“Nimfa! Nimfa!” sigaw niya sa pangalan ng kanyang asawa.
Kauuwi niya lang galing sa bar. Simula ng kinasal siya sa babaeng halimaw kung tawagin niya, nagsimula na siyang maging lasenggero. Halos gabi-gabi siya sa bar. At walang humpay ang inom. At kung nasa kanyang mansion naman nagkukulong siya sa kanyang kuwarto at doon magpapakalunod sa alak. Huwag lamang makita ang dalaga at higit sa lahat ay ang maaalala kung paano siya minanipula nito.
Hindi na rin siya pinayagan ni Speed Racer na makipagkarera dahil umano, wala siya sa tamang kondisyon. Maging ito ay nagagalit sa kanya dahil walang araw o oras na hindi siya lasing.
“Austin, bakit?” natatakot na sagot nito sa kanya.
Tatlong linggo niya na itong kasama sa kanyang pamamahay pero kahit minsan hindi niya tinabihan ang babae. Nandidiri siya rito sa tuwing nakikita ang dalaga. Hindi niya lubos maisip na isang iglap lang may babaeng halimaw ang biglang susulpot sa harap niya and just a snap, he was married to her.
“Halika rito sa tabi ko. Bilis!”
Nanginiginig itong humakbang palapit sa kanya.
“Bilisan mo sabi, eh! Wala ka bang alam sa buhay kung hindi ang magmanipula lang pero isa ka lang namang walang kuwentang babae? Halimaw!”
Walang araw na hindi niya ito sinisigawan. May pagkakataon pa na nasasampal niya ang dalaga sa sobrang lasing at galit niya rito. Kinamumuhian niya sa buong buhay ang babaeng kaharap.
Nang makalapit sa kanya agad niya itong hinawakan sa palapulsuhan at hinila paupo sa kanyang kandungan. Hinimas niya ang katawan ng asawa hanggang sa mapadpad ang kanyang mga palad sa dibdib nitong malulusog.
Nagpupumiglas naman ito dahil sa wala siyang pag-iingat kung lamasin ang dibdib ng dalaga. Naririnig niya pang sinasaway siya nito pero wala siyang pakialam. Hanggang sa buhatin niya ito at ilapag sa ibabaw ng kama. Puwersado niya itong hinubaran ng damit at sinimulan niyang halikan ang asawa. Hanggang sa nagawa niya ang pakay kay Nimfa. Umiiyak ito nang matapos niyang makaraos. Hinayaan niya lamang itong umiyak hanggang siya ay makatulog.
KINABUKASAN, masakit ang ulo niya nang magising. Himas niya iyon habang dahan-dahan bumabangon sa kama. Pero ganoon na lamang ang gulat niya ng makita ang asawa sa tabi niya. Parang bangungot na bumalik sa isip niya ang unang nangyari sa kanila ng asawa.
Mabilis siyang bumaba ng kama at patakbong pumasok sa banyo. Nag-hilamos at humarap sa salamin. Pilit kinakalma ang sarili. Patuloy kasi ang pag-flashback ng mga nangyari sa kanila ng asawa.
Nang kumalma at saka siya lumabas. Seryoso ang mukha at malamig niya itong pinagmasdan habang tulog sa kama. Ilang segundo lang, ginising niya ito gamit ang kanyang paa. Ayaw niyang hawakan ang babae gamit ang kanyang kamay. Pakiramdam niya may mikrobyo itong dala at baka mamaya isa na namang kagimbal-gimbal na problema ang dala nito sa kanya.
Mabuti na ang nag-iingat.
“Hoy, babae! Bumangon ka riyan at ipaghanda mo ako ng kape!”
Subalit hindi ito nagising. Muli niyang kinalabit gamit ang kanyang paa.
“Hoy, babae! Gising!”
Para naman naalimpungatan ang babae at bigla itong tumayo habang pupungas-pungas ng mata.
“Ipaghanda mo ako ng kape. Huwag na almusal at baka malason na ako sa niluluto mong pagkain,”
Bumaling ito sa kanya at tila nagising ang diwa ng makita siya.
“Au-Austin, si-sige, sandali lang.” Kumaripas itong lumabas ng kuwarto.
Hindi niya maintindihan kung bakit katabi niya ito matulog sa kanyang kama.
Kinuha niya na lamang ang tuwalya at saka muling pumasok sa banyo. Naligo at inayos ang sarili. He needs to go out, kapag nanatili siya sa loob ng kanyang pamamahay, baka mabaliw siya kakaisip paano palayasin ang babaeng halimaw.
Nang matapos magbihis at saka siya lumabas ng kuwarto. Hawak sa kanang kamay ang susi at pinapaikot niya iyon sa daliri.
Nagmamadali siyang bumaba ng second floor. May mga bumati pa na mga kasambahay niya sa kanya habang pababa. Nagsisimula na ang lahat na maglinis ng kanyang bahay. Ayaw niya kasing madumi ang kanyang bahay. Kahit katiting na alikabok ay ayaw niyang nakikita sa kahit na anong pasimano ng kanyang bahay.
Balak niya pumunta sa kanyang shop at doon gugulin ang oras niya. Nasusuka siya sa tuwing nakikita ang babaeng sanhi ng kanyang pagbagsak bilang isang car racer.
Matapos niya kasing pumayag na pakasalan ito, tinanggal siya ni Speed Racer sa team.
Pero kapag nasa bansa ang mga kaibigan niya, madalas siyang bisitahin. Naiinis lang siya dahil kasundo ng ilan niyang kaibigan ang babaeng halimaw.
“Tapos na ba ang kape ko? Napakakupad mo naman. Kape lang inabot ka na ng kalahating oras?”
Agad niyang tanong pagpasok ng kusina. Nasira muli ang umaga niya ng makita itong napakabagal kumilos.
“P-Patapos na, Austin.” Nagmadali itong tapusin ang kanyang kape at agad na ibinigay sa kanya.
Pinagmasdan niya muna ang kape kung may kakaibang anyo roon. Inamoy niya rin iyon to make sure walang lason itong nilagay.
“Huwag kang mag-alala wala akong nilagay na kahit ano riyan. Black Coffee at one teaspoon sugar lang iyan. Gaya ng sabi mo,”
Iyon kasi ang habilin niya rito sa tuwing gagawan siya ng kape. At least kahit sa kape niya perfect man lang nito gawin.
“Tsk! Napakakupad. Linisin mo ang kuwarto ko. Palitan mo ng kobre kama. At isa pa, sino may sabi sa iyong tumabi ka matulog sa akin? Hindi ba sinabihan na kitang huwag kang tatabi sa akin? Malas ang dala mo sa buhay ko. Kaya kung maaari huwag kang lumalapit sa akin. Naintindihan mo?”
“K-kasi kagabi, lasing ka. Hinila mo ako papunta sa kuwarto mo. H-Hindi mo ako binitawan habang nakahiga sa kama mo. Hanggang sa nakatulog ako. Hindi ko na rin namalayan, pasensya na,”
“Huwag mo akong gawaan ng kuwento, babae! Imposibleng niyakap kita. Nandidiri nga ako sa iyo, tapos yayakapin kita? At saka ang yabang ng ama mo kung umasta, akala mo kung sino`ng mayaman, pero hindi ka naman kayang ipa-plastic surgery nang gumanda ka naman kahit paano,”
Nakita niya ang naging reaksyon ng asawa. Tila nasaktan ito sa mga sinabi niya. Subalit wala siyang pakialam. Mas mabuti pang laitin niya ito, baka sakaling magbago ang isip at hiwalayan siya.
Kinuha niya na lamang ang kape at saka iniwan ito sa kusina. Wala siyang panahon sa drama nito.
Simula nang magsama sila. Wala siyang ginawa kung hindi laitin ito. At kapag makulit ito sa kanya, pinagbuhatan niya ito ng kamay. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit nanatili pa rin ang kanyang asawa sa kabila ng mga ginagawa at ipinapakita niya rito.
Bagkus mas nanatili ito sa bahay niya. Hindi niya rin naririnig na sinusumbong siya nito sa ama sa tuwing tumatawag ang magulang nito sa kanya. Nagkakataon kasi kapag tumatawag ang magulang nito, nasa paligid lamang siya ng asawa. Pero kahit kailan hindi niya hinayaan na kausapin ang mga magulang nito. Hindi siya interesado. At naririnig niyang sinasabi ng kanyang asawa na lagi siyang busy kahit wala naman siyang ginagawa.
Nang makaalis siya, lingid sa kanyang kaalaman, umiiyak ang kanyang asawa sa silid nito sa tuwing aalis siya.
“Kailan mo kaya ako mamahalin, Austin? Ginagawa ko naman ang lahat, ah? Kulang pa ba ang maging alila mo? Sana man lang isang araw makita mo kung gaano kita kamahal at hindi ang mukha kong may peklat,”
Umiiyak niyang kausap sa sarili. Hindi niya masisi ang sarili kung bakit hanggang ngayon hindi niya magawang magpa-opera ng kanyang mukha. Natatakot kasi siya na baka mas pumangit ang resulta.
Kung hindi lang siya naging malikot noong bata pa, hindi sana mangyayaring nabuhusan ng muriatic acid ang kanyang mukha. Isang bangungot sa kanya noong kabataan niya. Kaya kahit pilitin siya ng magulang na ipaayos ang kanyang mukha, hindi niya magawa.
At ngayon, kahit ano`ng panlalait ng asawa sa kanyang itsura. Tinatanggap niya. Sanay na rin naman siya. Ang sa kanya lang, mahalin lang siya ni Austin, okay na sa kanya iyon.
Kaya gagawin niya ang lahat upang mahalin lamang siya ng lalaki. Titiisin niya ang mga pang-iinsulto nito sa kanya at maging ang minsang p*******t sa kanya.
Umaasa siyang balang araw ay mapagtatanto rin nito ang kanyang kahalagahan.
Hindi man sanay sa gawaing bahay, pilit niyang pinag-aaralan iyon. So far, may ilang trabahong bahay na siyang alam. Ayaw ng kanyang asawa na turuan siya ng mga tauhan nito sa mansion. Kaya pinagmamasdan niya kung paano mag trabaho ang mga ito at in-apply niya iyon sa sarili kung paano ang gagawin.
She wants Austin to be proud of her. Kaya lang sino ang niloloko niya. Kahit kailan hindi na-appreciate ni Austin ang lahat ng ginagawa niya.
“Ma'am Nimfa, kumusta ka na? Okay ka lang ba?”
Nabigla siya sa taong nagsalita. Alam niya ay mag-isa lamang siya sa kuwarto.
“Paano ka nakapasok rito?”
“Ah, nakalimutan mo po kasing isarado ang pinto ng iyong silid. Kaya pumasok na ako. Bakit ka umiiyak?”
“Wala ito. Hindi mo ba kasama si Austin? Hindi ba assistant ka niya? Bakit nandito ka pa?”
“Hindi ko rin alam. Hindi niya naman sinabing sumama ako. At saka, tatawag naman iyon kapag kailangan ako,”
“Mando, huwag mong iwan mag-isa ang asawa ko. Usapan natin, kung saan siya magpunta dapat nandoon ka rin. Lalo na ngayon madalas siyang umuwi ng lasing. Dapat naroon ka para alalayan siya at samahan. Umalis ka na at sundan mo ang asawa ko. Hindi kita binabayaran para lang huwag gawin ang pinapagawa ko sa iyo!” irita niyang sagot sa tauhan ng kanyang asawa.
“Ma'am Nimfa, mukhang hindi ka nga mahal ng asawa mo. Masyado ka na lang nagpapakamanhid sa kanya. Maraming lalaki riyan na handa kang tanggapin. Huwag mo na lang kaya isiksik ang iyong sarili sa kanya?”
