Nagising si samantha na parang may mga matang naka titig sa kanya. Sa kanyang pag dilat ay ang masayang mukha ni betchay ang kanyang nakita. "good morning ate!" masiglang bati sa kanya. "good morning din sayo betchay" sabay hikab. "kanina kapa nandito?" nahihiyang tanong niya sa dalagita. "hindi naman ate mga dalawang oras lang naman kitang tinitigan habang tulog. Dahil parang ang sarap nang iyong tulog kanina dahil naka hilik kapa at para kang bata kong matulog" na tatawa pa ito habang nag salita. "ah, eh sorry betchay napasarap lang talaga ang tulog ko kanina" at napa kamot nalang siya sa kanyang ulo. Napa isip si samantha kong bakit hindi na niya naramdaman o na amoy lang man kagabi si lemuel. "talaga bang iniwan mo na ako nang tuluyan lemuel" napa hinga nalang siya nang malalim.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


