TREVOR "EVO!" Dinig na dinig ko pa rin iyong malakas na pag sigaw ni Lei habang bakas sa tono nito ang pag hihinagpis. Kahit ako nanatiling tulala at walang kibo habang nakikita ko pa ng pa ulit ulit sa isip ko kung paano humampas at tumurit ang manipis na katawan ni Evo sa kalsada. S-sinubukan ko itong habulin pero masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko siya na iligtas, hindi ko na iligtas si Evo, hindi ko na iligtas ang anak ko. Mabilis akong lumapit dito at hindi ko malaman kung paano ko dadamputin ang walang buhay na katawan nito habang naliligo ito sa sarili niyang dugo. Nag kagulo ang mga tao gayon din ang maingay na pag dating ng ambulansya, nanginginig ang kamay ko ng buhatin ko ito at natataranta ako kung saan ko ito ilalagay hanggang sa lapit ako ng mga rescue. Hind

