Ashlee POV Halos mag-iisang taon na simula nong nadiagnosed si Hash. Pero lalo lang itong lumalala. Madalas na siya magsuka, at nangangayayat na din ito. "Mrs. Aragon I must suggest you to find a donor for your son, dahil hindi na tinatanggap ng katawan niya ang maski anong treatment. This will help him a lot and kailangang magmatch ang bone marrow ng patient dito." sabi ng doctor. "Ako doc subukan niyo, baka magmatch kami..." presinta ko... "Of course kayo ang family niya." bigla akong nag-alala dahil hindi nga pala siya galing sa amin. Pero para sa anak ko susubukan ko. Uso naman siguro ang himala di ba? "But doc. What if walang magmatch sa amin. Ano na ang mangyayari sa anak namin." hindi nakaimik ito. "If that's the case we need to find to unrelated donor sa national bone marrow

