Chapter 26 Honey’s Pov PASIPOL sipol akong umuwi sa bahay ko dahil tinawagan ako ng kapatid ko. Tinatanong niya ako kung bakit hindi daw ako umuuwi. Hindi kasi nila alam na kumuha ako ng apartment. Akala nila ay para akong aso na walang nagmamay ari. Dati ay walang nag aalala sa ‘kin. Ngayon ay may dalawa na akong kapatid na naghahanap kapag hindi nila ako nakita. Kaya maaga akong umuwi kanina upang makita nila ako na nasa subdivision. Ayaw ko sanang umalis dahil gusto kong makita si Chantal. Sigurado akong nasa apartment lang siya ngayon. Iniwan ko siya saglit ng makatulog siya sa ginawa namin. Nilagyan ko ng maliit na cctv ang apartment niya para alam ko kung gising na siya. Kailangan makabalik ako agad sa kanya bago pa siya magising. Iniwan ko siya matapos naming gawin ang putuka

