Chapter 27 Chantal’s Pov NAGISING ako dahil sa may humahaplos sa braso ko. Unang bumungad sa ‘kin ang madilim na binta kaya alam kong gabi na. Napasapo ako sa noo ko at napakurap kurap ng maalala ko ang nangyari kanina. Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita si Honey na nakahiga sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko dahil akala ko ay umalis na siya sa tabi ko. Akala ko ay paggising ko ay naka alis na siya at hindi na siya magpapakita sa ‘kin. Nakuha na niya ang gusto niya eh. Bumigay ako dahil sa libog ko kay Honey. “Ang ganda mo, langga.” Sabi niya sa ‘kin saka pinatakan ng halik ang balikat ko. Hindi ako nakasagot agad at napakurap kurap na lamang. Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. “Nandito ka pa pala. Akala ko ay umalis ka na at hindi na kita makikita pa!” Saad