“Hindi ikaw ang puwede magsabi sa akin niyan. Wala kahit sino ang puwedeng magsabi na hiwalayan ko ang aking asawa. Malaki na ang puhunan ko para lang mapasa-akin siya. Gawin mo na lang ang pinapagawang ko sa iyo. Huwag mong pangunahan ang desisyon ko,”
“Hindi ko talaga nauunawaan ang mga babae. Handang maging martir para lang sa lalaki? Puwede naman give and take kapag couple ang pag-uusapan . Kaya lang sa case ninyo ikaw lang ang nagmamahal. Siya hindi. Para ngang hindi ka niya nakikita, eh. Ang saklap naman, Ma'am Nimfa, hindi ka mahal ng mahal mo, ouch!”
“Lumayas ka na nga! Bwisit! Sundan mo siya. Huwag mong hayaan mawala sa paningin mo. Kapag may nangyaring hindi masama sa kanya, ikaw ang sasamain sa akin!”
“Si Ma'am, naman hindi na mabiro. Chill lang. Masyado ka namang obsessed sa lalaking iyon. Mas pogi lang siya ng isang tabo sa akin! Pero kung sa kakisigan. . .” tinitigan niya ito ng masama. Agad naman nakuha ang ibig niyang sabihin.
“Ito na nga po, aalis na. Teka, Ma'am, buntis ka na ba? Mukhang naglilihi ka na?”
Inambahan niya ito ng suntok, kumaripas naman ng takbo ang lalaki.
Mabait naman siya, hindi niya nga lang alam kung bakit hindi iyon makita ni Austin. Pero pasasaan ba at mapapaamo niya rin ang lalaking matagal ng sinisinta.
Ginugol niya na lamang ang kanyang sarili para aralin ang mga gawaing bahay. Masyado pang maaga para sumuko sa pinasok niyang gulo.
Confident siya na one day, kapag minahal na siya ng lalaki, at sinabi niya ang totoo. Sigurado siyang magpapatawad agad ang kanyang mahal.
Naging mabilis ang mga oras. Hating-gabi na subalit wala pa rin si Austin. Kasalukuyan siyang nasa living room para hintayin ang asawa.
Nagtataka siya kung bakit madalas na itong ginagabi. Samantalang noon habang nag-i-stalk siya rito, maaga ito lagi umuwi. At parang hindi man lang pinagpawisan sa buong maghapon. Kahit malayo kasi ang kinaroroonan niya, amoy niya ang pabango nito na hindi man lang nahaluan ng amoy pawis.
Pero ngayon, nalulungkot siya. Gabi na, naka-pagluto na rin siya. Sinigurado niya pa naman na masarap ang luto niya this time.
Hindi sunog at tama lang ang lasa. Madalas kasi sunog o `di kaya maalat ang mga niluluto niya. Kaya mas lalong nawawalan ng gana sa kanya ang asawa.
Ayon nga sa nabasa niya, ang kahinaan ng lalaki ay pagkain. Kapag masarap magluto ang babae, uuwi at hahanap-hanapin nito ang kanyang niluto.
Excited siya ipatikim ang kanyang niluto. Hindi pa rin siya kumakain. Balak niya kasi itong sabayan kahit na ayaw siya nitong kasabay kumain.
Hindi kalaunan, narinig niya ang sasakyan nito sa garahe. Nagmamadali siyang inayos ang damit at kanyang buhok. Mahaba iyon kaya nagagamit niya para takpan ang kanyang peklat sa mukha.
Pabagsak na bumukas ang main door at bumungad doon ang lalaking mahal niya.
“Halimaw! Bakit gising ka pa! Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kong makikita ang pagmumukha mo sa tuwing uuwi ako?”
Daig pang hiniwa ng samurai ang kanyang puso ng paulit-ulit sa bungad ng asawa sa kanya.