LEI
"Evo, bakit mo binuksan 'yan."
"Nauuhaw na po kasi ako. Ahihi."
Napakamot na lang ako sa batok ko ng inumin na ni Evo iyong malaking Chuckie habang nag papa-cute pa iyong mga mata niya at kitang kita ko ang pantay at mapuputi nitong mga ngipin.
Kahit kailan talaga ay hindi ko matanggihan ang ka-cutan ng batang ito, mga tingin pa lang ng mga mata niya ay nakakatunaw na agad ng puso kaya ngiti pa lang ni Evo natataranta na ako. Buti na lang talaga ay hindi nakuha ni Evo ang kasungitan ng Dada niya kung hindi, masasabi ko na lang na siya na ang photocopy ni Trevor.
"Next time, huwag mo ng uulitin 'yan ah. Baka hulihin tayo nung guard."
"Mama, babayaran naman natin ito. Diba nga kaibigan pa ni Dada iyong may ari ng grocery."
Wala na talaga ako nasabi sa naging katwiran nitong si Evo kaya binuhat ko na lang ito pababa ng cart para makapag bayad na kami.
"Oh huwag ka masiyadong malikot, diyan ka lang. Ok?"
"Ok po." Nakangiti nitong sabi at nanatili lang ito sa pwesto niya habang iniinom pa rin iyong malaking Chuckie.
"Ah miss kasama iyong ini-inom niya."
Sabi ko sa kahera ng mapatingin siya kay Evo kaya ngumiti itong tumango sa akin.
"Mama kain tayo sa Jabee!"
"Evo, mamaya na lang dalhin muna natin ito sa may car."
Dalawang malaking kahon kasi itong bitbit ko at hindi ko na nga mahawakan si Evo kaya sinusundan ko na lang siya ng tingin para hindi ito mawala.
"Mama, Jabee muna tayo! Jabee! Jabee!"
Nagtatalon nitong sabi at bago pa ako makapag salita ay nag tatakbo na ito palayo sa akin.
"Evo, hintayin mo ako. Evo!"
Sigaw ko na ng hindi ako nito pansinin at nakipagsiksikan pa ako sa mga tao para habulin ang batang iyon. Bigla tuloy akong hiningal at nangangalay ang kamay ko sa bigat ng mga pinamili namin, kung hindi lang nag mumuryot si Evo ay dapat talaga kasama namin si manang, hindi sana ako nahihirapan mag bitbit.
"Ev--" Natigilan ako sa pag tawag kay Evo ng makita ko itong huminto kaya hinihingal kong ibinaba iyong karton na hawak ko para iharap siya sa akin pero bago ko pa iyon magawa ay natigilan na lang ako sa mahinang ibinulong nito.
"Dada?" Gulat ako ng banggitin niya ang dada niya kaya dahan dahan pa akong napalingon sa tinitigan nito.
Doon nakita ng dalawang ko si Trevor na hawak ang braso ng isang babae habang bakas sa mata nito ang pakikiusap, mga tingin na puno ng pagsusumamo.
Isang Trevor na malayong malayo sa Trevor na araw araw kong nakikita at nakakasama. Isang Trevor na mukhang hindi kayang manakit o mag bitaw ng kahit na anong masakit na salita.
Hindi ko maunawaan kung bakit biglang nanikip iyong dibdib ko ng mapagtanto ko kung sino iyong babaeng kasama niya, kahit nakatalikod ito sa akin ay hindi ako pwedeng mag kamali, siya nga iyon.. walang iba kung hindi--
"Dada!"
"Evo!" Napabalik ako sa reyalidad ng makita kong tumakbo si Evo palapit kay Trevor at bago ko pa ito tuluyang mapigilan ay kusang huminto ang mga paa ko ng sabay na napalingon sa akin si Trevor at ang babae.
Bigla akong nanlamig sa matatalim na tingin ni Trevor, bakas din iyong inis at galit sa maamo at magandang mata ng babae.
Mas gugustuhin ko pang kainin ako ng lupa ngayon kesa maligo ako sa mga nanlalamig nilang tingin. Iyong mga tingin na nag papaalala sa akin ng mga nakaraan.
Mga nakaraan na kahit anong gawin kong pagsisisi ay hindi ko na kailan man maibabalik ang lahat ng nawala at nasira.
"Dada!"
"Cassie!" Halos sabay na sigaw ng mag ama ng mag pumiglas mula sa pagkakahawak ni Trevor si Cassie at nag tatakbo ito palayo.
Napatingin pa si Trevor sa direksyon ko bago ibinaling ang tingin kay Evo na tumatakbo pa rin papunta sa kaniya. I know, the way he look at our son is another pain from him and I won't let it happened.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Evo at bago pa siya tuluyang makahakbang palayo sa amin ni Evo ay mahigit ko siyang ikinulong sa mga bisig ko at idinantay ang ulo ko sa likuran nito.
