Chapter 11

1982 Words
"Getting over a painful experience is much like crossing monkey bars. You have to let go at some point in order to move forward." Ashlee Pov Mula nong pumunta sa bahay namin si Boss ay umiwas na ito. Hindi ko alam kung bakit. Nakikita ko siya sa resort pero hindi na ito katulad ng dati. "Ashlee ilang araw na lang matatapos na kayong mag-OJT. Ano ang sunod na plano mo?" tanong ni mam Jenny. "Subukan ko pong magpasa ng requirements dito mam. Hiring pa naman sila. Baka palarin ako. " sabi ko. Natatakot na akong magbiro sa kanya baka makunan pa. " Sigurado naman ako na makukuha ka, dahil mabilis ka namang matuto and very hardworking ka." sabi nito. "Sana nga po mam." "Nagfile din kasi ako ng leave. Kailangan kong magrest maarte si Baby." haplos niya sa tiyan niya. " Ilang buwan na po ba yan mam?" " 3 months na. Ikaw bakit di pa kayo nagpapakasal ng boyfriend mo? " tanonv nito. "Ah, hehe... Wala pa po sa plano." wala naman kasi akong boyfriend. Nasabi ko sa sarili ko. " Sabagay mahirap buhay may asawa." sang-ayon niya. Ganon lang lumilipas ang oras namin tuwing nasa trabaho kami. Hindi na din ako pinalipat sa ibang department dahil mas kailangan daw niya ang makakasama kasi nga buntis. Dumaan pa ang dalawang araw... "May pakain ang CEO para sa inyo mga interns... Gaganapin ito sa isang bar. Kaya sana makapunta kayo." anunsiyo ng secretary niya. "And one more thing, Ms. Ashlee we need to discuss something to you." baling niya sa akin. "Ako po? Saan?" tanong ko. "In my office..." maikling sagot saka umalis... "Wait, ngayon na po ba?" tanong ko na naman. "Nasa saiyo Ms. Ashlee kung ipagpabukas mo pa." pilosopong sagot niya. "And may tip ako sa inyo ladies and gentlemen." "Ladies and gentlemen, kita-kita nalang tayo mamayang gabi sa Tan's Tambayan at 8..." tumalikod na ito... "Yeeesss... let's party-party..." sigaw ni Monique. "Tan's Tambayan, mga mayayaman lang kaya ang nakakapunta don." sabi naman ng isa. Hindi na ako nakisali pa. "Alis muna ako ah, sundan ko lang si mam secretary." wala naman silang reaction kaya tumuloy nalang ako. Iniisip ko kung bakit ako pinatawag... May kinuha muna ito sa office niya bago kami bumaba ulit sa HR. "Hi Rona, siya ba?" tanong ng isa. "Siya ang nakahandle dito sa HR." bulong niya. Sakto namang pumasok si Mam Jenny. "Jenny, Rona and Ms. Ashlee please take a seat." "Mr. HR pati po ba ako kasali?" tanong ko. Ngumiti siya. "It seems like Hammer is right about your personality." saad niya. " Ashlee we received your application. And you applied the position of a secretary..." panimula niya. "Due to personal matter, Ms. Rona and Ms. Jenny filed a leave so we are urgently looking for a temporary replacement. And it seems like you are the suitable person among of all your colleagues..." napatingin ako sa dalawa... "Aalis ka din po mam Rona?" baling ko naman sa isa. "Yeah..." pinakita niya ang ring finger niya... "Wow ikakasal ka na po mam? Congrats po." "This will serve as your interview Ms. Ashlee so focus. I will ask you some questions." Wika ng HR head. "HR: Why did you apply for this secretarial/administrative position?" "I am aware that you are passionate about sustainability as a business and this was one of the first aspects that attracted me to your company. It's hard for me to get an experienced but I learn a lot of things while I am just an intern here. And I know, I can do my job properly. I took an active role to all my responsibilities, sourcing recyclable office materials and encouraging employees to be more environmentally friendly." "What do you think are the most important skills a secretary should have?" "I believe that the role of a secretary is an integral part of any office environment and that you need to be an all-rounder with the ability to multitask and adapt where