TREVOR Napaluhod akong napayuko at pilit na tinitiis iyong bawat hagupit ng tungkod at tumama sa kung saang parte ng katawan ko. Damang dama ko iyong sakit na alam kong ika-mamaga ng buong katawan ko pero wala akong magawa kung hindi ikuyumos sa sahig ang kamao ko. "Ikaw ang pinaka walang kwentang lahi ng angkan na ito!" Mahina akong napaungol ng muli ako nitong hagupitin ng tungkod niya at kulang na lang ay ikasubsob ko iyon sa sahig. "Tama na, señor." Narinig kong pigil ni mom sa isa sa pinakamatandang lahi ng Del Valle, nasa isang daang tao na ito pero hindi pa rin mababakasan ng pang hihina at katandaan ang katawan niya at nagagawa niya pa akong paluhurin tulad noong bata ako. "Sinasabi ko sa'yo, Trevor. Kapag hindi mo na gawa ang trabaho mo sa pamilyang ito, ikaw ang susunod na b

