“Halika nga rito. Sinabi ko sa iyo, huwag na huwag ko makikita ang pagmumukha mo, kapag uuwi ako! Nang dahil sa iyo nasira ang pangarap ko!”
Itinulak niya ang asawa sa sahig. Nanggagalaiti siya na makita itong nakaupo sa living room. Kung masama lang siyang tao baka matagal niya nang pinatay si Nimfa. Hindi niya mapapatawad ang babae sa pagkasira ng kanyang pangarap. Wala pa nga siya sa rurok ng tagumpay pero ito siya ngayon, lugmok na lugmok.
Kahit saan siya magpunta binabato siya ng ibang fans ng kung ano ang mga hawak ng mga ito. Halos wala na siyang peace of mind dahil sa pagmamanipula ng babae sa buhay niya.
Mabuti na lamang at hindi apektado ang kanyang negosyo. Dahil hindi niya ipinaalam na pagmamay-ari niya ang naturang hardware. Tatlo ang branch niya at isa sa kanyang branch ay pinamumunuan ng naging kaibigan niya sa restaurant noon.
“Austin, nasasaktan ako!”
Hinila niya kasi ang braso nito para puwersadong patayuin. Wala siyang pakialam kung nasasaktan ito. Mas masakit ang ginawa ng babaeng hitad sa harap niya ang nangyari sa kanya.
“Sinira mo ang buhay ko! Kung puwede sisirain ko rin ang buhay mo! Amanos na tayo! Tahimik ang buhay ko ng wala ka. Pero ngayon masyadong magulo! Wala na akong lugar na pinuntahan ng hindi ako nilalait at binabato ng mga fans. Lahat ng iyon ay dahil sa iyo!”
Hinila niya si Nimfa papunta ng kanyang kuwarto. Ibinagsak niya ito sa kama. Isinara niya ang pinto at mabilis na hinalikan ang asawa.
Pinunit niya ang damit nito at isang iglap lang ay wala ng saplot ang kanyang asawa.
Sinimulan niyang halikan ito sa leeg at labi. Hindi niya alintana ang itsura nito. Ayaw niyang isipin na makikipagniig siya sa babaeng halimaw.
Noong una, umalma ito pero kalaunan ay hinayaan na lamang siya nito sa kung ano ang gagawin niya sa katawan ng asawa.
Dala ng kalasingan, lahat ng parte ng katawan ni Nimfa, pinadaanan niya iyon ng mga halik. Sa umpisa ay puwersado pero sa sumunod na mga pangyayari, may pag-iingat na siya sa kilos niya.
Maputi at makinis ang katawan ng asawa. Batay na gusto niya sa isang babae. Pero hindi ang mukha nito.
Pikit mata niyang niro-romansa ang asawa. Hanggang sa maabot nilang pareho ang rurok ng pag-iisa.
Mabilis siyang nakatulog at hindi namalayan ang mga sumunod na nangyari.
*********************
Habang pinagmamasdan niya ang kanyang asawa na malalim na ang tulog. Hindi maampat ang malawak niyang pagngiti.
“Mahal na mahal kita. Okay lang kahit na saktan mo ako. Basta sa huli akin ka lang,” bulong niya rito.
Mabilis siyang bumangon at pinulot ang mga punit niyang damit. Dahil hindi na iyon puwedeng isuot. Humiram na muna siya ng bathrobe sa banyo ng asawa. Bukas niya na lang iyon isasauli.
Kailangan niyang lumipat ng kuwarto dahil ayaw niyang magalit itong muli paggising kinabukasan.
Sapat na sa kanya ang nag-isa silang muli.
Paglabas niya ng kuwarto ni Austin, agad na sumalubong sa kanya si Guada.
“Ma'am, okay lang po ba kayo?” nag-aalala nitong tanong sa kanya.
Hindi alam ng mga kasambahay na kasal sila ni Austin. Hindi niya rin kasi sinasabi sa mga ito. Ayaw niyang pangunahan ang asawa sa desisyon nitong ipagsabi ang relasyon nila.
“O-okay lang ako. Huwag kang mag-alala. Sanay na ako sa kanya. Sige matulog ka na,” pagtataboy niya rito.
