LEI Sa muling pagkakataon ay na pamulat ako at umaasa na panaginip lang ang lahat, na pag bangon ko ay sasalubong sa akin ang matamis na ngiti ni Evo. Nababatiin ako nito ng isang masiglang good morning habang binobola niya ako na ako ang pinakamaganda at the best mama sa buong mundo, pero kahit anong pikit ko, kahit anong tanggi ko, hindi na nun mababago ang katotohanan na wala na siya, na iniwan niya na ako. At kahit kailan hindi ko na ulit makikita ang matatamis na ngiti niya, hindi ko na maririnig ang malakas na pag tawa nito at wala na.. wala na iyong taong nangako sa akin na ako ang unang magiging pasahero nito sa oras na maging piloto siya. Lahat ng yun nag laho na lang sa isang iglap. Wala akong lakas para bumangon, wala akong lakas para mag lakad at wala rin akong gana na kumai

