Chapter 1
Sydney Aurea Lee
"Ano ba ang nangyayari sayo Nic? Bakit parang iba ang timpla mo ngayon?" rinig kong may nag-uusap sa likuran ko. Hindi ko na sila pinansin dahil busy ako kakainom ng alak.
"This was the best hour of my life," masayang sigaw ng mga kaibigan ko. I grin at binaba ang baso. Kinuha ko na ang Lucci bag ko tsaka kinuha ang sigarilyo na nasa loob nito.
"Oh saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Courtney.
Tinuro ko lang ang Smoking area, "Yosi lang tsaka pahangin na rin."
Lumabas na ako ng bar para magtungo sa smoking area, this is my life for the past 3 years. Sinindihan ko na ang sigarilyo ko at napabuga na lamang, this isn't the life my mom promised me. This isn't the life I want.
"Sydney? Is that you?" napalingon ako nang biglang may nagtawag sa akin.
Napataas ako ng kilay dahil sa babaeng sobrang iksi ng damit habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Oh my God, so this is how you turn out to be? From angel to patiwakal?" natatawang usal niya.
I smirked at pasimpleng sumandal sa ramp at humarap sa kanya, "So?"
Nagulat naman siya dahil sa malamig kong pagsagot.
"What?" Naka-nganga niyang usal.
I smiled devilishly at humipak ng sigarilyo. "So ano ngayon? If I transform from angel to patiwakal? Nakabawas ba yun sa wrinkles ng mukha mo?"
Namula naman siya sa galit.
"How dare you! Malalaman to ng lahat na ang isang Sydney Lee ay isa nang addict!" galit niyang singhal.
Napatawa na lang ako ng pagak, these people doesn't change at all. "Ipabillboard mo, should I introduce you to some companies na alam ko para mas mapadali ang gusto mo?"
She just shouted at tumalikod na habang padabog na naglalakad palayo sa akin. I just rolled my eyes at nilaglag ang sigarilyo sa sahig para patayin ko, nawalan na ako ng gana dahil sa babaeng yun.
Hindi ko naman siya kilala but the fact na kilala niya ako ay malamang ay ipagsisigawan niya sa mundo na ang isang Lee ay isa nang addict.
Papasok na dapat ako sa loob ng bar nang biglang may humablot sa kamay ko.
"What the fvck!" malakas kong singhal. Medyo madilim ang lugar na to kaya malamang ay walang makakapansin sa amin dito, sino ba ang taong to?
I directly looked at his eyes and I was stunned to see a deep blue colored eyes, it was so beautiful at parang tinitignan niya pati ang kaluluwa mo.
"Who the fvck are you?" galit kong singhal habang nagpupumiglas na makuha ang kamay ko mula sa kanya.
"Shut up and help me, I need to get away from that woman." malamig niyang usal at tinakpan ang bibig ko. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya, sino ba ang taong ito?
"Get your hands off me or else tatawag ako ng pulis!"
Sinamaan niya naman ako ng tingin, "Tatawag ka ng pulis?" hindi makapaniwalang usal niya at tinignan ako from head to toe.
"Hindi ka ba entertainer dito?"
Napa-awang naman ang bibig ko sa sinabi niya, ano daw? Entertainer? I gritted my teeth at sinipa ang kanyang ulo, sa baba.
"Ouch!" daing niya at halos mapaluhod na habang nakahawak sa kanyang ulo, sa baba.
"Napaka-bastos mo," humarap ako sa maraming tao at napansin ko na may isang babae na parang may hinahanap.
"Hey you!" tawag ko sa kanya at agad niya naman akong napansin.
"Are you looking for a boy with blue eyes?!" tanong ko. She nodded which makes me smirk.
Hinawakan naman ako ng lalaking dumadaing pa rin sa sakit ng kanyang ulo, sa baba.
"Wag, kaya nga ako nagpapatulong sayo eh kasi tinatakasan ko ang babaeng yan!" inis niyang sabi.
Bumaba ako ng konti para matignan ko ang kanyang mga bughaw na mata, "I bet you hooked with that girl and she disappointed you in bed kaya mo tinatakasan." hinawakan ko ng bahagya ang buhok niya at ngumisi.
"No girls in this world deserve that treatment, you should be thankful kasi tinawag ko siya for you. Hindi na siya mahihirapan na hanapin ka." I rolled my eyes at bumalik na sa loob habang sinisigawan naman siya ng babaeng yun.
Wala na akong pakielam kung ano man ang mangyari sa kanya, ginusto niya yun at magbabayad siya dahil sa ginawa niya sa akin.
"Oh saan ka galing? ang tagal mo naman atang mag-yosi?" nagtatakang tanong sa akin n Courtney. Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang bag ko.
"Oh saan ka pupunta? The party is getting started,"
"Nawalan na akong gana, you should continue without me. Kailangan ko na rin magpahinga dahil may duty pa ako bukas." aalis na sana ako nang biglang may humawak na naman sa kamay ko.
Bakit ba ang hilig nilang humawak sa kamay ko ngayon?!
Asar kong hinarap kung sino man yun at nagulat ako dahil si Shouta pala yun.
"Aalis ka na eh kadarating ko lang?" nakangiti niyang usal habang may babaeng nakadikit sa braso niya na siyang ikina-asar ko.
"Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito at wala kang pakielam kung aalis na ako." marahas kong binawi ang kamay ko mula sa kanya at umalis na. Kahit kailan ay hinding hindi ko maintindihan ang mga lalaki, bakit sila ganyan? Ni hindi man lang makontento sa iisang babae.
Bubuksan ko na dapat ang kotse ko nang biglang magring ang phone ko, nang tinignan ko kung sino yung tumatawag ay agad kong pinatay ang phone ko at galit na tinapon ito palayo sa akin.
"DAMN IT!"
"Ba't galit na galit ka ata? tinapon mo pa ang Ipear mo oh."
Nanlilisik ang mga mata ko na napatingin sa lalaking nakasandal sa kabilang kotse, namumukhaan ko ang lalaking ito. Siya yung lalaki na sinipa ko ang ulo kanina.
"It's none of your business." binuksan ko na ang kotse ko at nagulat ako nang biglang siya lumapit sa akin.
"Yes, it's none of my business but may kasalanan ka pa sa akin. Do you think you can run away from me?"
Malamig kong sinara ang pintuan ng kotse ko at matapang na hinarap siya. "Men like you deserve that, dapat sa inyo binubura sa mundo."
"Talaga?" He smirked at tumalikod sa akin. I just rolled my eyes at pumasok na sa sasakyan ko, I was about to drive when he knocked at my window.
Binaba ko naman ang bintana ng kotse ko, "Ano ba! Tigilan mo nga ako!"
"I was thinking that we should know each other from now on," nakangisi niyang usal.
"What?" nagtatakang tanong ko. Anong ibig sabihin nang baliw na to?
"I was just saying."
"May saltik ata ang ulo mo." itataas ko sana ang bintana ng kotse ko dahil baka mapagkamalan pa akong baliw pag kinausap ko pa siya ng mas matagal.
"Go home safe, Aurea. We will see each other soon, darling."
Tila nanlamig ang buong katawan ko dahil sa binanggit niya ang buo kong pangalan, nakangisi siyang parang aso habang nakatingin sa akin.
"H-How did you know that name?!" galit kong sigaw sa kanya. Hindi niya na ako pinansin at sumakay na rin siya sa kanyang kotse, bumaba pa ako para habulin siya pero ang bili ng kanyang pagpapatakbo.
"You fvcking jerk!"