ika iyong naglalakad. "Utang na loob, magbago ka na!" Natuon si Marcus kay Korie. Nangingilid ang mga mata. Sa tingin niya ay babagsak na ang mga luha. Pero bigla na lang siya nitong niyakap. Dinig niya ang malilit na paghikbi nito sa balikat niya. Inalo niya ang babae. Babae pa rin ito kahit na anak ito ng bruha. May damdamin at nasaktan. Nahimasmasan na si Korie matapos ang ilang minuto. Pero ayun at may kaunti pang luha na tumulo sa mata nito. Dinampian kaagad iyon ni Marcus ng hinlalaki. Ikinagulat iyon ni Korie. "Tahan na kasi Korie. Baka sabihin ni Klas pinaiiyak kita." Sinamahan niya ito sa loob ng kotse. "Pasensya ka na," pagbuntong hininga ng babae. "Nagulat talaga ako sa mga lalaking iyon. Mabuti na lang at dumating ka. Salamat ulit." Kung hindi niya ito kilala ay mapapaniwala na siyang malambing na babae talaga ito. Gusto na nga niyang i-text si Symon kung sigurado ba itong si Leila nga ay si Korie dahil parang napakaamo ng mukha. Parang santa ito na hindi gagawa ng masama. "Ang swerte mo pala kung ganun!" "Oo nga, swerte ako at nakilala kita." "Ano nga palang ginagawa mo dito? May business ka din ba sa lugar na to?" usisa niya. Baka kasi sila Thalla at Callix pala ang pakay nito. Kailangang maging alisto siya. "May dinalaw lang akong kakilala. Ginabi ako sa daan at saktong hinarang ako ng mga lalaking iyon. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" "Ah... Gaya mo, may dinalaw lang din ako. " Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Salamat ulit Marcus. Ganito pala yung pakiramdam ng may nag-aalala. Minsan mabuti rin pa lang maging mahina. Salamat, napakabuti mo sa'kin." Ipinatong naman niya ang isang kamay dito. "Kapag mabuti ka, kabutihan din ang babalik sayo. Kaya naman MAGPAPAKABAIT ka Ms. Korie." Sinadya niya talagang diinan ang salitang iyon. Baka sakaling magbago naman ito kahit napakaimposible. Ginantihan lang siya ng ngiti nito. Sabay na silang bumalik pauwi. Si Korie na nasa kotse nito. At siya naman ay nasa motor niya. May laman ang mga sinabi ni Korie sa kanya. Alam niya ang ibig sabihin nito. Alam naman niyang kayang kaya nito sina Vhon pero dahil naroon siya, kailangan niyang umakto ng normal na dapat gawin ng lalaki kung may napapahamak na babae. Pero naroon din ang lungkot sa mga mata nito. At dama niya ang pagpapasalamat nito sa kanya. Totoo iyon. Ipinaalam niya kay Symon ang nangyari. Na kasama niya si Leila, o si Korie. Hindi niya sinunod ang utos nito na dalhin at itago sa kung saan. Nangatwiran siya. Mas mainam kung makikilala niya ito ng husto. Mas malaya siyang makakuha ng lead sa ina nito pag nagkataong lumapit ang loob nito sa kanya. "Siguraduhin mo lang Marcus. At baka ikaw ang malinlang niya pag pinatagal mo pa." Paalala ni Symon bago tuluyang in-off ang call. Ngayong alam na niya ang pansamantalang tintirhan nito mas madali ng malaman ang mga kilos nito. Idagdag pang friend na rin niya ito sa isa sa social media account niya. Galing si Marcus sa isang convenient store. Magtatanghali na. Bukas ang isang bintana ng kapitbahay ni Sue. Kaya napansin niya kaagad ang bagitong syota daw nito, si Joshua. Nakatalikod ito sa bintana. Nakayuko. Tahimik siyang lumapit. Sinisilip niya kung ano bang pinagkakaabalahan. Hindi niya makita dahil natatakpan ng ulo nito ang tinutuunan. Napayuko na lang siya nang biglang umayos iyon ng upo at bahagyang itinaas ang ulo. Binalingan niya ulit ang hawak ni Joshua. May hawak iyong tablet. Nanunuod ng work out o aerobics ng isang sexy na babae. Tinitigan niya ang babae. Nanlaki ang mga mata niya. Si Sue ang nasa video! Naka leggings ito at naka sports bra lang. Kitang kita ang cleavage nito na hindi normal ang size. Imbes na sitahin si Joshua ay si Sue ang binalingan niya. Nang buksan niya ang pinto doon niya nalamang live pala ang video streaming. Pero ang nakakapagtaka wala namang camera o video recorder sa harapan nito. Malinis ang dingding bukod sa wall figurine ng kabayo. "Sue," mahinang tawag niya dito. Nadinig naman siya nito khit may nakapasak na wireless earphone sa isang tenga. "Ano?" tanong nito. Sinenyasan niya na lumapit sa kanya. Sumunod naman. "Yung syota mo dyan," turo niya sa kabilang bahay. "Binobosohan ka. Tingnan mo. Bilis, bilis." Tinulak niya na nga ng bahagya palabas para lang makita nito ang ginagawa ng bagets. Hindi na siya makapag-antay na mabatukan ni Sue ang binata. Ilang minuto na ang lumipas parang tahimik lang ang labas. Kaya naman sinilip niya kung ano na bang nangyayari. Ayun at nakangiti pa si Sue sa labas ng bintana ni Joshua. Hindi naman siguro ako ang pinagkakatuwaan nila? Malayo naman siya sa sala. Nasa gilid na nga siya ng pinto. Maya maya pa'y nakabalik na si Sue. Andun pa nga ang ngiti sa labi. Bakit ba pag yung Joshua na yun ang kaharap niya nakangiti siya? Sakin laging nakasimangot? "Wag mo ng masyadong alalahanin yun nakita mo. CCTV yun, mabuti nga at naglagay siya." "Hindi mo alam na naglagay siya ng hidden camera? Ang sabihin kamo niya binobosohan ka lang! Nagpapaboso ka naman." Pa-iling-iling lang ang sagot ni Sue sa kanya. At bumalik sa pag-wo-work out nito. "Ano, hahayaan mo lang talaga na nakikita niya ang mga galaw natin dito sa bahay?" Hindi siya paaawat. Hindi niya nagugustuhan na hindi siya pinapakinggan nito. Na palaging ito ang nasusunod. Samantalang parehas silang nakatira sa apartment ni Klas. "Okay nga lang sa'kin. Huwag mo na ngang pansinin." Sa tono pa lang ni Sue, wala talaga itong pakialam kahit pa kitang kita ang mga dibdib nito na yumuyuko pa sa harap ng hidden camera. "Anong okay dun?" tumaas na ang boses niya. Sinadya niya talaga iyon. Dahilan para mapalingon sa kanya si Sue. Sa wakas hinarap din siya nito. "Tingin mo ba magandang halimbawa yan sa binatilyong yun? Bata pa yun, pero kung anu-ano ng hinahayaan mong makita niya. Di ba dapat magpakita ka ng magandang halimbawa sa kanya? Naturingang mas matanda, pero inaakit mo pa!" "Ikaw," duro nito sa kanya. Unti unti lumalapit sa kanya. "Ikaw itong malisyoso, simula pa noong una. Wala kang alam. Hindi mo ako kilala para sabihin ang mga yan sa'kin. Wag mo akong pakialamanan." Pasugod niya din itong ginantihan ng salita. "Hahayaan mo lang talaga? Paano kung i-upload niya yun sa social media? At pagpiyestahan, okay lang sayo?" "Wala akong pake! Kung gusto mo manghingi ka pa sa kanya, para mapanuod mo din ako. Yun din naman ang gusto mo diba?" Gumapang ang inis niya. Ang galing talaga nitong asarin siya. Nilapitan niya ito. Kinorner paatras. Tiniyak niyang kita pa rin sa hidden camera ang anggulong yun. "Matagal na kong nagtitimpi Sue," sabi niya. Sobrang lapit niya dito. Aambahan na nga siya nitong suntukin pero nahawakan niya ang isang braso, ganun din ang kabilang kamay. "Sorry sa gagawin ko, hindi ko na kayang pigilan pa." Then he kissed her lips. Mapusok noong una. Pero nang kaunti nang hinayaan ni Sue ang mismong labi sa maliliit na ganti nito, ay saka naging mabagal ang mga halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD