Chapter 31 Chantal’s Pov PUMASOK SI Honey sa apartment ko kahit pa nga halata naman na badtrip siya sa ‘kin. Umupo siya sa upuan habang ako naman ay inaayos ang lulutuin ko. Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita sa’min. Pinapakiramdaman ko lang siya na nakaupo habang nakatitig sa ‘kin. Akala ko ay hindi siya papasok dito. Hindi pala siya makatanggi kapag dinner ang usapan. Nagluto na lamang ako at kinakabahan at baka hindi masarap ang luto ko. Balak kong magluto ng adobong baboy dahil madali lutuin. Si mama ang nagturo sa ‘kin kung paano lutuin ang adobo. Masarap kasi magluto si mama. Pakiramdam ko nga ay hindi ko magaya gaya ang timpla niya. Pero bahala na. Kapag nagreklamo si Honey ay tutusukin ko nalang mata niya. Nagsimula na akong magluto at wala parin kaming kibuan

