bc

The Wife's Pain (R-18)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
4.5K
READ
love-triangle
second chance
drama
twisted
bxg
mxb
serious
waitress
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

"Hi everyone...I'm Alexia Ashlee Montero, 24 years old. At naniniwala sa kasabahing "Maganda man ako sa inyong paningin, pangalan ko lang ang yayamanin and I thank you."

Kontesera ako, lahat na ata ng pageant basta pasok ako ay sinasalihan ko..., kaya kong pasukin lahat ng mapagkakaperahan basta malinis. May sakit na kasi ang nanay, wala din naman akong tatay dahil hindi naman na nag-asawa ang inay.. Idagdag pa iyong gastusin ko sa pag-aaral. Kailangan kong magpursige para kumita ng pera dahil graduating na din ako. Yes po, graduating na ako. Kahit pa kasi scholar ako ay may mga binabayaran din sa eskwelahang pinapasukan ko. Kumuha ako ng kursong BSHRM... oh di ba ang taray? hilig ko kasi ang pagluluto kaya naman nakiusap kami sa mayor ng Dagupan Pangasinan na kung pwede siya magsponsor sa akin... Maayos naman ang lahat. Pero nagbago ang tahimik kong buhay noong kami ay mag-OJT na. Dahil nakilala ko ang taong dinaig pa ang menoposal baby kung umasta. Ang lalaking kabaliktaran ng ugali ko...

chap-preview
Free preview
Prologue
"This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the AUTHOR'S imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental." I would like to take this opportunity to thank all who read my first completed story "RUNAWAY HEIRESS" na pinagbidahan ni YANNA DEL CASTILLO AL SAUD (GIANNA) AT BENEDICK LAZARO(DEL CASTILLO). Thank you! Thank you po ng sobra and sana ang obra ko pong ito ay inyo din pong subaybayan. GOD BLESS YOU ALL...And here I am again...ang bagong magpapatawa, magpapakilig, dudurog at magpapaiyak sa inyo... at your service ALEXIA ASHLEE MONTERO. PANIMULA... "Ash malapit na tayong mag-OJT may pang bayad ka na ba? tanong na kaibigan ko... "Wala pa Cams eh. Ikaw ba may pangbayad na?" balik tanong ko... "Haist ayun nga Ash eh,wala pang nahanap si nanay na pera." problemadong sagot niya. "Paano na kaya ito...sa susunod na linggo pa naman na iyon..." nakapangalumbaba kong saad. "Haist kung bakit ba naman kasi may mahirap, may mayaman." nangalumbaba na din ito... "Hoy mga inday anong pinoproblema niyo. Baka gusto niyong bawasan nandito ako para makinig." sabi ng kadarating lang naming baklitang kaibigan. "Pinoproblema namin kung paano kami makakahanap ng jowa na mag-aahon sa amin sa hirap..." chorus naming dalawa. "Jusko day, yan lang ba ang pinoproblema niyo?" may mapagbiro itong ngiti sa labi. "Oh ayaw ko yang ganyang klase ng ngiti ROGELIO ORDINARIO!" bwelta agad ni Camille. Agad namang sumimangot ang isa.... "Kailangan ba talaga buong pangalan ah CAMILLE GISA?" ganti din nito... saka sila sabay na tumawa...mga baliw talaga. "Ang baho talaga." tumatawang saad ng kaibigan naming poging bakla... Kung ibang tao lang ang nakakakita sa amin iisiping isa sa aming dalawa ni Camille ay girlfriend niya. Sino ba naman kasing mag-aakalang ang lalaking laging escort sa school ay isa palang binabae... "Mga baliw talaga tong mga to...." nakikitawa na din ako sa mga ito. "Palibhasa kasi pang mayaman ang pangalan mo..." eto na naman eh, ako na naman ang nakita ng bruhang ito. " Sino kayang totoo mong magulang Ash no?" isa din to... "Picture mo nga Gel si Ash tapos post natin sa f*******: baka mayaman iyong magulang niya di tiba-tiba tayo..." suhestyon pa ng isa. At ang isa ding uto-uto ay mabilis ding kinuha ang kaniyang cellphone. " Tigil nga kayo... mga baliw lang talaga eh no?" awat ko sa kanila. Tinabig lang nito ang kamay ko nong akmang aagawin ko nag cp niya. "Wag kang ano diyan... Ipopost ka namin tapos sasabihin namin sa caption eh... "WHOEVER THE BIOLOGICAL PARENTS OF CAMILLE GISA, WE ARE CALLING YOUR ATTENTION, HAWAK NAMIN SIYA NGAYON AT KAILANGAN NIYO SIYANG TUBUSIN NG SAMPUNG MILYON SA LOOB LAMANG NG BENTE KWATRO ORAS. PAPATAYIN NAMIN SIYA KAPAG HINDI KAYO SUMIPOT ... wahahaha." "Nakakatawa kayo..." alam ko namang inaasar nila ako dahil ampon lang naman talaga ako ng aking nanay. "Pero bestfriend sino kaya talaga ang magulang mo no? Wala ka bang balak hanapin sila?" ang ingay talaga ng baklang ito... "And Ash paano kung totoong anak mayaman ka tapos kukunin ka nila. Sasama ka ba sa kanila?" tanong din ng bruhang isa... Yan din ang lagi kong tinatanong... Paano nga kung biglang magpakita ang totoo kong magulang tapos kukunin nila ako, sasama kaya ako? "Hoy may problema pa tayong dapat unahin, kung ano na ang sumagi sa isip niyo..." pag-iiba ko sa usapan namin dahil kahit ako hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyon. "Ano nga kasing problema niyo...baka sakaling makatulong ako..." sumeryoso na din ang baklang to. "Kailangan namin ng pera para sa OJT namin Gel...eh si nanay may sakit. May alam ka bang pwedeng pagkakitaan or mautangan?" tanong ko dito. "Ako naman Gel hindi pa nakakadiskita si nanay... Ang hirap talaga kapag mahirap.." saad din ni Camille. "Bakit pa kayo mamomroblema, may alam akong raket para saiyo Ash, ikaw naman Cams pwede ka munang mag-extra sa pinagtatrabahuan kong bar. malakas magtip doon." excited niyang sabi. "Baka naman pagpuputa iyang sinasabi mo bakla ah..." dudang tanong ko dito... "Hell no... kahit jutay-jutayin pa ako ng mga papa sa bar hinding-hindi ko ipapahamak ang mga kaibigan ko." nagtatampong sabi niya... "Eh ano nga kasi iyang raket na sinasabi mo kay Ash bakla..." nagtataka na ding tanong nito. "Gaga, sasali tayo sa pageant..." tinitigan namin ito... "Ay mali, ikaw lang pala... Oo na ikaw na ang maganda..." biglang bawi niya. "Saan naman yan bakla?" "Sa kabilang bayan bakla. Kapag nasungkit mo ang korona ay hindi lang pera ang mapapanalunan mo kundi isasabak ka pa sa final na gaganapin sa kapitolyo." pera na iyon. Basta sa malinis na paraan gora ako. "Wow may pag-asa ka yata doon bestfriend..." tuwang-tuwa at pumapalakpak pang saad ni Camille. "Kelan ba iyan at kanino magpapalista?" tanong ko dito. "Naku wag na bakla, kaya ako nagpunta dito ay para sabihin saiyo yan. Pinalista na kita." hulog talaga ng langit tong kaibigan ito... Pero kung lalaki lang talaga ito baka ako pa ang manggahasa sa kanya. "Naks naman... Bakla buti nandiyan ka. Salamat bestfriend..." hinalikan nito ang pisngi niya. Hindi pa man sumasayad ang labi nito ay itinulak na niya. "Yak ka talaga... Nakakadiri bakit ka nanghahalik..." "Aba wala akong virus oy... Makatulak ka wagas ah... Pahalik nga ako ulit bakla. Isa lang..." nagbeautiful eyes pa ito. "Camiiiilllllleee Gisa... bwisit ka igigisa talaga kitang babae ka... Hindi ka ba nandidiri, parehas tayong babae eh...." himutok nito... Tinignan ulit namin ito.. "Oo na kayo lang ang babae."Kapag ganitong nagbabangayan na silang dalawa ay madalas sumasali ako dahil naturingan din akong kalog sa barangay namin... "Kung gahasain ka kaya namin bakla maging lalaki ka na kaya?" tanong ko dito habang paunti-unti akong lumalapit sa kanya... "Ash diyan ka lang... Wag mo akong lalapitan..." pilit nitong ihinaharang ang kanyang kamay. Sa kabilang side naman ay dahan-dahan ding lumalapit si Camille. "Andiyan na ako Rogelio... Come on beybe... Come to Ashlee..." tumitili itong napaupo. "Mga bruha kayo ayaw ko na..." tawa lang kami ng tawa. Sinenyasan ko si Camille na hawakan ito na siya namang agad niyang ginawa. Nilapitan ko ito at walang sabi-sabing idinampi ko ang labi ko sa labi niya... "Naaaaaaaayyyy tulong... ginagahasa ako ng dalawang bruha..." sigaw niya kay nanay. "Ashleeeeeee ang manyak mo talaga. Pwe nakakadiri kayong dalawa." diring-diring wika niya. "Ayaw ko na nakikiusap ako sa inyo..." binitawan ito ng isa at nagtatakbong pumunta ng banyo para sumuka... "Bakla talaga." humahagalpak sa tawang sabi ni Camille. " Hoy kung lalaki ka lang matagal ka na naming ginahasa... pasalamat ka bakla ka..." parehas lang pala kami ng iniisip ng babaeng ito. "Anak pinagkaisahan niyo na naman s Rogelio..." wika ni nanay nung makalapit kami sa inuupuan niyang bangkito. "Eh nay ang sarap kasi niyang asarin..." sabi ko naman. "Wag lang masyado ah, may biro na nakakasakit baka mamaya magkapikunan kayo." payo nito. "Opo nay..." magkapanabayang sagot namin. Hindi nagtagal ay lumabas na ang kaibigan namin. Niyakap namin itong dalawa. "I love you bestfriend..." paglalambing namin sa kanya. "Grabe talaga kayo sa akin..." baling niya. "Hi nanay kumusta ka na? May dala pala akong prutas para saiyo. Kunin ko lang sa labas." ganyan siya lagi. Hindi kailanman nakakalimutang dalhan ng maski ano si nanay. Minsan nga iniisip ko pang lalaki ito na nanliligaw sa ina ng napupusuan kaso malabong mangyari iyon dahil saksi kami kung paano siya umiyak ng dahil sa lalaki. "Eto po nay, dinalhan ko kayo ng makakain niyong prutas para lumakas pa kayo lalo." abot nito sa isang plastic ng sari-saring prutas. "Salamat anak..." sabi naman ni nanay. Oo nga pala baka nagtataka kayo kung paano ako naging ampon... Natural pinaampon ako. Char lang hehe... Ganito kasi iyon... Sabi ni nanay maaga daw siyang lumalabas noon araw-araw dahil naglalabada siya para may pantustos sa pang-araw-araw nila ng kaniyang tatay. Sabi niya napulot lang daw niya ako sa tabi ng basurahan. Ayaw daw sana niya akong kunin ngunit naawa daw siya at malamig ang panahon dahil december daw iyon noon at madaling araw pa. Inuwi daw niya ako sa bahay nila at lumuwas daw sila agad ng probinsya kasama ako. "Nagtaka kasi ako noon kung bakit magkaiba ang apilyedo namin. Iyon daw kasi ang nakalagay sa sulat na nakaipit sa lampin ko. Suot ko daw ang isang necklace na may symbol na star at sa gitna ay may bato na makinang. Pero hindi ko na nakita pa iyon dahil maliit na daw sabi ni inay kaya itinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako iniwan, basta ang laging sinasabi ni inay ay may dahilan daw kaya nagawa sa akin iyon. Bata palang ako ay iminulat na sa akin ni inay na hindi ako galing sa matres niya. Kaya naman lahat ginagawa ko para matumbasan ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. "Hindi na din ito nag-asawa dahil meron naman na daw ako. Ngayon matanda na siya, oras naman na para ako naman ang mag-alaga sa kanya. Halos dalawang buwan na simula nong nagkasakit siya. Gustuhin ko mang ipagamot siya ay ayaw naman niya. Mahal daw magpaospital. Nangako ako sa sarili ko na kahit anong mangyari, pipilitin kong makaakyat sa entablado. Gusto kong ipakita sa mga tao na proud akong nagkaron ng ina na katulad ni inay...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook