“Like success, failure is many things to many people. With positive mental attitude, failure is a learning experience, a rung on the ladder, and a plateau at which to get your thoughts in order to prepare to try again.”
– W. Clement Stone
Ashlee pov
Maaga akong nagising kinabukasan para magluto. Kahit na puyat at pagod ako ay gusto ko parin silang ipagluto. Iyon lang ang natatanging paraan para makabayad ako paunti-unti sa kabutihan nila. Naabutan ko si ate Mary na nagtitimpla ng kape niya. Hindi ako napansin nito. Tulog pa ang mga kasama. May naisip akong kalokohan...
"Marrrryyyyy..." mahinang bulong ko.
"Marrrryyyyy...." nagpalinga-linga ito...hindi niya ako makita dahil nagtago ako sa likod ng refrigerator.
"Tulungan mo ako Mary..." inilapag niya ang kutsarang hawak niya.
"Sino ka???" tanong nito. May nakita akong maliit na display orange pinagulong ko iyon. Pinulot niya ito.
"May multo ba dito? San galing to?" natatawa ako pero pinipigilan ko.
"Mary, gusto ko ng kape..." bulong ko pa. Tinignan nito ang kape niya.
"Kape lang ba hanap mo? Ibang klase kang kaluluwa. Ano iyon bumangon ka sa hukay para manghingi ng tulong pero kape lang pala ang gusto mo? Saan ba ang puntod mo ng madalhan kita ng kape? Kawawa ka naman." Tawang-tawa na talaga ako sa pinaggagawa ko.
"Sa paanan mo..." sabi ko. Mabilis itong lumipat ng kinatatayuan...
"Ano? dito ang puntod mo? Ano ka bang kaluluwa ka?" Tanong pa niya. Napaisip ako...
"Pusa... Pusa ako..." nagulat ako nong biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ay butiki... "
"Pusa??? Pusa ka??? Kelan pa nagsalitang parang tao ang pusa?" Naguguluhang tanong ni Manang Mary.
"Ano ka ba naman Rogelio..." panira talaga to.
"Ikaw talaga pinagtripan mo na naman si Manang.. "
"Ay nandiyan po pala kayo. Ikaw na naman siguro ineng iyong nangtitrip sa akin no?" tanong niya.
"Pasensya na po manang ang cute mo kasi makipag-usap sa multo." tawang-tawa kong sabi.
"ah eh, hindi ko kasi napansin na andiyan pala kayo. Hehe..." nahihiya nitong saad. Pailing-iling naman si Rogelio.
"Sweetheart pagtimpla mo nga ako ng kape, hindi iyang kung ano-anong kalokohang pumapasok sa kukote mo.." utos nito sa akin.
"Hehe, opo boss. " nakangiti kong sagot.
"Ako nalang Rogelio. " napangiwi ito pagkadinig ng pangalan niya.
"Manang Gel nalang mas magandang pakinggan. Ang pangit ng Rogelio. Panahon pa ng lolo ko yang pangalang yan eh. " ayaw na ayaw talaga nitong tinatawag siya sa pangalan niya eh.
" Ang arte mo ROGELIO eh iyan naman talaga ang pangalan mo.!" pang-aasar ko. Tinignan akobnito ng masama.
"Oo na, eto na, magtitimpla na ako ng kape ng pinakamamahal kong ROGELIO..." napatawa tuloy si manang.
" ALEXIA ASHLEE! " ayun nagalit na nga ang tigre....
"Hehe, ano po iyon ROGELIO!" saka ako nagpeace sign... Agad itong tumayo. Nagtago ako sa likod ni manang..
"Manang si ROGELIO oh... " natatawa kong sambit...
"Mga bata tong... Doon muna kayo sa kwarto niyo baka makabasag pa kayo." saway niya sa amin...
" time pers sweetheart, Magluluto pala ako." nag-enjoy naman na ako sa pakikipag-asaran. Magluluto nga pala ako. Umupo na din ang isa.
"Wait lang ipagtitimpla kita ng kape. Manang iwan mo na po kami, ako na ang magluluto." baling ko dito.
"Oh siya, sa labas na muna ako para makapaglinis na din." iniwan na kami nito.
"Sweetheart eto na ang kape mo." kapag nandito kami sa bahay nila kailangan naming magpanggap kaya may endearment pa kaming nalalaman. Ang sweet di ba. ?
" Punta pala akong school maya sweetheart, magbabayad na ako." hindi ako nito kinibo.
"Hoy kinakausap kita." nagsimula na din akong magluto ng pang-umagahan. Itlog, ham, hotdog at tuyo. Iyon ang nasa ibabaw ng ref na lulutuing nakalista kaya yon ang niluto ko.
"Baks???" saka lang siya lumingon.
" Gaga ka Ash, umagang-umaga sinimulan mo ako." pagkandahaba-haba ang nguso nito.
"Hehe, ikaw naman kasi ang arte-arte mo... pangalan mo naman kasi talaga iyong Ro..." hindi ko na naituloy.
"Oo na oo na, pangalan ko na. Huwag mo nang ulitin pang bigkasin. Ang bantot kasi." saad niya. Bumunghalit ako ng tawa. Inirapan lang ako nito at di na kumibo. Natapos na ako lahat-lahat ay di parin siya nagsasalita.
"Sorry na, di na ako uulit." lapit ko dito saka siya niyakap at hinalikan sa pisngi. Iyon ang naabutan ng magulang niya.
"Ang ganda naman ng umagahan ng anak namin." Bungad ni tita.
"Good morning po tito, tita."
"Good morning pa, ma..." sabay naming bati.
"Ready ba po ang breakfast... Umupo na po kayo." sabi ko sa kanila.
"Ikaw din iha umupo ka na. " Nagtimpla ako ng kape nilang dalawa.
" Ang swerte mo talaga iho kay Ashlee. Hindi lang siya maganda, mabait at maasikaso pa." sabi naman ni tito...
"Ay hehehe, thank you po." nahihiya kong sabi.. Nagsandok ako ng pagkain ni Rogelio. Bago ako kumuha ng pagkain ko. Susubo na sana ako nong nagsalita ulit ang papa niya.
"Kelan niyo naman kami balak bigyan ng apo? Aba eh hindi na kami bumabata." nasamid ako sa sinabi niya. Mabilis akong inalalayan ni Rogelio. Inabutan naman ako ng tubig ng mama niya.
"Soon pa... Not now. Nag-aaral pa si Ashlee." sagot naman ng isa... hala, may ganun?
"Pagkagradweyt mo iha, pwede na siguro kayong lumagay sa tahimik." gatong din ng mama niya...
"Ma, Pa... pag-uusapan muna namin iyan ni Ashlee. Di ba sweetheart... ?" sinipa niya ang paa ko sa ilalim ng lamesa.
"Oo sweetheart." sagot ko. Pinanlakihan ko siya ng mata habang hindi nakatingin ang magulang niya. Kumindat lang ito. Pagkatapos naming kumain ay gumayak na din ako. Sinabiha siya ng mama niya na ihatid na lang ako para di na daw ako mahirapang mag-abang ng masasakyan. Wala naman siyang trabaho ng umaga kaya pumayag na din ito at sinamahan pa ako hanggang sa loob ng campus.
"Ang gwapo talaga ng boyfriend ni Ashlee no?"
"Maghihiwalay din mga yan."
"Kasal nalang talaga ang kulang"
"Nagsasama na nga ata sila.."
"Kagabi nga magulang pa nong lalaki ang kasama niya."
Mga tsismosang palaka talaga ang mga tao... Umiiling-iling lang kami ni Rogelio saka kami lihim na magtatawanang dalawa. Pagkatapos naming magbayad ay dumiretso na kami sa bahay... 2 days nalang din naman ay magsisimula na ang OJT namin ni Camille kaya tutulungan na din daw niya akong ayusin ang mga gamit ko.
"Oh OJT ang ipupunta mo dun ah. Baka mamaya pagkatapos ng isang buwan juntis ka na." paalala nito sa akin.
"Wala ngang boyfriend majujuntis agad." sabi ko naman.
"Malay mo may makita ka doong papa, bigla ka nalang bumukaka." natatawa pang sabi niya. Inismiran ko ito...
"As if naman may magkamali..."
"Bakit kaya di ka pa nagkakaboyfriend Ash... Maganda ka naman, sexy, mabait... Don't tell me tomboy ka???" lumaki ang mata ko sa sinabi niya
"What ako? Tomboy??? baka gusto mo patunayan ko saiyo bakla na babae ako.!" may mapaglarong ngiti sa labing turan ko...
"Oh no Ash... Isusumbong kita kay nanay." hindi ko ito pinakinggan. Diretso akong lumapit sa tabi niya.
"Aaassshhh.... " sigaw niya. Tatayo sana ito pero umupo ako sa kandungan niya. Kinantahan ko siya.
"I like your eyes you look away when you pretend not to care" turo ko sa mata nitong lumalaki na dahil sa pagkakaupo ko sa kanya.
"I like the dimples on the corners of the smile that you wear." Ngumiti ako ng pagjatamis-tamis
"I like you more, the world may know but don't be scared" Pilit ako nitong itinutulak pero kumunyapit pa ako lalo sa leeg niya.
"'Cause I'm falling deeper, baby be prepared" inilapit ko ang mukha ko sa mukha nito na mukhang hahalikan siya. Napatitig siya sa labi ko saka tumitig sa mata ko. Oh no don't tell me gusto talaga niyang halikan ko siya?
"I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell. " itinuloy ko ang pagkanta saka ko inamoy naman ang tshirt nito.
"Ang bango mo." sabi ko pa.
"To be your favorite jacket, just so I could always be near. Niyakap ko ito ng mahigpit.
"I loved you for so long, sometimes it's hard to bear
But after all this time, I hope you wait and see." kumalas ako sa pagkakayakap dito. Saka ako tumingin ulit sa mata niya. Kinantahan ko parin ito. May ngiti sa mga mata niya pero pinipigilan niya. Napatigil tuloy ako.
"Bakit ka nangingiti?" tanong ko sa kanya...
"Ang cute mo pala Ash." sabi niya sa baritong boses... ako naman ang kinilabutan. Tumayo ito habang buhat niya ako... Lumabas siya ng pinto.
"Saan tayo pupunta bakla?" nahihiwagaang tanong ko.
"Sssshhhh wag kang maingay. Mahal na mahal kita Ash kung alam mo lang. Ngayon ko papatunayan saiyo na lalaki talaga ako." tumitig ako sa kanya. Ano daw?Siya lalaki? Nagpakalalaki na kaya talaga siya?
Pumasok kami sa kusina. Naabutan namin si nanay doon na nagluluto.
"Anong nangyari diyan anak?" Tanong din niya.
"Eh nay nagdesisyon na kasi akong magpakalalaki kaya eto naglalambingan kami." nagdududa namang nakatingin si inay at umiling. Diniretso niya ako sa may labahan at parang naiisip ko na kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
"Bakla, wag mong gagawin yan..." banta ko dito... Ngumiti siya nang matagumpay...
"Ang bigat mo Ash. Baba ka muna ha..." sabi niya saka ako binitawan at saktong-sakto ako sa loob ng malaking planggana na punong-puno ng tubig..
"ROGELIO BWISIT KA ANG LAMIG..." sigaw ko dito dahil pagmabagsak niya sa akin ay tumakbo na ito sa likod ni nanay na nanonood. Tumatawa naman siya sa amin.
" Ash sabi ko naman saiyo wag mo akong sinisimulan..." tawa niya.
"Oh ano masarap ba magswimming?" tanong pa niya na ayaw tumigil sa kakatawa.
"Makakaganti din ako saiyong bakla ka..." mabilis akong umahon at walang sabi-sabing naghubad ako sa harap nila ni inay... Sanay naman na ang mga ito sa akin na rumarampa sa harap nila pero ngayon gaganti ako sa kanya.
"Ash, Yuhooo... Nanay... Gel..." isang tawag ang narinig namin sa labas... Dali-daling tumakbo palabas ng kusina ai Rogelio... Sumunod ako dito na nakapanty at nakabra lang.
"Anak magdamit ka muna... " sabi ni inay.
" Don't worry inay si Camille lang iyan. At may maipagmamalaki naman ako kung sakali... "sabi ko dito na kinindatan pa.