necessary. I have a proven track record of planning and organisational skills and pride myself on my reliability and dedication to the job at hand." napatango-tango ito. "What are your main motivations to succeed at work?" "I believe self-motivation is the key to being a good secretary and, as a self-disciplined individual, I am able to successfully inspire myself. That being said, I am also driven and want to be able to progress within a company, and I find that demonstrating high-quality work is the best way to achieve this. " "What are your main strengths and weaknesses?" "I believe my main strengths lie in my ability to adapt to changing situations. I am aware that the role of a secretary is a varied one and I pride myself on being flexible, a fast learner and having the ability to prioritise my own workload. " "Where do you see yourself in five years’ time?" "My goal right now is to find a position where I can utilise my skills and grow as an employee by taking on new and exciting challenges. Ultimately, I want to work for an organisation that encourages career progression as I assume more responsibilities and prove my worth over time. " "Last question Ms. Ashlee." "Sige po Mr. HR." kinakabahan ako. Ngayon lang ako nag-apply ng trabaho na ganito. Para akong mamamatay. Mauubusan din yata ako ng baon na english. "Do you have boyfriend?" mabilis kaming napatingin sa kanya. "Wala yata yan sa interview Sir ah." tanong ni mam Jenny. "Hehe, wa-... meron po Sir." sagot ko. Muntikan na ako don ah. "Sayang, Anyway that's all for today. And our CEO will decide if he can hire you right away or we will find another one. He is watching you over there." Turo niya sa isang kwarto na natatakpan ng screen ang bintana. "You did a great job Ashlee." saad naman ni Mam Jenny at mam Rona. "Okay that's all, and see you this evening. Dismissed!" tumayo na ang HR kaya tumayo na din ako. "Kapag ikaw ang nakuha, sana pagkapanganak ko, andito ka pa rin." saad pa ng isa. "Mam bakit po pala ako di ba dapat iyong mga nagtatrabaho na dito ang mag-o-occupy ng mga vacancies?" tanong ko. "Ang rules dito ay kung sino ang suitable para sa trabaho ay siya ang mahahire. And of course madami kayong nagpasa ng application." paliwanag niya. "Papalarin kaya ako mam?" kinakabahang tanong ko. "We don't know yet but we are hoping. You have yjis qualifications na wala sa iba kaya be confident." Sagot ni mam Rona. "You go ahead now, this is your farewell party as an intern so be extra beautiful today." nangingiting sabi naman ni mam Jenny. "She's already beautiful Jenny. Kaya no need na sa kanya ang magpaganda." kindat naman ng isa. "Hehe, salamat po. Sige, maghahanda na din po ako. Wala din kasi akong maisusuot." paalam ko. "Ash dito." tawag sa akin ni Cams nong lalagpasan ko na sana ang isang kumpol ng mga kapwa ko intern. "Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko. "Panoorin mo. Yan daw iyong babaeng nang-iwan kay sir Hammer." turo niya sa television. Nakikita ko na araw-araw ang mga pictures nito. Kaya kilala ko na siya. And laging ikinikwento ito ni mam Jenny. Pero iba pala talaga ang mukha niya kapag nasa tv na ito. Binasa ko ang nakasulat sa news. "THE RUNAWAY BRIDE/ HEIRESS" pero hindi ako kontento kaya nagsearch ako ng about sa kanya. It's been 5 years when the daughter of don Ahmad Al Saud disappeared in a mall. No one knows what happened to her or where did she go at that time. But a few days ago someone spotted her in a mall with an adorable kid together with her father and a mistress. We invited them to have an interview and now we found out that the wife of don is a Filipina. To make it short, Ms. Yanna Del Castillo Al Saud stayed to her mother for a long time but later on Don Ahmad followed them. We ask her about the kid she was with... And she admitted that this child is her own flesh and blood. She didn't say anything about her lover so we never tried to open up again. They deserve to keep their personal affairs after all." "Anak pala siya ng Don?" "Wow ang yaman pala niya..." "At ang cute ng anak nila ni sir Hammer." Napansin ko sa di kalayuan si Boss. Susundan ko sana ito ngunit mabilis siyang umalis pagkakita sa akin. Nakakaawa siya, pero kailangan niyang pakawalan ang taong hindi para sa kanya. "Cams wala akong maisusuot mamaya. Hindi ako nagdala ng kahit formal dress man lang." saad ko. "Ay oo nga pala, tumawag si Gel kanina. Sinabihan ko na siyang huwag niya tayong sunduin." "Oo nakakahiya din naman sa tao kung aabalahin pa natin siya."sabi ko. "Sabi niya magpapadala nalang daw siya ng susuutin natin. May pupuntahan pa daw kasi siya mamaya kaya sakto lang daw." "Saan naman kaya pupunta iyon?" tanong ko. "Wala namang sinabi. Pero alam mo Ash parang may ibang gusto na naman iyang baklang yan." "Hmpt, baka manlalalaki kamo Cams..." natatawang saad ko. "Hindi na siya nadala, pero Ash maganda sana kung andito siya no?" "Bakit naman?" "Para siya mag-ayos sa atin. Nakakabilib kasi siya mag-makeup..." " Sino ba naman ang di gagaling kung pinag-aralan talaga niya para lang matuto." "Ang swerte niya Ash kasi may kaya ang pamilya niya pero kamalas ng magulang niya dahil bakla siya..." nanghihinayang niyang sabi. " Ako nga din Cams nanghihinayang, pero wala tayong magagawa kundi suportahan siya. Kaibigan natin eh..." wika ko naman. "Siya nga pala Cams, tapos naman na ang OJT natin. Pwede siguro tayong umikot saglit dito. Alam naman ni Gel kung anong tipo nating mga damit. Kaya kampante na ako." nag-isip muna ito. "Sige pero saglit lang. Magsashower lang ako." nagbrowse muna ako sa f*******: account ko habang inaantay siya. Nagbihis narin ako. Isang summer dress ang sinuot ko na kulay mint green na pinaresan ko ng White short sa loob. Isearch ko nga pala ang f*******: ni Boss, hihi... "Hammer..." ay tanga... hindi ko pa pala alam ang apilyedo niya. "Cams, tapos ka na ba?" sigaw ko sa labas ng banyo. Dadalawa lang kaso kami ngayon dahil ang mga karoom namin ay busy na sa paglalakwatsa. "Sandali nalang..." sigaw naman niya sa kabilang pinto. "Alam mo ba kung anong apilyedo ni boss." tanong ko "Ano? hindi kita marinig." "Apilyedo ni boss kako, alam mo ba?" biglang bumukas ang pinto. "Jusko naman Ash... Hindi na ba makapag-antay yan?" bungad niya. "Para tinatanong lang kung ano apilyedo ni boss eh." "Aba malay ko, Ikaw ang laging kasama ng mga nasa taas, sa akin mo tatanungin..." asar na sagot nito. "Tabi ka nga diyan magbibihis ako." nilagpasan ako nito. "Hoy Cams, ang sungit mo kurutin ko singit mo diyan eh. "lalapitan ko sana siya pero umiwas ito Dahilan ng pagkakalaglag ng tuwalya na nakabalabal sa katawan nito... "Wow, ang ganda pala ng katawan mo Cams..." sabi ko dito. "Gaga, parang ngayon mo lang naman ako nakitang nakapanty at nakabra..." pakendeng-kendeng itong naglakad sa harap ko... "Aha... yabang Cams ah... Antay ka lang..." tinanggal ko din ang suot kong damit pati ang short. Nakapanty at nakabra nalang kaming pareho. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog ng music na pangrampa... "Okay let us welcome our candidate number one. Camille. " umintrada ito na parang nasa ibabaw ng stage... "One, two, three pak..." "One, two, three pak." "Bakit may pabilang-bilang ka pang nalalaman." tanong ko. "Syempre nagpapraktis palang ako." sagot niya. "And now, let us welcome our candidate number 2. Ashlee." sigaw niya... Nagposing ako ng nagposing.. Hanggang sa mapaharap ako sa may pinto. At parang natunaw ako sa hiya nong makita ko kung ano ang meron sa may pinto... "Oh my God...."sigaw ni Camille, ako naman ay hindi agad nakakilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD