WARNING: SPG LEI Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Anna, may sasabihin daw siya sa akin pero gusto niya ay sa personal kaya ito ako ngayon, nag mamadaling bumangon para mag ayos nang mapansin ko pa iyong tsinelas sa lapag. Tsinelas ang laman ng paper bag na dala ni Trevor sa premiere night. Pagkatapos niyang sabihin that I'm still his wife ay bigla na lang siyang umalis kaya kinuha ko iyon. Sinuot at ginamit ko pa nga ang tsinelas na yun hanggang sa makauwi ako dahil sa masakit na talaga ang paa ko sa heels. Doon din ako dumaan sa itinuro niyang exit, noong una nag dadalawang isip pa ako na baka may iba siyang pinaplano and luckily, wala. I got home safely. Hindi ko talaga maisip kung bakit nandun siya pero mas hindi ko lubusang maisip kung anong gusto nitong mangyari sa sinabi n

