EPISODE NINETEEN

1144 Words
Lumipas ang ilang mga araw ay hindi parin sumusuko si lemuel para suyuin si samantha. Na gulat si samantha nang bigla siyang harangan nito sa kanyang dinaanan. At napansin niyang naka inum ito dahil ma pupungay ang mga mata nitong naka tingin sa kanya. Nabigla siya nang yakapin siya nang mahigpit ni lemuel. "what the heck! lemuel! bitawan mo ako" pag pupumiglas niya. "no, hanggat hindi mo ako napatawad" sagot nito. "s**t ka! ilang beses ko bang sasabihin sayo na kahit kailan ay hindi kita kayang patawarin!" at pinilit niyang makawala. "please samantha, kahit sa magiging anak nalang natin baka pwede tayong mag ka ayos". "no! hindi pwede dahil subrang sakit ang ginawa mo sa akin lemuel kaya sorry hindi ko pa kayang patawarin ka". "ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?". "sinabi ko na sayo, na ayaw kong makita yang pag mumukha mo ni anino mo dahil tuwing nakikita kita bumabalik sa aking isipan ang kahayupang ginawa mo sa akin" at hindi niya makayanan pigilan ang kanyang mga luha at agad itong tumulo hanggang mapa hagulhul. "sorry samantha sa laking nagawa kong kasalanan sayo, hindi ko akalain na humantong tayo sa ganito, mahal na mahal kita lalo na yong magiging anak natin, sana pag laki niya ay hindi mo ipagkait sa kanya na ako ang kanyang ama" pagkasabi nito ay agad siya nitong hinalikan sa mga labi. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito at na amoy niya ang alak nitong ininum. Aaminin mn niya o hindi na miss na niya ang mga labi nito. Sa bawat pag halik nito sa kanya nang banayad at may halong pagmamahal. Muntik na siyang mapatugon sa halik nito nang sumagi sa kanyang isipan ang kahayupang ginawa nito sa kanya. Mabilis niya itong itinulak at agad niyang pinadapo ang kanyang kamay sa pisngi nito. "how dare you!" at agad niyang pinunasan ang kanyang mga labi. "samantha alam kong mahal mo rin ako dahil muntik kanang mapatugon sa aking mga halik". ngiti nito nang mapait sa kanya. "damn you lemuel! umalis kana sa harapan ko! alis!" habang tinutulak niya ito pa alis. "at huwag kanang mag papakita pa sa akin!" pag duduro niya dito. "ok, kong yan ang gusto mong mangyari samantha, hindi na kita guguluhin pa kahit kailan at hindi muna ako makikita, Basta ipangako mo sa akin kapag lumaki na si baby gabby ako yong kinikilala niya bilang ama" pag suko nito. Umalis ito sa kanyang harapan na bagsak ang mga balikat. Hindi niya alam kong bakit nasasaktan siya sa pag suko nito. Pero diba ito ang kanyang gusto na hindi na ito manggulo sa kanya at hindi na mag papakita sa kanya. Pero bakit nasasaktan siya ngayon, bakit gusto niya itong habulin nang yakap at sabihin na pinatawad na niya ito. Napahagulhul nalang si samantha habang sinusundan niya nang tingin ang papalayung si lemuel na bagsak ang mga balikat. _______, Habang naka upo siya sa may veranda at nakatanaw sa malayo ay lumapit si betchay sa kanya. "ate pwede po bang manatili parin ako dito kahit nag kalabuan kayo ni tito" nahihiyang sabi nito. "oo naman betchay, hindi ka kasali sa away namin nang tito mo" pait niyang ngiti dito. "salamat ate, dahil gusto ko kapag lumabas na si baby gabby ay makilala niya ako ang pinsan niya" masaya nitong sabi sa kanya. Nag katinginan sila ni betchay nang may tumawag sa kanya. At nag tataka siyang unknown number ang tumatawag sa kanya. Kahit hindi niya kilala ang tumawag sa kanya ay sinagot parin niya ito. Pagkasagot niya ay agad itong nag salita sa kabilang linya. "hello, ito po ba si Mrs Alvarez?" tanong nito. "y-yes po" kabado niyang sagot sa kabilang linya. "Mrs Alvarez, I'm spo1 Garcia ipaalam ko lang sayo na naaksidente ang iyong asawa" sabi nito na agad niyang nabitawan ang kanyang cellphone na hawak at naka awang ang kanyang mga labi. "ate may nangyari ba at sino yong tumawag sayo?" alalang tanong ni betchay sa kanya. "hindi, hindi to too hindi!" sabi niyang na guguluhan. "ate bakit ano bang nangyayari, bakit ka nag kakaganyan" yugyug nito sa kanya. Nang maka huma na siya sa pagka bigla ay agad siyang napa iyak. "Betchay s-si lemuel". "bakit ate anong nangyari kay tito". napa iyak na rin ito. Hindi na niya ito sinagot at dali-dali siyang lumabas para mag abang nang taxi. Napasunod dito si betchay sa kanya na naguguluhan. "ate sasama ako" sabi nito nang may taxing paparating tinanguan lang niya ito at mabilis silang dalawang sumakay sa taxi. Nakarating agad sila sa hospital kong saan isinugod ang kanyang asawa. Habang papalapit siya sa kinaroroonan nito ay mabilis ang kabog nang kanyang dibdib. Subrang kaba ang kanyang naramdaman nang makita niyang nag si yukuan ang mga doctor at nurse na naka palibot sa kanyang asawa. Napatakbo siya dito para alamin kong anong nangyari sa kanyang asawa. "anong nangyari sa asawa ko?" tanong agad niya nang maka lapit na siya dito. "Mrs huminahon ka muna" sabi nang doctor sa kanya. "doctor sagutin mo ako, anong nangyari sa asawa ko, bakit wala kayong ginawa para asikasuhin siya!" hindi niya mapigilan ang kanyang sariling singhalan ang mga ito. Nakita niyang kinumutan ang boung katawan nito. Kahit na nginginig ang kanyang mga kamay ay binuksan niya ang kumot nang dahan-dahan. "nooooo!" bigla siyang napa upo at napa hagulhul sa kanyang nakita dahil halos hindi na niya ito makilala dahil halos ma sunog ang boung katawan nito. "hindi! tito!" sigaw rin ni betchay nang makita nito si lemuel na ganon ang kalagayan. "Mrs sorry dahil dead on arrive na siyang isinugod dito". paliwanag nang doctor sa kanya. "Mrs Alvarez, I'm spo1 Garcia, ako yong tumawag sayo kanina. Ito lang po ang tanging nakuha namin sa iyung asawa " sabay abot nito sa kanya ang wedding ring ni lemuel. "lemuel, bakit, bakit mo ako iniwan" aniya habang yakap-yakap niya ang katawan nito. "ate, tama na huminahon kana" alo ni betchay sa kanya. "betchay bakit, bakit nangyayari sa akin ang lahat nang ito" parang na walan na siya nang ganang ma buhay pa dahil hindi niya akalain na mangyayari ito kay lemuel. "kasalanan ko itong lahat betchay, kasalanan ko! sana pinatawad ko siya at hindi ko siya pina alis na lasing, sana buhay pa siya ngayon!" hagulhul niya "ate please tama na, huwag mo nang sisihin ang sarili mo, aksidente lang ang lahat at hindi mo kasalanan". "hindi betchay ang tanga-tanga ko nag padala ako sa aking pride. Imbis na patawarin siya at bigyan nang isang pagkakataon. Pero ni tawad hindi ko na ibigay sa kanya!". "ate alalahanin mo buntis ka, kaya tama na, alalahanin mo yang anak mo dahil yan nalang ang natira sayo. Hindi ka iniwan ni tito mag isa dahil may anak kayo na dapat mong mahalin at alagaan". Napayakap siya kay betchay at doon binuhos ang kanyang mga luha sa balikat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD