Naging mabilis ang training nila. Madali niyang nakukuha ang bawat tinuturo ni Speed Racer. Sumubok na rin sila sa iba’t ibang kompetisyon at siya palagi ang nauuna sa larangan ng sports na pinasok. Nakilala na rin sila sa bansa dahil din sa impluwensiya ni Speed Racer sa tao. At siya ang tinaguriang The Second Speed Racer ng taon.
Maraming nagkukumahog na mga fans ang gusto siyang masilayan. Sandamakmak din ang mga regalo ng mga fans sa kanila. Ang iba ay nagbibigay ng mga mamahaling gamit, tulad na lamang ng cellphone na noon ay pangarap niya rin bilhin. Ngayon ay bigay ng isang avid fan niya. May mga love letters pang kalakip sa bawat regalo na natanggap nilang anim.
Natatawa lamang sila sa mga nababasa na mensahe.
“Dude! Basahin mo ito, para kay Porsche!” masayang saad ni Bugatti.
“Bakit anong sabi, dude?” tanong naman ni Audi rito.
“Ang sabi kasi sa sulat. Pakasalan mo ako, Porsche. Lahat nang pamana ng magulang ko sa aking babuyan ay ibibigay ko sa iyo! Please be mine!” pagsasadula pa ni Bugatti habang binabasa ang mensahe.
“Eh, kanino raw ba galing iyan? May nakalagay na pangalan?” curious na tanong ni Austin. Kapag mga ganoon mensahe na agad nakuha atensyon niya. As much as possible he wants his friends to focus on sports not to mingle.
Malakas na tumawa si Bugatti.
Kunot-noo naman ang lahat sa naging reaksyon nito.
“Hoy, gago! Sabihin mo na kung sino ang sender. Huwag kang tawa ng tawa riyan!” asar na turan ni Porsche. Excited kasi siyang malaman baka meant to be na ito para sa kanya.
Sinapok nito ang kaibigan na hindi pa rin matigil kakatawa. Sa huli inagaw ni Austin ang liham at siya ang nagbasa. Sa una natawa siya bago niya isiniwalat kung sino ang sender.
“Nagmamahal, Fernando Matcho,” pagtatapos ni Austin sa liham na binasa.
Nagtawanan ang lahat dahil doon. Hindi naman maipinta ang mukha ni Porsche.
“Kahit kailan talaga, dude, habulin ka pa rin ng kabaro natin!” anas ni Bryan.
“Tangina n`yo. Kapag ako nakabasa rin ng mga ka-bromance sa liham ninyo, humanda kayo. Diyan na nga kayo, may lakad pa ako. Babalik na lang ako mamayang gabi.” Tinalikuran na sila ng kaibigan.
Kahit naman umaani na sila ng limpak na pera hindi pa rin sila pinayagan ni Speed Racer na umalis ng bahay nito. Sa katunayan nakabili na si Austin ng bahay para sa kanya. Sa mga naipon na pera mula sa pagkapanalo. Hanggang bisita at isang gabi lamang siya sa kanyang bahay. Ayaw niya muna rin iwan si Speed Racer. Sa tatlong taon nilang pagsasama sa isang bahay, nasanay na rin sila na nagkikita-kita sa tuwing uuwi ang mga ito mula sa kompetisyon sa abroad. Sa ngayon sila lamang ang naroon dahil wala si Benz at Audi. Kasalukuyan silang nasa Europa kasama si Speed Racer. May laban ang dalawa niyang kaibigan doon. Hindi sila nakapunta dahil may kanya-kanya na ring inaasikasong business ang mga kasama niya. Maging siya ay mayroon na ring negosyo. Isang car parts business ang nagustuhan niyang negosyo.
Sa edad na bente singko, masasabi niyang successful na siya. Karamihan nagsasabi sa kanya na asawa na lamang o girlfriend ang kulang pero wala iyon sa isip niya. Wala siyang panahon para roon. Masaya na siyang loner at kasama lamang ay mga kaibigan niya at maging si Speed Racer.
Sa tuwing nasa bansa si Austin at walang kompetisyon, inaabala lamang niya ang sarili sa negosyo. May personal assistance siya na madalas ito ang nag-aayos ng schedule niya.
Habang abala siya sa pagsalansan ng mga car parts sa estante na bagong deliver sa store niya, biglang nag-ring ang kanyang telepono. Agad niya iyong dinukot sa bulsa ng pantalon habang sinusuri isa-isa ang bawat items na inaayos.
“Hello,” hindi niya tiningnan ang caller kung sino dahil isa lang naman ang tumatawag sa kanya kahit busy siya. Ang personal assistant niya na si Mando Lagman.
“Hello, boss, may humahamon po sa ’yo ng karera, mamayang gabi. Sa Macapagal Road ang venue! Payag ka?” imporma ni Mando sa kanya.
Sa narinig na venue parang biglang bumalik ang alaala niya noong nagsisimula pa lamang sila. Ang lugar kung saan niya nakilala ang taong tumulong magbago ng buhay niya.
Mabilis siyang pumayag sa alok. Mukhang friendly race lang naman kaya hindi na siya tumanggi pa.
“Sige, sino ba makakalaban?” tanong niya rito.
“Si Pacifico Perpekto, gusto niya kasi ng kaunting warm up daw. Dahil may kompetisyon siya next week. Kilala mo naman siya, ‘di ba? Okay lang ba sa ’yo? Thirty thousand ang pusta. Deal ko na ba ito?”
“Sige,” maikling sagot niya.
Excited ang binata sa magiging friendly race nila. It’s been a long time since nangyari ang pagtatagpo nila ng amain ng grupo. Ngayon babalik siya hindi para manood, siya ang panonoorin ng tao.
Mabilis lumipas ang oras at sakto naman nakagayak na siya. Alas nuebe ang usapan sa venue.
“Boss, ready ka na?”
“Let’s go!” aya niya sa tauhan.
May isang bodyguard na kasunod sa kanila. Kaya tatlo silang tutungo sa venue.
Excited ang binata sa mangyayari. Next week pa naman ang kompetisyon niya, tama lang na mag-ensayo siya muli sa lugar na pinanggalingan ng lahat.
Ilang sandali pa ay narating nila ang Macapagal road. It feels like deja vu. Hindi pa man siya bumaba ang sasakyan, nagtitilian na ang mga kababaihan.
“Wah! Austin, ang guwapo mo? Buntisin mo na ako!” sigaw ng isang fans na babae.
Natawa si Mando sa narinig.
“Boss, buntisin mo na raw,” natatawa ng turan nito sa binata.
Umiling lamang na nakangiti si Austin.
Lumapit sila sa grupo ni Pacifico.
“Magandang gabi, idol. Salamat sa paunlak mong friendly game race ngayon. Hindi ko akalain na mabait ka pala at mabilis pumayag sa alok ko. Sana noon ko pa ginawa na ayain ka mag-ensayo,” nagagalak na wika ni Pacifico.
“Salamat sa pag-imbita mo, medyo memorable lang din kasi ang venue kaya mabilis akong pumayag. So, let’s start? Bago pa lumalim ang gabi,” aniya sa kausap. Hindi pinapansin ang tilian ng mga fans. Nakatuon ang Isip ng binata sa memorya ng lugar. Hindi niya makakalimutan ang lugar na iyon.
Agad naman sinimulan ang karera nila, lahat nagpupustahan dahil pareho ng magaling na car racer ang nagpaligsahan sa kahabaan ng Macapagal road.
At sa huli hinirang na kampyon si Austin.
“Grabe, hindi kita maabutan. Ang bilis mo! Congrats, pare! Isa ka ngang tunay na hero ng kalsada. Ang galing!” manghang bati ni Pacifico sa kanya.
Nagkayayaan ang lahat na mag-celebrate sa bar. Dahil sa bonding na rin at masaya ang grupo ng gabing iyon dahil kay Austin. Bihira kasing makisalamuha ang binata dahil abala rin siya sa halos linggo-linggo na competition. Ito ang unang beses na pinagbigyan niya ang grupo ng medyo mababang rank sa kanya.
Habang nagkakasiyahan ang lahat hindi namalayan ni Austin na may naglagay ng pampalasing at pampatulog sa alak n’ya. Lahat ay masaya at hindi pansin ang bawat isa kung ano na ang nangyayari.
Hanggang sa nag-excuse siya para pumunta sa comfort room.
Habang naglalakad patungo roon, gumegewang na siya at nanlalabo ang paningin. Pilit ina-aninag ang daan patungo sa banyo para makapaghilamos na rin. Mukhang malakas ang tama ng alak sa kanya. Sa isip niya pa.
Bago siya makarating sa comfort room, bumulagta na lamang siya sa sahig.
Agad siyang binuhat ng kung sino at dinala sa malapit na hotel sa bar.
Nagising si Austin na medyo masakit ang ulo dahil sa kalasingan. Mapungay ang mga mata niya nang magmulat siya, pero ganoon na lamang ang panlalaki niyon nang mabungaran ang likuran ng hubad na babae.
Tiningnan niya rin ang sarili at nagising ng husto ang kanyang diwa dahil wala rin siyang saplot sa katawan. Binalingan niyang muli ang katabing babae, pero nahulog siya sa kama nang humarap ito sa kanya.
“S-sino ka? Bakit katabi kita matulog, ha, halimaw!” galit niyang tanong sa babae.
Nahihiya itong bumangon habang nakapulupot ang kumot sa hubad nitong katawan.
“A-ako nga pala si Nimfa. Nimfa Manansala ang babaeng umiibig at handang pakasalan ka,” sagot ng dalaga na nauutal at nahihiya kay Austin.
Para namang bomba ang salitang iyon para kay Austin. Mabilis niyang hinagilap ang mga damit at nagbihis siya. Ayaw niyang makapanakit ng babae kaya iiwas na lamang siya. Walang pakialam kung nakatingin sa kanya ang babaeng sunog ang kalahating mukha. Hindi matanggap ng binata na sa isang gabi ng pagsasaya niya ay may pipikot na babaeng halimaw sa kanya.
“You’re crazy! Here, take this. Alam kong pera lang ang habol mo sa akin. I can’t marry you. I don’t want woman in my life,” malamig niyang saad sa babae at hinagis ang lilibuhin pera mula sa wallet niya.
Mabilis siyang naglakad palabas ng kuwarto, but to his surprise, media are all over outside the room. They were taking photos of him.