Chapter 30 Chantal’s Pov TUMIKHIM si Rafael at umayos ng upo. Hindi talaga ako umorder ng pagkain para alam niyang wala na siyang makukuha sa ‘kin kahit pa yata piso. “I’m really sorry, Chantal. Alam kong masakit ang mga sinabi ko sayo. Pero sa totoo lang ay napilitan lang ako na sabihin yun. Ang totoo ay mahal naman talaga kita at si Donna ay pampalipas oras ko lang. Ikaw ang pipiliin ko kahit ano pa ang mangyari. Hindi ko lang sinabi sayo dahil nagmakaawa si Donna sa ‘kin na wag ko siyang iwan. Wala akong choice kundi ang saktan ka at sabihan ng masasakit na salita.” Mahaba niyang sabi at halatang nagdadrama lang. Humugot ako ng malalim na hininga. Pinawalang emosyon ko ang mukha ko upang malaman niya na hindi ako nakikipag biruan sa kanya. “Sa tingin mo talaga maniniwala ako sayo