Naramdaman ko pang pilit nitong inaalis ang pagkakayakap ko sa kaniya pero kahit masakit at mabigat sa loob ko ay nanatili ako sa pagkakayakap.
"P-Please-- huwag kang tumakbo palayo kahit para kay Evo."
Alam ko na kung hindi ko ito pinigilan ay mas pipiliin niyang habulin si Cassie at ayokong umabot na pati si Evo ay handa niyang talikuran at iwan.
"Bitawan mo ako."
"A-Ayoko."
"Sinabing bitawan mo ako!"
Galit nitong hinila ang braso paalis sa pagkakayakap ko kasabay nun ay ang pag patak ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"P-Please.."
"Dada?" Mabilis akong napatingala ng maramdaman kong nakalapit na si Evo sa amin at nakita ko pa itong nag papalit palit ang tingin sa amin ng Dada niya.
"Ok lang po ba kayo?"
Tanong nito habang bumaba ang tingin niya sa kamay ng Dada niya na mahigpit ang hawak sa braso ko, tila napaso naman si Trevor sa tingin ni Evo kaya agad ako nitong binitawan.
Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para pasimpleng pahirin ang luha sa pisngi ko at sa pag harap ko sa kanila ay kita ko na hindi malaman ni Trevor kung ano ang uunahin niya, tila ba naguguluhan ito katulad din ni Evo na pilit iniintindi ang mga nangyayari.
Inis na sinabunutan ni Trevor ang sarili niya at masama ako nitong tinignan pero pilit akong nakiusap sa kaniya gamit ang mga mata ko. Gusto ko na piliin niya si Evo sa mga oras na ito. Sabihin na niya na sobra akong makasarili o parusahan niya na lang ulit ako. Mas matatanggap ko pa iyon kesa masaktan ang anak namin.
Bahagya pa itong umupo para pantayan ang bata at nakangiti niyang ipinatong ang mga kamay niya sa mag kabilang balikat nito.
"Yes everything is fine. I'm talking with-- with a client. Just stay with your mom, I need to do something important. Ok?"
"Mas importante pa po ba yan sa amin ni mama?"
Diretsong tanong ni Evo sa kaniya na kinakuyumos ng kamao ko para pigilan iyong namumuong sakit sa dibdib ko.
Huwag niyang sabihin na aalis pa rin siya kahit inabutan na siya ni Evo, na mas pipiliin niya pa ring sundan si Cassie kesa mag stay kasama namin. Maiintindihan kong kaya niya akong iwan pero ang anak namin? Hindi ko matatanggap kung magagawa niya itong talikuran.
"Ye--"
"Of course not! He will stay with us. Tama ba, sweetheart?"
Mabilis kong putol sa sasabihin nito at pilit na ngumiti. Nakita ko pang namilog ang mga kamao niya at kung wala lang kami sa pam-publikong lugar malamang kanina niya pa ako pinaparusahan at sinisigawan.
Magalit na siya kung magagalit siya, handa akong saluhin lahat ng sisi niya sa akin pero di ako papayag na ma-agrabyado si Evo.
"Come on, sweetheart. Samahan mo na kami kumain ni Evo."
Lumapit na ako sa kanila at marahan na hinawakan ang balikat nito. Bahagya pa itong napayuko at halatang pinipigilan nito ang sarili na bumuhos ang galit.
"Yes! Let's eat! Hihi!" Masiglang sabi ni Evo kaya nakangiti ko itong binuhat. Mabilis nawala sa isip niya iyong lungkot na nakita ko sa mga mata niya kanina.
Bagay na siyang nag bibigay ng lakas sa akin para lumaban. Si Evo na lang ang dahilan kung bakit nagagawa ko pang tumayo at bumangon sa araw araw.
"Sweetheart, pakibuhat naman iyong grocery. Ako ng magbibitbit kay Evo."
Mahinahon kong utos sa kaniya na kinatayo na nito at kinangiti niya sa akin. Isang panibagong ngiti na bakas na mas tumindi iyong inis niya para sa akin.
"Sure, palagi ka namang panalo."
Makahulugang sabi nito na kina-iwas ko na agad ng tingin sa kaniya bago tumungo iyong fastfood chain.
I know he was hurt, he was just hurt and it is because of my stupidity but if he only knew that everything I did is for their own good, maybe he won't blame me for doing such stupid things.
It is for them that even it breaks me, even it hurts and kills all my dreams, I choose to do the right thing for them.
Kahit pa ang kapalit ng lahat ng iyon ay kamuhian nila akong lahat.
_____
SNS Account:
FB Account: Ash Sandejas
Twitter: CreepyPervy
Wattpad: CreepyPervy