TATLONG araw ang lumipas. Hindi siya pinayagan lumabas nang bahay ni Speed Racer. Puro negative news ang napapanood niya maging sa mga tabloids. He was stressed all day. Madalas niya na lang itinutuon ang oras sa gym. Halos madurog niya na nga yata ang punching bag dahil sa lakas ng puwersa niya kung sumuntok.
He was trained as well by Bugatti. He knew martial arts and combat. Lahat ng oras ay ginugol niya lamang doon. Pero hindi niya inaasahan ang biglang bisita na dumating sa bahay ng kanyang amain.
Mukha itong strikto at sa suot pa lang, mai-intimidate ka na.
“Good morning, Sir, may kailangan po ba kayo? Tito Speed still in his room,”
Magalang niyang bungad rito. Pero pinagmasdan lamang siya ng may edad na lalaki at walang sabing umupo ito sa sofa kahit hindi niya inalok.
Nagkibit balikat na lamang siya. Malamang ay kilala iyon ng kanyang amain.
He was about to dial the phone number of Bryan when the old man spoke.
“Are you, Austin Martin Beko?” walang paligoy-ligoy itong nagtanong sa kanya.
He was stunned by what he said. Dahil hindi niya kilala ang kaharap. Hindi na rin naman lingid sa kanya na makilala siya ng kung sino, dahil isa siya sa sikat na car racer ng bansa.
“Opo. How may I help you?”
“You are an asshole, young lad!” nanggagalaiti nitong sigaw sa kanya.
Tila nabulahaw ang lahat ng tao sa kanilang bahay dahil maging si Speed Racer ay biglang lumabas ng silid nito.
“Mr. Manansala!” sigaw ng kanyang amain habang bumaba ng hagdan.
Hindi niya kasi napansin na pupukulin na siya ng matanda ng vase na nasa tabi nito. Nakatalikod kasi siya sa ginoo at nakabaling ang tingin sa kanyang amain.
“Don't do that, Sir. We can talk about the issue. Don't hurt that person,”
When Speed Racer reached the floor and talked again to the old man.
“Kailangan niyang mamatay! He ruined my daughter's reputation! Ano? Dahil pangit ang anak ko, gano'n mo na lang ibasura? I will sue you, Mr. Beko!”
Gumitna ang kanyang amain sa kanilang dalawa ng matanda.
Doon niya napagtanto kung sino ang kaharap kanina. Ito pala ang ama ng dalagang kasama niya sa hotel. Kaya pala ganoon ang tingin sa kanya at halos lamunin na siya ng buhay kung pagmasdan.
“Good morning po, Mr. Manansala. I'm sorry, I didn't recognize you, when you entered the house. My bad,”
“Asshole! Mayabang ka pala. Kaya hindi na ako magtataka kung gano'n mo na lang ibasura ang anak ko. Well, see you in court.” He was about to leave, but Speed Racer suddenly stopped him.
“Sir, with all due respect. Please calm down first, then we will talk about the issue of your daughter and my foster son,”
“Para saan pa? Hindi mo ba nakita kung gaano kahambog ang anak-anakan mo? Mr. Racer, I respected you, dahil idolo rin kita sa car racing. Pero kung makikiusap ka sa akin dahil lang sa walang kuwenta mong anak-anakan, salamat na lang. Magkita na lang kami sa korte,” Umalis ito agad at naiwan silang dalawa ng amain niya na hinatid na lamang ng tingin ang panauhin.
Napasapo sa noo si Speed Racer. Maging siya ay parang nanlumo sa narinig.
But he was confident that he would win the case. Wala siyang alam sa nangyari dahil lasing siya. He can defend it.
Pero sino nga ba ang niloloko niya? Kahit sino walang maniniwala sa alibi niya. Every drunk person knows what's happening to them. Lumang alibi na lamang ang sabihin na hindi niya alam ang nangyari dahil lasing siya.
“Prepare yourself, this issue is gonna be worse. Mahirap kalaban, si Mr. Manansala. Baka lahat ng ipinundar mo, ay mawala dahil lang sa nangyari sa inyo ng kanyang anak,”
“Pero, Tito, I already told you. Wala akong maalala sa nangyari!” hindi niya maiwasan ang sumigaw.
Frustrated siya ng husto. Pakiramdam niya mababaliw na siya dahil sa mga nababalita sa television, radio at maging sa mga tabloids. Hindi rin siya makauwi ng kanyang sariling bahay dahil pinuputakti iyon ng kanyang mga fans na galit sa kanya.
Minsan niyang sinubukan umuwi roon ng gabi, subalit binato ang sasakyan niya ng mga kamatis maging mga bulok na mga isda at kung ano-ano pang basura. May mga nabasa pa siyang mga plakards na ang nakasulat, “Nakakadiri ka! Go to hell, Martin!”
“Isa kang basurang bulok! Wala kang awa kahit sa babaeng may kapansanan ay nagawa mong molestiyahin!”
Ilan lamang sa mga nabasa niyang plakards. Gusto niya sanang sugurin ang mga iyon pero pinigilan siya ng mga kaibigan. Sinamahan kasi siya ng mga ito na umuwi. Pero hindi rin natuloy dahil sa tambak na basura sa tapat ng kanyang bahay. Halos isumpa siya ng mga tao dahil sa nangyari.
“Don't shout at me, Austin. Hindi ako ang kalaban mo rito,”
“S-Sorry po. Hindi ko lang na pigilan ang emosyon ko. Nakakagalit lang kasi talaga. Bakit ako ang sinisisi? Samantalang ako ang biktima rito. Hindi porke`t lalaki ako, kasalanan ko na agad ang nangyari. Hindi ba puwedeng ako ang minolestiya ng halimaw na babaeng iyon?”
“Enough! Walang mangyayari kahit magwala ka riyan. Mabuti pa ay huwag ka na munang umalis para sa competition sa Europe. Harapin mo muna itong issue,”
“Pero,Tito, hindi po ba, naka-schedule na iyon? Handa na ako sa karera!”
Sinipat muna siya ng amain bago sumagot sa kanya.
“As far as I want you to compete, but your problem with that woman would ruin your reputation to the team. Huwag ka naman maging selfish. Alam mong madadamay ang team kapag nagpumilit ka, hindi ba? Mahigpit na bawal sa car racing ay ang may issue ang bawat lalahok. Baka madisgrasya ka pa dahil wala sa ayos ang utak mo to drive the car. Huwag kang mag-alala pansamantala lang naman ito. Ayusin mo muna ang problema,”
“Pero, Tito. . .”
“Austin. . .”
Itinikom niya na lamang ang bibig dahil kapag gano'n na ang tawag sa kanya ng amain, alam niyang galit na ito sa kanya. Sa lahat ng ayaw niyang mangyari ay ang magalit ito sa kanya. Masyado niyang iginagalang ang ama-amahan dahil ito lamang ang nagbigay ng pag-asa sa kanya.
“Sorry po. Haharapin ko po ang problema,”
Tinapik siya sa balikat ni Speed Racer. Ramdam niyang may kakampi siya sa mga oras na iyon. Kailanman ay hindi sila pinabayaan ng kanilang ama-amahan. At naniniwala siyang maayos din ang kanyang problema.
Two days have passed, lumipad ang team nila tungo sa Europe. Siya at ang kanyang assistant lamang ang naiwan sa Pilipinas. Mahigpit na bilin ni Speed sa kanya ay tanggapin ang ano mang kaparusahan kung mapapatunayang guilty siya sa nangyari.
Huwag siyang gagawa ng bagay na lubos niyang ikakasira. At sa araw ding iyon ay dumating ang summon sa kanya mula sa korte. Pinapatawag umano siya ng judge dahil sa kasong kinasasangkutan niya.
Taas noo siyang tumungo sa justice hall. Kabilaan ang mga media at camera na nakatutok sa kanya. Pagbaba niya pa lang ng sasakyan agad na siyang sinalubong ng mga ito upang magtanong. Pero kahit isa ay wala siyang sinagot. Kasama niya rin si Ashley Montelebano. Ang abogado ng kanilang team. Ito ang lahat na nag-aasikaso ng mga legal matters sa team nila.
Sa kalagitnaan ng paglalakad niya tungo sa justice hall ng biglang may bumato sa kanya ng bulok na kamatis. Sumabog iyon mula ulo niya hanggang mukha. Mabuti na lamang at nakasuot siya ng shades at hindi napuruhan ang kanyang mata.
Magkakasunod na may bumato sa kanya kaya mabilis ang mga security na proteksyunan siya.
Nang makapasok sa loob ng justice hall, agad siyang binigyan ng panyo ng kanyang assistant na si Mando Lagman.
“Boss, ito po pamunas.” Abot nito sa kanya.
Agad niya itong kinuha at pinunas sa kanyang ulo at mukha. Masangsang ang amoy ng bulok na kamatis kaya hindi maiwasan na ang ilan sa mga taong naroroon ay nagtatakip ng ilong.
Matapos linisin ang sarili, inaya na siya ni Ashley to proceed inside the hearing court.
Bumulong pa ito sa kanya, “This war isn't easy, Mr. Beko. Prepare yourself for the result.”
Bumuntonghininga na lamang siya.
Pagpasok nila, bumungad agad ang masamang tingin ng ama ni Nimfa sa kanya. Kung nakamamatay lang ang tingin, marahil kanina pa siya bumulagta sa sahig.
“You're late!” masungit na untag nito.
“We are sorry for that, Mr. Manansala. Actually kanina pa kami sa labas. Pero sa hindi inaasahang. . .”
“Stop, explaining. He deserved that!” pagputol nito sa abogada niya.
Kumuyom ang kanyang mga kamao dahil sa galit.
Tingin yata ng matandang iyon ay isa lamang siyang tuta na madaling pasunurin.
“Okay let's proceed to the hearing,” pagbasag ng judge sa mainit na diskusyon nila ng kalaban.
Tahimik na sinunod niya ang sinabi ni Ashley sa kanya. Ayaw niyang pangunahan siya ng galit at baka iba ang magawa niya sa matandang masama kung tumingin sa kanya. Nasa tabi naman nito ang babaeng puno`t dulo ng gulo sa buhay niya. That's why he hated women dahil numero unong mapag-gawa ng issue.
“Mr. Beko, explain your side regarding the issue. Bago ko tanungin ang binibini,” unang bungad ng judge sa kanya.
Marahil sa kasarian niya kaya gusto nitong mauna siyang magsalita. Mukhang baligtad ang nangyayari sa mga oras na iyon.
Ipinaliwanag niya ang mga naaalalang naganap sa gabing iyon hanggang sa kanyang paggising. Hindi niya akalain na magiging isang bangungot pala ang pagpapaunlak niya ng friendly race sa isang katunggali.
Tumango-tango ang judge matapos niyang magsalita. Nakita niya na nakakuyom ang kamao ng ama ng dalaga at masama ang tingin sa kanya.
“Now, let me hear the side of you, Ms. Manansala,”
Tinitigan niya ng masama ang dalaga ng bumaling ito sa kanya. Daig pa nito ang hindi makabasag pinggan dahil sa hinhin nitong kilos.
“Kunwari ka pang mahinhin, demonyita ka naman pala,” usal niya sa sarili.
Nanggigil siya sa babae. Dahil rito nasira ang reputasyon niya. At babaligtarin pa ng ama nito na sinira niya ang reputasyon ng babae. Kung tutuusin siya ang biktima sa mga nangyari.
“Ahm, nang gabi po na iyon, sumama po ako sa kaibigan ko para manood ng car race. Ang sabi kasi nila ay makikipag-karera raw si Austin. Alam kasi ng mga kaibigan ko, na idolo ko, si Mr. Beko. Kaya walang pag-aalinlangan na sumama ako. Nang manalo siya sa karera, nagkayayaan ang lahat na pumunta sa bar. Sumama rin ako dahil gusto kong masilayan pa ng matagal si Mr. Beko. Pero hindi ko na alam ang nangyari. Nagising na lang ako na katabi ko na siya sa kama at wala kaming saplot,” Nakayuko ang dalaga at humihikbi ito.
Gusto niyang magalit sa dalaga pero pinipigilan ang sarili. Dahil abot langit ang galit niya rito. Baka masaktan niya lang ng wala sa oras.
“Well, Mr. Beko, bilang lalaki, dapat mas alam mo ang mga nangyari. Usually kahit lasing ang tao, alam ang ginagawa,”
“Objection your honor, my client has been drugged that night. We made an investigation and we found out that he had been drugged. Kaya hindi niya maalala ang mga nangyari. Ito po ang ebidensiya,”
Inabot ni Ashley ang medico legal na nagpapatunay na may nakita sa dugo niya na positibo sa droga.
Hindi nila napansin ang pagkagulat ng babaeng si Nimfa.
“Kalokohan `yan! Paano ka papainumin ng droga ng anak ko, eh, inosente ito sa lahat! At isa pa hindi magagawa iyan ng anak ko sa iyo. Hindi ka kaguwapuhan para lang pikutin ka ng aking anak. She may have scarred her face, but she's beautiful and kind,”
“Mr.Manansala, hindi naman po sinasabi na ang anak ninyo ang naglagay ng droga. Huwag po muna kayong sumagot. Baka mas mapasama pa ang maging kaso natin niyan,”
Pagpigil ng abogado sa kabilang panig. Rinig niya iyon dahil hindi naman kalayuan ang kinaroroonan niya.
Lihim siyang napangiti.
“Guilty, huh?” aniya sa isip.
Sinuri ng judge ang ebidensya na ibinigay ng kanyang abogado. Nagsumite rin ng ebidensiya ang kabilang panig patunay na may nangyari umano sa kanilang dalawa ng babae.
Kinabahan siya sa nalaman. Wala talaga siyang alam sa nangyari at kung totoo ngang ginalaw niya ang babae. He's doomed. Baka ipakulong siya ng mga ito. Paano na lamang ang kanyang mga pangarap?