Chapter 2

1306 Words
Sydney Lee "Colonel may nagaganap pong raid sa north-east side ng kampo natin," natatarantang usal ng isa sa mga military officers ko. I looked at him and he shivers when he saw my bloody aura. "So anong tinutunga-tunganga mo diyan? Kailangan pa ba na ako personal ang pumunta doon para dakpin ang mga nagraraid?" malamig kong turan. "H-Hindi po.." natigil siya sa pagsasalita nang pumasok si Gilbert, ang sekretarya ko dito sa base. "The colonel already ordered for a immediate raid sa mga tulisan na nangtatangkang mangraid dito sa base, bakit mo pa iniistorbo ang colonel diyan?" "Baka po kasi lumaki pa ang..." "What's your name?" malamig kong tanong. Bago lang siya siguro dito at mukhang hindi rin naturuan ng proper etiquette dahil ni katok sa pintuan ay hindi niya nagawa kanina. Bigla naman siyang naging snappy sa harap ko, "Private Edmondo Smith ma'am!" "100 laps around the barracks." walang buhay kong usal at tinutok na ang buong atensyon ko sa mga nakatambak na mga papeles sa lamesa ko. "Po?!" hindi makapaniwalang usal niya. "200 laps around the barracks." dagdag ko pa ulit. "Hindi po to pwede! Nagreport lang naman po ako sa situation sa north-east side ah!" "300 laps around the barracks and ice punishment." sumasakit na ang ulo ko dahil sa sunod sunod na pag-atake ng mga rebelde at dumagdag pa ang walang galang na officer na to. "I will report this to the higher ups!" matapang niyang usal. I slammed the table na siyang ikinagulat niya, "I am the higher ups, ano ang irereport mo?!" galit kong usal. "For unfair treatment!" matapang ang isang to, I smirked. "What was your name again? Smith?" Now that I think about it, "Anak ka siguro ng isa sa mga major na nakadestino malapit dito." nakangisi kong usal. Bigla naman siyang naging mas matapang sa harap ko. "Gilbert, investigate kung paano yan nakapasok sa military base ko and can you please get him out of my site! 500 laps around the barracks and no lunch!" galit kong usal. Agad namang sinunod ni Gilbert ang utos ko at bumalik din naman siya agad, nagtaka naman ako dahil sa may nilagay siyang isang sobre sa lamesa ko. "Ano to?" "Your father's message colonel." sambit niya habang inaayos ang mga papeles kong nakatambak sa lamesa. "That old man, kailangan pa ba na magpa post-office siya para mapadalhan lang ako ng message?! itapon mo yan." inis kong usal. "Pero colonel, ilang buwan ka na niyang kinokontak pero ilang buwan mo na rin siyang hindi pinapansin." Napahilot naman ako sa sintindo ko, "Alam mo ba kung ano ang laman ng sulat na yan?" Umiling naman agad si Gilbert. "Arrange marriage proposal." biglang nanlaki ang mga mata ni Gilbert at tila hindi makapaniwala sa narinig niya, "Proposal?" "Oo, sa ayaw ko pa na magpakasal kaya itapon mo yan dahil kapag hindi susunugin ko yan." galit kong usal tsaka tumayo. "Pero nasa tamang edad ka na po para magpakasal diba? Mataas na rin ang rank ninyo, baka naman gusto nang magka-apo ng daddy niyo." Sinamaan ko naman ng tingin si Gilbert. "Bakit hindi nalang ikaw ang tumanggap ng proposal ni daddy na ipakasal sa lalaking hindi mo kilala? Tutal ikaw rin naman itong maraming sinasabi." sarcastic kong usal at lumabas na nang opisina. "Kahit kailan talaga ay hindi ako tinatantanan ng matandang yun, bakit hindi nalang siya maging masaya sa bago niyang pamilya at pati ako ay pinepeste niya?!" galit kong usal. Dumaretso na rin ako sa sasakyan ko at nagdrive papunta sa pinakamalapit na dagat dito, nandito rin kasi ang bahay ko na pasekreto kong binili dahil ayaw na ayaw kong binibisita ako palagi ng second family ng matandang yun. Ang simoy ng hangin mula sa dagat na to ang nagpapa-alala sa akin sa mga magagandang alaala, kung hindi lang nangyari ang trahedyang yun malamang ay isa ako sa mga pinakamasayang tao sa buong mundo. Pumasok na ako sa loob ng bahay ko at bumungad agad sa akin ang family portrait ng pamilya ko, my mother and my brother. I look so happy in that portrait at aakalain mong walang problemang dinadala but some things happened and I will never forgive myself dahil ako ang puno at dulo ng lahat ng ito. But that person, he moved on and form another family on his own while us suffered. "Lieutenant General Samira Aura Lee." basa ko sa pangalan ng aking ina. I followed your foot steps mom. "And sooner or later, magbabayad sila sa ginawa nila sa atin. That man will pay everything mom, kuya." Binaba ko na ang litrato namin at umakyat na nang kwarto para makapagpahinga, napagtanto ko na kaya ako pinepeste ng taong yun dahil sa kasal kasal na yan. Kahit na siguro si lolo daddy ay hindi alam ang plano niya, bakit hindi yung anak niya sa labas ang ipakasal niya at bakit ako? Biglang nagring ang telepono ko, hindi ko nga pala nadala ang cellphone ko at naiwan ito sa opisina ko kanina. Agad kong sinagot ang tawag dahil sa malamang ay si Gilbert lang ito dahil siya lang ang may access sa telepono ko. "Hello?" "Is this the Lee residence?" Napakunot ang noo ko dahil hindi si Gilbert ang tumatawag. "Sino to?" "Boss, positive siya na to." rinig kong saad niya sa kabilang linya. "Who the hell is this?" naiinis kong usal. "Give me that..." Biglang tumahimik ang kabilang linya kaya mas lalo akong nagtaka. "Is this a kind of prank?" I heard a soft laugh sa kabilang linya. "Is this Sydney Less?" tanong niya and this time ay ibang boses ang sumagot na sa akin. Kinabahan naman ako dahil sa binanggit niya ang buong pangalan ko. "Yes, sino to at paano mo nakuha ang telephone number ko?" nagtatakang tanong ko. "Let's just say that naging lucky lang ako when I guess your number, so kumusta ka?" mapaglarong sambit niya. Aba't! Kailan pa ako nagkaroon ng kapenpal?! "Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo please lang, stop pranking me and stop calling me!" galit kong usal tsaka binaba ang tawag. Maya-maya pa ay biglang tumawag siya ulit, damn! Kailangan ko na atang palitan ang home number ko. "I said stop calling me..." napatigil ako when he maliciously chuckled. "Hearing your voice reminds me of that night." That night? "Anong pinagsasabi mo?" "You know, yung gabi na muntikan nang masira ang kinabukasan ng mga magiging anak ko." Anong pinagsasabi nito? "Nakadrugs ka ba? Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo---" That hit me in the rocks. "Sir location spotted----" yun lang ang huling narinig ko mula sa kabilang linya at biglang namatay na ang tawag. Hindi ko kilala ang taong ito pero naalala ko na three months ago ay may lalaki akong na encounter sa bar at tinawag akong prostitute, nakakapagtaka lang Paano niya nahanap ang home number ko? at ano ba talaga ang pakay niya sa akin? Kung sino man ang taong yun, I need to be careful. Baka isa siya sa mga tauhan ng taong yun. I just smirked dumbfoundedly, "I need to investigate kung sino man ang taong ito," Kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko at bumalik na sa base ko, uutusan ko nalang si Gilbert na mag imbistiga sa lahat ng tao na nakakuha ng home telephone ko. Pagdating ko sa base ay napansin ko agad ang mga naka-align na mga sundalo ko, hindi pa ba nahuhuli yung nang-raid sa north-east kanina? Pagkababa ko ay parang nabunutan silang lahat ng tinik nang makita nila ako, anong nangyayari dito? "Where have you been young lady?!" a loud baritone voice welcome me kaya walang buhay akong napalingon. "What the hell are you doing here?" malamig kong tanong na siyang ikinaatras niya naman at tila hindi makapaniwala kung ano man yung naging trato ko sa kaniya. "Is this how you welcome your father?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD