Sydney Lee "Gisingin mo na kaya?" "Si bossing nga takot sa kanya ako pa kaya?" Ano ba yan, natutulog yung tao eh. "Gisingin mo na kasi sige ka pag hindi yan nakarating sa meeting niya sa tingin mo ilang eroplano ang lilinisin natin?" rinig kong pagbabanta ng kausap niya sa kanya. Unti-unti kong minulat ang mga mata at bumungad sa akin ang dalawang mukha ng lalaki. Napakunot ako ng noo dahil parang nanalo sila ng lotto nang makita nila akong nakadilat. "Good Morning po madam!" masaya nilang bati sa akin. Kinusot ko muna ang mga mata ko at tinignan ang oras, 10 na pala ng umaga. Kahit papaano ay naibsan ang inis na naranasan ko kanina. Tinabig ko muna ang mga mukha nila at umupo, inayos ko muna ang uniform ko dahil nalukot na ito. "Ah madam, baka po nagugutom na po kayo. Nagpa

