TREVOR Nakangiti akong napakapa sa tabi ko. Malinaw sa alaala ko iyong mga nangyari kagabi and I know it was her and it's real. It was Lei I slept with pero bakit ganun? Wala akong maramdaman sa tabi ko kung hindi iyong mga unan at kumot. Iminulat ko ang mga mata ko at bahagya pa akong na silaw sa liwanag na tumatama sa akin. Mabilis akong napabangon at kahit anino ni Lei ay hindi ko makita. "Lei! Lei!" Tawag ko sa kaniya at nag mamadali kong sinuot ang boxer ko, sumilip pa ako sa banyo pero wala ito kaya na isipan kong lumabas. "Lei? Lei?" "Ah sir, ang aga niyo namang lasing at hinahanap niyo na naman si mam Lei." Bungad sa akin ni manang ng makarating ako ng kusina pero wala pa rin si Lei dito. "Nandito siya, alam ko umuwi siya kagabi." Seryoso kong sagot kay manang na kinakamot

