Nasilaw siya sa mga kislap ng ilaw sa flash ng camera na nakatutok sa kanya mula sa mga media. Hindi niya masilayan ang lahat dahil sa pagkabigla ng mga pangyayari. Parang kagabi lamang ay masaya siya, ngayon isang bangungot ang bumungad sa umaga niya.
“Sir Austin, maaari po ba namin kayong ma-interview? Ano po ang ginagawa ninyo rito sa hotel? May kasintahan na po ba kayo at kasama ninyo rito? Maaari rin ba namin siyang makilala?” rinig niyang magkakasunod na tanong ng isang reporter.
Galit ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kaya minabuti niya na lamang huwag magsalita at umiwas sa mga ito. Akma siyang dadaan sa kabilang bahagi na hindi masyadong okupado ng mga reporter, ng may biglang yumakap sa beywang niya mula sa likuran.
“Honey, don't leave me, please,” wika ng malambing na boses.
Nakilala niya agad ang boses na iyon at mabilis na inalis ang mga braso nitong nakapulupot sa beywang niya.
Magkakasunod ang flash ng camera ang nagpasilaw muli sa kanyang mga mata.
“Ma'am Nimfa? Ikaw po ba iyan? Kayo po ang kasintahan, ni Sir Austin?” pag-kumpirma ng isang reporter sa babaeng kasama niya.
Hindi niya akalain kilala rin pala ang halimaw na babaeng nakayakap pa rin ng mahigpit sa beywang niya. Halos pumutok na ang bunbunan niya sa galit at namumula na rin ang kanyang mukha sa pagtitimpi. Ayaw niyang gumawa ng eksena dahil alam niyang ikasisira niya iyon.
Kilala siya bilang mabait at magaling na car racer, pero hindi sa oras na iyon. Gusto niya ng sumabog sa galit pero pinipigilan pa rin ng husto ang kanyang sarili.
“He's my fiancé,” malinaw niyang narinig na sinagot ng babae sa reporter.
Nilingon niya ito dahil nakatalikod pa rin siya rito.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng sa kanya ito nakatingin.
“Right, honey? We're getting married, soon?” pag-kumpirma ng tanong sa kanya ng babaeng nagngangalang Nimfa.
“What?” hindi niya maiwasan mairita at medyo may kalakasan ang boses niya.
Naudlot ang pagsagot ng dalaga sa kanya dahil dumating ang ilang hotel personnel at pinaalis ang mga media na nanggugulo sa kanila.
“We're very sorry, Ma'am, Sir. Hindi po namin napigilan ang mga media na pumasok dito. Nagulat na lamang po kami, lumusob sila rito sa ganitong kaaga. Okay lang po ba kayo? Hindi naman po ba kayo sinaktan at pinuwersa ng mga taga-media?”
“It's okay, hindi naman kami nasaktan, ng fiancé ko. Just make sure next time hindi na ito mauulit. Mag-chi-check out na rin kami mamaya. Paki-prepare naman ng breakfast namin. Please,”
“Wait!”
“Ma'am, ano po ang breakfast na gusto ninyo?”
Magkasabay na sagot niya at ng hotel staff. Hindi siya makasingit dahil okupado ng husto ang utak n'ya. Yakap din siya ng mahigpit ng dalaga.
“Just give us the best food you have here in your hotel. Thank you,”
Muling sagot ng babaeng magaling magmanipula sa kanya. Sa tanang buhay niya walang gumawa noon sa kanya, ngayon lang. At sa isang pangit pang babae siya napunta.
“Okay, Ma'am, we'll prepare it and bring it here. Again, we’re sorry about what happened earlier. We’re leaving for a while to get your order, Ma’am,”
Nang makaalis ang staff ng hotel agad niyang hinarap ang babaeng pangit. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. Gusto niya suntukin ito pero nagtitimpi lamang siya. Babae pa rin naman ito, at hindi niya kayang manakit ng babae. Pero sa ginawa ng kaharap niya ngayon, siguro magiging brutal siya sa p*******t ng babae.
“Who the hell are you manipulating me? And who told you that I'm your fiancé? I don't know you, b***h. Back off! You don't know the hell out of me!” galit at malamig niyang tugon sa babae at iniwan ito na nakatanga sa hallway ng hotel.
Wala siyang pakialam kung sino ang babaeng iyon. Ang importante sa kanya malinis ang pangalan niya sa mga media na kumuha ng kanyang mga litrato. At sabihin sa mga itong hindi totoo ang sinabi ng halimaw na babaeng iyon.
While walking to leave the hotel, he took his phone from his pocket. He was about to dial the number of his assistant but suddenly his mobile phone, rang.
Kinabahan siya dahil ang kanyang amain ang tumatawag, si Speed Racer.
“Hello, Tito, kumusta po?” magalang niyang sagot sa kabilang linya.
“Ano itong nabalitaan kong may dinala kang babae sa hotel at fiancé mo raw? Sino ang babaeng iyon, Austin?”
Nagulat siya sa bungad na tanong nito. Parang may bumara sa lalamunan niya at hindi siya agad nakapag-salita.
“I'm asking you, young man. Who is that woman?”
Nakakatakot na ang boses nito dahil seryoso at malamig na kung magsalita.
“T-tito, I'll fix this. Hindi po totoo iyon. Isa lamang avid fan na gusto akong makasama. Pero rest assured hindi ko po siya ginalaw,” sa kanyang sinabi kahit ang sarili niya ay ayaw maniwala sa mga lumalabas sa bibig niya.
Paanong hindi ginalaw, huboʼt hubad sila ng babaeng halimaw na iyon. Mariing habilin ng kanyang amain na, si Speed Racer, huwag magpapalinlang sa mga babae. Dahil sa naging karanasan nito noon sa dating kasintahan, tila galit na ito sa lahat ng kababaihan. At ngayon nga ay mukhang masasampulan siya nito dahil sa kapabayaan niya.
Kahit anong pag-iingat ang gawin, kung mayroon talagang gustong sumira sa iyo, mangyayari at mangyayari talaga sa kahit na sino.
“Umuwi ka rito sa bahay at pag-usapan natin ang issue mo,” iyon lang at agad nawala ang kausap sa kabilang linya.
Kabado siya dahil baka pagalitan at worst alisin siya sa team ng kanilang amain. Hindi niya matatanggap iyon. Dahil sa buong buhay, ginugol niya lahat ng oras para lamang maging top one sa car racing. At masisira lang ng isang iglap dahil sa babaeng halimaw.
Mabilis siyang nakalabas ng hotel. May ilan pang taga-media ang naroon at tila inaabangan siya ng mga ito. Mabuti na lamang at mabilis niyang nalapitan ang kanyang kotse. Bago pa man makalapit ang mga ito sa kanya, mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.
“s**t! Tangina lang, paano ako napunta lugar na iyon? Sinong hudas ang gumawa sa akin, noon?” hindi niya mapigilan magalit at sinuntok pa ang manibela dahil sa pagkadismaya sa sarili.
“Damn it!” mula niyang pagmumura at sinuntok muli ang manibela sanhi na tumunog ang busina nito. Sakto naman naka-red light ang traffic light sa kalsada.
Habang naghihintay siya na mag-go ang signal, napabaling ang tingin niya sa binatilyo ng may tinda na mga dyaryo.
Inaninag niya ang Frontpage nito dahil mukhang familiar ang nasa larawan. At gano'n na lamang ang pagpupuyos ng galit niya — siya at ang babaeng halimaw ang nasa larawan.
“f**k! Damn it! Ang bilis ng tabloid! Tangina, sino man ang may kagagawan nito, magtago na siya sa pinanggalingan niya. Ibabaon ko siya ng buhay!” halos magwala na siya sa loob ng sasakyan niya.
Ilang segundo pa at umarangkada na ang ibang sasakyan sa Edsa. Habang siya halos hindi makapag-drive dahil sa galit na gustong-gusto niya ng ilabas.
Ilang minuto lang sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ng sasakyan,narating niya agad ang bahay ng kanyang amain. Sa bungad pa lang ng pinto naroon na ang mga kaibigan niya at sa itsura pa lang ng mga ito mukhang alam na ang issue tungkol sa kanya. Hindi na siya magtataka dahil kung si Speed Racer ay nalaman agad ang kanyang pagkakamali, ano pa kaya ang mga kaibigan na lahat ng mga galaw nilang anim ay alam ng lahat. Walang sekreto sa grupo nila.
“Bro, ano ba nangyari?” bungad agad sa kanya ni Bryan.
“Oo nga, Bro. hindi ba woman hater ka? Papatol ka lang sa babae, pangit pa? Ano ba nangyayari sa iyo?” segunda naman ni Audi.
Wala siyang maisagot sa mga kaibigan dahil maski siya ay walang alam sa mga nangyari. Alam niya lang lasing siya ng nakaraang gabi dahil sa selebrasyon nila sa pagkapanalo sa karera pero paggising niya, may katabi na siyang babae.
“Austin, follow me to the library room,” narinig niyang sabi ng kanyang amain.
Tinapik siya sa balikat ng mga kaibigan at saka siya sumunod kay Speed Racer. Tila naunawaan naman siya ng mga ito kung hindi niya nasagot ang mga tanong nila. Wala pa siya sa tamang pag-iisip sa mga oras na iyon. Still after shock pa rin siya sa nangyayari. He wished not to see that woman again.
