Chapter 6

2172 Words
“Hayop ka! Ginalaw mo at lahat ang anak ko, nagawa mo pang itanggi!” Halos magwala sa loob ng korte ang ama ng dalaga. Gusto siyang sugurin pero pinipigilan ito ng abogado at marahil ay bodyguard nito. Itinanggi niya ang akusasyon na ginalaw ang dalaga. Wala siyang maalala na may nangyari sa kanilang dalawa. Pareho silang matigas ng ama ng dalaga. Habang ang babae ay nanatiling nakayuko at hindi makatingin sa kanya. “Kung gayon, hindi natin maisaayos ang problema, mapipilitan kaming ilagay ka sa piitan at pagbayarin ng danyos, Mr. Beko. May medico legal na nagsasabing ginalaw mo ang biktima. Ano man ang dahilan mo, hindi pa rin valid iyon. Unless, pakasalan mo si Nimfa,” Halos lumuwa ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ng judge. Wala sa bokabularyo niya ang magpakasal sa kahit sino`ng babae lalo na sa mukhang halimaw na babaeng magaling magmanipula ng lahat. Itsura lang nito ang mukhang inosente dahil sa peklat sa mukha pero ramdam niyang may itinatago ito sa kanya. Well, kung gusto nito ng laro, makikipaglaro siya. Wala naman mawawala sa kanya kung sasabayan niya ang trip ng babae. Gusto niya lang malaman kung ano ang dahilan nito kung bakit siya pilit sinisira ng babae. “Pakakasalan ko po siya,” walang emosyon niyang sagot sa judge. Kinalabit siya ni Ashley. “Austin, ano bang ginagawa mo? Gusto mo bang mas lalong mapahamak?” bulong nito sa kanya. “Hayaan mo muna ako sa desisyon ko, Atty. Montelebano. Alam ko ang ginagawa ko,” Hindi nakaligtas sa kanya ang simpleng pagngiti ni Nimfa. Doon pa lang alam niyang may balak nga itong masama sa kanya. Pero kung tuso ito, mas tuso siya. “Well, kung gano'n. Ngayon pa lang ikasal ko na kayo. Baka magbago ang isip, ni Mr. Beko,” mabilis na tugon ng judge. Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Mukhang pinagkaisahan siya sa mga oras na iyon. Planado! Sumunod lamang siya sa mga pinapagawa sa kanya. Kahit nanlilisik ang mga mata ng ama ng dalaga ay wala siyang pakialam. Hindi rin ito tumutol sa kasal. Ang nasa utak niya lamang ay oras na makasama ang babae sa bahay, may plano siya para mapaamin ito. Mabilis ang naging kasal nila. Tila shotgun wedding ang nangyari. Parang kanina lang nagsusumite sila ng ebidensiya ngayong lumabas siya ng justice hall, kasal na siya. Natahimik din ang mga fans ng lumabas sila sa korte. Tila planado ang lahat ng mga nangyari. Hindi niya napansin sa may hindi kalayuan likod ng puno. May lalaking nakatayo roon at nakangiti ng malawak. Pasakay na sana siya sa kotse ng pigilan siya sa braso ng kung sino. “Hindi ba asawa mo na ang anak ko, bakit hindi mo siya isama sa bahay mo? Huwag mong aapihin ang anak ko dahil may kalalagyan ka sa akin,” pagbabanta ng ama ng dalaga. Tumango lang siya. Hinintay ang dalaga na makalapit sa kanila. “Let's go, Nimfa,” Wala sa loob niyang tawag sa dalaga. Mabilis naman itong tumalima at sumabay sa kanya. “Mauna na kayo, Atty. Isama mo na rin si Mando. Ako na ang bahala rito,” Iniwan niya ang mga kasama at pinasakay sa frontseat ang dalaga. Nagmamadali siyang tumungo sa driver side at matulin minaneho ang kanyang kotse. Halos liparin ang kanyang sakay sa bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyan. Wala siyang pakialam rito. Galit siya ng husto at kung maari lang na ibangga ang kotse upang matapos na ang lahat ng problema, ginawa niya na. “Austin, p-puwede paki-dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Nalulula kasi ako,” Dinig niya ang pakiusap ng dalaga. Pero wala roon ang atensyon niya. Seryoso lamang siyang nagmamaneho at hindi pinakinggan ang babae. Mabilis silang nakarating sa bahay niya. Wala na roon ang mga fans na nakatambay sa harap ng bahay niya maging ang mga basura nito ay wala na rin. Parang isang iglap lang nawala ang lahat ng basura sa paligid niya. Isa na lang ang natira at iyon ang babaeng gusto niya ng sakalin kanina pa. Bumaba siya ng kotse at hindi man lang inaya ang babae. Pumasok siya sa bahay niya na walang pasintabi sa kung sino mang tauhan niya ang naroroon. Humabol sa kanya si Nimfa at humawak sa braso niya. Mabilis niya itong hinawi. Natamaan pa ang dalaga sa malakas na paghawi niya ng braso. “Don't touch me. Do whatever you want. Huwag mo ako pakialaman,” malamig niyang tugon sa dalaga Nanatili nakatayo ang babae sa living room. Nagtungo siya sa kanyang silid at padabog na sinara ang pinto. Umalingawngaw pa sa buong kabahayan ang malakas na kalabog ng pinto. Agad siyang naghubad ng damit at nagtungo sa banyo para maligo. Kailangan niyang maligo para lumamig ang pakiramdam niya. Kaunti na lang pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit. Sa tuwing nakikita niya ang dalaga, parang gusto niya itong sakalin hanggang sa mawalan ng malay. Masama man ang iniisip niya pero hindi mapigilan dahil sa mga nangyari. Mabilis niyang tinapos ang pagligo. Sakto naman na paglabas niya ng banyo ay siyang tunog ng kanyang mobile phone. Agad niyo itong dinampot sa ibabaw ng kama. “Hello,” Sagot niya na hindi tinitingnan kung sino ang caller. Abala siya sa pagpupunas ng kanyang buhok na basa. Wala rin siyang tapis ng tuwalya sa katawan. Siya lang naman ang nasa loob ng kuwarto kaya kampante siya sa mga kilos niya. “Hello, Austin, ano itong nabalitaan kong pinakasalan mo raw, si Ms. Manansala? Are you out of your mind?” boses iyon ng kanyang ama-amahan. Hindi na siya magtataka kung bakit agad itong nalaman ang nangyari. Marahil tumawag ito sa abogado nila kaya alam agad ang naganap sa hearing nila. . “Wala po akong choice, Tito. I need to do it. Ayaw kong masira ng tuluyan ang reputasyon ko dahil lang sa babaeng iyon,” hindi niya sasabihin ang plano niya para sa babae. He needs to make a concrete plan for it. Hindi niya alam nasa likuran niya ang babaeng pinag-uusapan nila ng amain. Nagulat na lamang siya ng abutan siya nito ng extra towel. Halos mabitawan niya ang telepono sa pagkagulat. Hindi siya makaalma rito dahil ayaw niyang marinig ni Speed Racer ang pag-angil niya sa babae. Hindi niya kinuha ang towel na binibigay nito. Hinayaan niya ang sarili na ibalandra sa harap ng dalaga na hubo't hubad. Mukhang wala man lang rito ang nakikitang hubad niyang anyo. Bagkus mukhang nag-e-enjoy pa ito na makita ang birth suit niya. Mabilis siyang nagpaalam sa amain at saka siya umalma sa babae. “Hindi mo ba alam na nagbibihis ako? Marunong ka man lang sanang kumatok sa pinto. At hindi porke’t asawa na kita ay magagawa mo na ang lahat ng gusto mong gawin dito sa pamamahay ko. Isa ka pa ring puta para sa akin. Mukhang sanay ka ring nakakakita ng hubad na lalaki? Hindi ka man lang sumigaw ng makita mo akong hubo’t hubad sa harap mo,” he smirked after he said that. Napansin niyang humakbang patalikod ang dalaga ng mag-forward step siya rito. Gusto niyang makita kung gaano ito katuso. Marunong siyang kumilatis ng itsura ng tao. Sa tagal niya na nanirahan sa kalye. Halos lahat na yata ang reaksyon sa mukha ng tao ay kabisado niya na at maging ang mga ugali nito. “H-Hindi naman. S-Siguro nasanay lang ako dahil dati na rin naman kitang nakita na hubo’t hubad sa hotel. At saka ikaw lang ang una kong nakitang hubad sa aking harap sa tanang buhay ko,” “Oh, talaga? Sige nga, subukan natin ulit. Para malaman kong nagalaw nga kita noong gabing pinikot mo ako?” Umatras muli ang dalaga ng subukan niyang lumapit dito. Akma niyang aabutin ito ng kumaripas itong tumakbo palabas ng kanyang silid. Hindi niya mapigilan matawa sa naging kilos nito. “Soon, malalaman ko rin ang mga ginawa mo sa akin, nag-uumpisa palang ako,” bulong sa sarili niya habang hawak ang kanyang baba at hinihimas ito. Mabilis siyang nagbihis nang damit at lumabas ng kanyang kuwarto. Dumiretso siya ng kusina dahil nagugutom na siya. Maaga silang umalis kaninang umaga at nakalimutan niya ang mag-almusal. Inaasahan niyang makikita roon si Nimfa pero kasambahay ang bumungad sa kanya. “Nasaan, si Nimfa?” agad niyang tanong sa kanyang katulong. Kahit wala siya sa kanyang bahay isa ito sa mga nagpapanatiling malinis ang kanyang mansion. Malaki iyon kaya hindi lamang isa ang mga tauhan niya. Pinangako niya sa sarili noon, na balang araw ay magkakaroon siya ng malaking bahay at ipamumukha sa kanyang mga kamag-anak ang sinayang nilang tulad niya. Hindi niya na rin hahayaan pa ang apihin siya ng kanyang mga relatives. Minsan may isa siyang pinsan na lumapit sa kanya at humihingi ng tulong pinansiyal. Pero hindi niya ito pinagbigyan. Sabihin man sakim siya. Pero tama lang ang ginawa niya sa mga ito. Kung tutuusin ay kulang pa nga ang ganti n'ya dahil kung palayasin siya sa sarili nilang bahay noon mula ng maulila siya at alipinin ng mga kamag-anak niya, ay sobra pa. “Pakitawag, si Nimfa,” utos niya sa kasambahay. Agad naman itong sumunod sa kanyang utos. Mabait naman siya sa mga kasama sa bahay niya. Huwag nga lang siyang gagalitin sa ilang bagay na ayaw niya. Tulad na lang ng pagsisinungaling. Pinaka-ayaw niya iyon sa kanyang pamamahay. Ilang saglit lang kasama na nito ang babaeng magaling magmanipula. “Pinapatawag mo raw ako, Austin?” “Ipagluto mo ako ng makakain. Huwag mong iutos sa mga katulong dito,” Hindi nakaligtas sa kanya ang biglang pagkagulat nito at nanlalaki ang mga mata. “Saan ka nga pala galing? Huwag kang parang prinsesa rito kung kumilos. Wala kang alila rito. Kumilos ka. Kung maaari ay maglinis ka rin ng buong bahay. Guada, bukas, bigyan mo siya ng gagawin dito sa bahay. Kapag wala siyang ginawa, ikaw ang mananagot sa akin. Naintindihan mo?” “O-Opo, Sir Austin,” “Good. Puwede ka ng bumalik sa ginagawa mo. Wait, much better magpahinga na muna kayo. Bukas na lang kayo maglinis at isama ninyo, si Nimfa sa mga gawaing bahay,” Nagulat ang kanyang tauhan sa sinabi niya. Pero hindi niya pinansin iyon at muling inutusan ang dalaga. “Ikaw, bilisan mong magluto. Nagugutom na ako. At linisin mo rin mamaya ang kuwarto ko. Ayaw kong marumi iyong pagbalik ko. At saka doon ka matulog sa kabilang kuwarto. Ayaw ko ng katabing halimaw,” Hindi niya pinansin na parang nasaktan ito sa sinabi niya. Wala siyang pakialam. She invades his privacy kaya marapat lang na tanggapin nito ang consequences na ginawa sa kanya. Tumungo siya sa living room at hinintay na maluto ang kakainin niya. Ilang sandali lang ay tinawag siya nito upang kumain. “Austin, nakahain na ang pagkain mo,” mahinhin nitong sabi. Agad siyang tumayo at pumunta ng kusina. Bungad pa lang ng pintuan amoy niya na ang amoy sunog na pagkain. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang marating ang hapag kainan. Umupo siya roon at hinintay na ipaghain siya ng dalaga. Habang naghihintay, kausap niya rin sa chat group ang kanyang mga kaibigan. Nagtatanong ito sa nangyari sa kaso niya. At nagkukuwento rin ang mga ito sa kanya tungkol sa successful ng mga ito sa car racing. Nakaramdam siya ng lungkot. Kung wala lang sana siyang naging problema, marahil kasama niya ang grupo at ngayon ay masaya dahil sa tagumpay na karera. Pero ito siya at hinaharap ang malaking bangungot ng buhay niya. “Kain na, Austin,” anyaya sa kanya ng dalaga. Nagpaalam siya sa kanyang mga kaibigan at saka inilapat ang mobile phone sa lamesa. Pero agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay ng makita ang pagkain sa harapan niya. Halos hindi niya mawari kung ano itong klase ng pagkain. Kulay itim ito at bilog ang korte. “What’s this?” “Ahm, pritong itlog. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mong kainin. Kaya ito na lang ang niluto ko,” “Gusto mo ba akong lasunin? Sa tingin mo makakain pa ‘yan?” Pabagsak niyang tinulak ang plato sa harap palayo sa kanya. Kahit hayop ay hindi kayang kainin ang pritong itlog na iyon. Sobrang itim na akala mo ay uling na. Baga na lang ang kulang, magliliyab na ang itlog sa harap niya. “H-Hindi ka-kasi ako marunong magluto,” Nakayuko nitong katwiran sa kanya. Nagpanting ang tainga niya sa narinig. “Ginusto mo ang maging asawa ako, puwes, matuto kang magluto! At huwag kang magpapaturo sa mga kasama rito sa bahay. Matuto kang mag-isa. At saka kung gusto mo ikaw na ang kumain ng niluto mo ng sa gayon malaman mo kung pagkain nga ba iyan o uling? Kung gaano ka pangit ng itsura mo, ganoon din ka pangit ang luto mo. Nagsasayang ka ng pagkain, buwisit!” Padabog siyang lumabas ng kusina at mabilis na tinungo ang silid. Agad siyang nag-dial sa restaurant ng kaibigan upang um-order na lamang ng pagkain. Gutom na siya lalo pa siyang nagutom sa ginawa ng halimaw na babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD