Ashlee POV "Wife umuwi ka na muna. Ako nalang ang magbabantay kay Hash." sabi sa akin ng aking asawa. Simula nagkasagutan kami ni Gel ay hindi na ako mapakali. Feeling ko kapag iniwan ko siya ay mawawala na din siya sa amin... "Dito lang ako..." sabi ko... "Hinahanap ka na din ni Hale wife. You need to go home para makapagpahinga ka..." umiling-iling ako. "No Tart, kukunin nila si Hash kapag umalis ako kaya dito lang ako." tinitigan ako nito. Baka isipin niya nababaliw na naman ako. "Wife okay ka lang ba?" bigla niyang tanong. "Okay lang ako Hammer..." "We will just tell ate ( yaya) na dalhin dito si Hale bukas kung ayaw mong umuwi para makita din siya ni Hash..." nasabi na lamang niya. "Kailangan mo ding matulog kahit konti wife baka ikaw naman ang magkasakit." paalala pa niya. "