He knocked the door before entering the library room bilang paggalang sa kanyang amain. Iyon din kasi ang turo sa kanila, huwag basta papasok ng kuwarto ng hindi kumakatok.
“Sit down,”
Mabilis siyang umupo sa upuan na nakaharap sa lamesa ni Speed Racer. Kung may kinakatakutan siya sa buhay niya, iyon ay ang kanilang amain. Malaki ang utang na loob niya rito.
“Tito,” una niyang binasag ang katahimikan nilang dalawa.
Pinagmamasdan kasi siya ng matanda. Pakiramdam niya inaarok ang pagkatao niya sa mga oras na iyon. Ganoon madalas kapag seryoso ang kanilang amain. Kaya natatakot siya sa tuwing ito ay nagagalit.
“Kilala mo ba ang babaeng kasama mo sa hotel?”
“H-hindi po, Tito. ang totoo po niyan, hindi ko po alam ano ang nangyari kagabi. Nagulat na lang ako katabi ko na siya sa kama ng walang saplot,”
Tinitigan siya ng mariin ni Speed Racer bago ito nagsalitang muli.
“Nimfa Manansala, ay anak ng mayamang negosyante dito sa buong lungsod. Anak siya ng tusong bilyonaryo,” wika nito habang binabasa ang isang news paper na siya ang front headline.
Medyo nagulat siya sa impormasyong nalaman. Nagtataka kasi siya, kung anak mayaman ang dalaga, bakit hindi man lang maipa-plastic surgery ang mukha nito.
“Hindi ko po alam, Tito,”
“Ano ang gagawin mo ngayon? Sigurado ako, sa mga oras na ito, alam na ng pamilya ng dalaga ang nangyari sa inyo. Kaya mo bang panindigan si Nimfa?”
Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa amain. Pakiramdam niya, may binabalak itong plano para sa kanya. At hindi siya papayag doon.
“Wala po akong plano, Tito. And besides, hindi ko naman siya pinilit sumama sa akin sa hotel. At lasing ako noon,” hindi niya na alam ang lumalabas sa kanyang bibig.
Malakas ang kabog ng dibdib niya sa kaba. Wala sa bokabularyo niyang panagutan ang sino mang babae na pumipikot sa kanya. Ayaw niya sa mga babae, dahil alam niya isa ito sa mga sisira ng kanyang mga pangarap kagaya na lamang sa kanilang amain na si Speed Racer.
Tumango lamang si Speed Racer sa kanya.
“Magpahinga ka na muna. Hintayin na lang natin kung ano ang magiging reaction ng ama ni Nimfa. I can’t assure na magigigng madali ang problemang pinasok mo, Austin. May tendency na masira ang racing career mo. Kabilin-bilinan ko lagi, mag-ingat sa mga babaeng lumalapit sa inyo,”
“Nag-iingat naman po ako, Tito. Sadyang hindi ko lang po talaga alam ano ang nangyari kagabi at bakit ako nakarating sa hotel,”
Sa mga sinabi niya tila duda ang kanyang amain. Kahit naman ito ay lasing alam ang mga ginagawa. At alam din nito na hindi siya nakakalimot sa mga nangyayari kahit lasing siya.
“Sigurado ka?”
“Tito, kilala mo naman ako. Kahit gaano ako kalasing alam ko pa rin ang ginagawa ko. Pero ang nangyari kagabi ay tila nawalan ako ng malay, kaya hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari,”
“Okay, I believe in you. Kailangan nating imbestigahan ang nangyari. Otherwise masisisra ang career mo,”
“Salamat po, Tito sa tiwala. Hindi ko po alam ang gagawin ko ngayon. Ang bilis ng mga pangyayari,”
“No problem. Magpahinga ka na muna at i-relax mo muna ang iyong isip. Hintayin na lang muna natin ang mga mangyayari. Mas mabuti pang huwag ka munang lumabas para walang pressure sa iyo. I’m sure, susugod ang mga media sa bahay mo,”
Hindi naman kaila sa media kung saan siya nakatira. Dahil lahat sila ng mga kaibigan ay natunton ng mga ito ang kanilang mga bahay. Pero ang hindi alam ng mga ito na tumutuloy sila sa bahay ni Speed Racer. Kaya siguro doon siya pinauwi ng kanyang amain dahil alam nito ang mangyayari.
“Salamat po, Tito,”
“You can go now to your room. Kailangan ko muna mag-isip ng maaring counterpart natin oras na umalma ang ama ni Nimfa,”
Hindi na siya sumagot at nagpaalam na lamang sa amain. Wala siya sa tamang pag-iisip para sagutin ito sa naging topic nila. Lutang siyang talaga sa mga nangyayari.