Pagkatapos na i cremate ang katawan ni lemuel ay hindi parin makapaniwala si samantha na wala na ang kanyang asawa. Halos gabi-gabi siyang umiiyak habang yakap-yakap niya ang larawan nito. At gabi-gabi rin siyang nagigising na parang may humahalik sa kanya.
"lemuel" balikwas niya at agad bumangon. Napabuntong hinga nalang si samantha nang wala siyang makita ni anino ni lemuel. Pero sa tuwing na gigising siya ay lagi niyang naa amoy ang matagal na niyang hinahanap ang natural na amoy nito sa katawan. Napapikit nalang si samantha habang panay tulo ang kanyang mga luha. "lemuel kong andito kaman please magpakita kana naman sa akin. Dahil miss na miss na kita. Gusto na kitang mayakap" bulong ni samantha sa kanyang sarili. Na agad napa hagulhul. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang maramdaman niyang gumalaw ang bata sa kanyang sinapupununan "anak sorry kong pag laki mo hindi mo makikita ang iyong ama, Sana mapatawad mo si mommy kong hindi ko binigyan nang pagkakataon ang iyong daddy at humantong pa sa ganito, Kinuha na sa atin ang yong daddy anak". sabay himas niya sa umbok niyang tiyan. Maya't maya ay nakaramdam na ulit nang antok si samantha kaya bumalik siya sa paghiga at yakap parin niya ang larawan ni lemuel habang namamasa parin ang kanyang mga mata. Hanggang sa hilain na siya nang antok at mapayapang naka tulog.
_______,
Kinabukasan!!
"senyorita, kumain kana kanina kapa nakatulala diyan" at iniabot ni manang pacing ang pagkain sa kanya.
"yaya, hindi ko lang matanggap na wala na si lemuel, miss na miss ko na siya yaya. Bawat mga yakap at halik niya sa akin. Bawat paglalambing niya kapag nagagalit ako at lalo na nong nag lilihi ako sa kanya. Never siyang nag reklamo kahit nasaktan ko na siya" napa yuko si samantha dahil hindi na naman niya mapigilan ang kanyang emosyon na mapa iyak.
"senyorita kahit ako hindi ako makapaniwala sa nangyari kay lemuel. Pero nangyari na ang lahat, magpakatatag ka senyorita alang-alang sa magiging anak niyo".
"pero yaya hindi ko alam kong paano mag simula ulit. Lalo na lagi ko siyang napanaginipan na humahalik sa akin at lagi ko siyang naa amoy sa loob nang aming kwarto. Tuwing ako'y nagigising, yaya talagang hindi ko kayang mag move on" hagulhul niya.
Natigilan si manang pacing sa mga sinasabi ni samantha sa kanya.
"ah, eh senyo-". agad na putol ang sasabihin ni manang pacing kay samantha nang pumasok si betchay sa kusina.
"ate, nasa sala po si attorney jang at kailangan ka raw niyang makausap" bungad nito sa kanila. Na ngunot ang noo ni samantha kong anong kailangan ni attorney jang sa kanya.
Kahit naguguluhan ay agad niya itong pinuntahan dahil ayaw niya itong pag hintayin.
"senyorita, hindi ka ba muna kakain?" tanong ni manang pacing sa kanya.
"mamaya nalang yaya, hindi pa naman ako gutom" at mabilis siyang umalis para hindi ma inip si attorney sa kakahintay.
"Mrs Alvarez condolence, sorry for what happened to your husband" sabay lahad nang kamay nito sa kanya.
"thanks attorney jang" malungkot niyang boses, "by the way ano po ang kailangan niyo?" at iginiya niya ito pa upo.
"well I'm here to tell you that before Mr Alvarez died he already signed his last will". sabay abot nito sa hawak nitong envelope sa kanya.
Binuksan niya ang envelope at tiningnan niya kong ano ang laman. At agad naka kunot ang kanyang noo nang makita niya na halos lahat nang ari-arian nang kanyang ama dati ay ito na ang nag mamay-ari.
"ano po to attorney, totoo ba to?" pinakita niya kay attorney jang ang lahat nang mga ducument na nasa loob nang envelope.
"yes Mrs Alvarez, halos lahat nang mga ari-arian nang iyong ama ay si lemuel ang bumili at pinamana niya ito lahat sa kanyang magiging anak" mahabang paliwanag sa kanya.
"and this one get this" may ini abot na naman ito sa kanyang ibang envelope.
"what this?" tanong niya kay attorney.
"just open it samantha" utos nito sa kanya, Na agad naman siyang tumalima. Napamangha si samantha nang makita niya ang laman nang envelope. Ito yong bahay na gusto niya sa lahat nang mga design ni lemuel.
"attorney" manghang sambit niya kay attorney jang. Dahil hindi siya makapaniwala na nakapangalan sa kanya ang bahay.
"totoo po ang lahat nang yan samantha dahil ganyan ka kamahal ni lemuel. Nong nalaman niya na yan ang gusto mong design nang isang bahay, ay hindi siya nag dalawang isip na ipagawa agad yan". naka ngiting sabi nito sa kanya.
"attorney hindi ko alam ang lahat nang ito" mangiyak-ngiyak niyang sabi dito. "Napakadamot ko kay lemuel ang dami kong kasalanan sa kanya, pero minahal parin niya ako at binigay niya ang lahat sa akin. Pero ako hindi ko na ibigay sa kanya ang aking kapatawaran sa kanyang pagkakamali".
"samantha, huwag mo nang sisihin ang iyong sarili. Ang lahat ay may dahilan" awang-awa ito sa kanya.
___,
"by the way samantha, kong gusto mong puntahan niyang bahay na niyan. Magsabi kalang sa akin para masamahan kita" Tinanguan ni samantha ang attorney habang pinunasan niya ang kanyang mga luha.
Tumayo na ito para mag pa alam sa kanya.
"at kong may kailangan kapa, huwag kang mag atubiling tawagan ako" habol nito sa kanya. Bago tuluyang nag pa alam.
Hindi ma ipaliwanag ni samantha kong ano ang kanyang naramdaman. Masaya siya dahil binigay ni lemuel ang bahay na gustong gusto niya, at ma lungkot siya dahil hindi niya ito makasama habang buhay.
"lemuel, patawarin mo ako kong hindi ko na ibigay ang kapatawaran sayo. Mahal na mahal kita, at huwag kang mag alala mamahalin at alagaan ko ang ating anak. At kong nasaan ka man ngayon sana lagi mo kaming bantayan ni baby gabby. Maraming salamat lemuel sa lahat nang kabaitan mo sa akin. Lalo na kay baby gabby". usal niya sa kanyang sarili.
"ate, kumain kana para ma inum muna ang iyong vitamins" pukaw ni betchay sa kanya.
"ate umiiyak kana naman?, haist ano ba yan, pwede ba ate tama na, kasi nakakasama yan kay baby gabby" sermon nito sa kanya.
"sorry betchay, hindi ko lang mapigilan" sabay punas niya sa kanyang mga luha
"haaiiist, hindi ko na talaga kaya ate na makikita kang malungkot at laging umiiyak. Kaya mabuti pa pumunta na tayo sa bago mong bahay".
Nagtataka siyang napatingin kay betchay. Anong pinagsasabi nito. Bakit alam nitong may bahay si lemuel na binigay sa kanya. Pero kong sa bagay pamangkin ito ni lemuel baka lahat nang mga nangyayari ay alam na alam nito.