Pilit niyang itinatago ang punit niyang damit sa kanyang likuran. Siya ang magtatapon noon sa basurahan. Hangga't maaari, ayaw niyang malaman ng mga kasama nila sa bahay na unti-unting nauubos ang kanyang mga damit sa madalas na pagpunit ng kanyang asawa.
Wala naman sa kanya iyon. Isang tawag niya lang sa kanyang designer, agad nagpapadala ito ng mga branded na damit sa kanya.
Katulad na lang ng biglaang paglipat niya sa bahay ni Austin. Wala siyang dala kahit isa. Kaya tinawagan niya ang kanyang stylists s***h assistant to sent her things.
Pagkarating sa kanyang kuwarto. Agad niyang hinubad ang bathrobe at doon niya nakita ang kanyang pasa sa braso. Ramdam niya rin ang kirot ng kanyang p********e maging ang kanyang mga hita.
Pero ngiting tagumpay pa rin siya. Dahil natupad ang isa sa minimithi niya. Ang may mangyari sa kanila ng asawa.
Mabilis siyang nagtungo sa banyo at agad na tinimpla ang tubig pampaligo niya. Sanay kasi siyang maligo ng maligamgam ang tubig.
Nilagyan niya ng mga bulaklak ang bath tub kasabay ng bath milk soap niya. Isa sa dahilan kung bakit makinis at malambot ang kanyang mga balat. Ganoon siya lagi kung maligo.
Sabi nga ng kanyang ina, kung hindi maganda ang kanyang mukha. At least bumawi siya sa flawless niyang balat.
Ilang sandali lang ay lumoblob na siya roon at nag-enjoy sa kanyang midnight shower.
KINABUKASAN, naalimpungatan siya mula sa malalim na pagkakatulog. Hindi niya namalayan tanghali na pala.
Magkakasunod na katok ang bumulahaw sa pinto ng kanyang kuwarto
“Austin! Gumising ka riyan! Tanghali na! Hoy!”
Sigaw ng kung sino sa labas ng kanyang kuwarto.
“Buwisit! Inaantok pa ang tao, eh.” Bumangon siya sa kama at tinungo ang pinto upang buksan. Wala siyang pakialam sa itsura niya.
Sanay na ang mga taong magulo sa pagtulog niya na makita siyang hubad.
“Tangina! Tanghali na, hubo't hubad ka pa rin? Ano nagsarili ka na naman? Balita ko may asawa ka na. Bakit hindi ka ba maka-score sa kanya?” pang-aasar ni Audi matapos niyang pagbuksan ng pinto ang mga kaibigan.
“Tigilan mo ako, Bro. Hindi maganda ang gising ko baka samain ka sa akin,”
"Wapak! Hindi nga naka-score kaya bad mood. Teka, nasaan ba ang asawa mo?”
“Baka patay na,” walang gana niyang tugon sa kaibigan.
Pumasok ang limang kaibigan niya sa silid. Wala man lang pakialam sa itsura niya. Sa bagay sanay na rin naman sila. Dahil noon pa man sa squatter sila nakatira, kanya-kanya ring hubad ng damit ang ginagawa nila. Mabuti na lamang at kahit isa walang naging bakla sa kanila.
“Grabe ka naman, Austin. Huwag ganyan, Bro. Galangin mo rin ang babae,” ani ni Porsche sa kanya.
“Tsk!”
“Oo nga, Bro, pag-aralan mong mahalin ang asawa mo,” segunda naman ni Bugatti.
Nagulat sila ng may biglang kumatok sa may pinto.
Si Nimfa!
“G-Good morning. Dinalhan ko na lang kayo ng kape rito. Sabi kasi ng mga kasambahay dalhin ko raw rito. Ito magkape muna kayo,”
Inilapag nito ang dalang tray sa center table. Inisa - isa nitong abot sa mga kaibigan niya ang kape.
Nang abutan siya nitong tasa, hinawi niya iyon dahilan na ikinabagsak nito sa sahig at nabasag.
“Don't flirt with my friend. Baka sirain mo rin ang buhay nila gaya ng ginawa mo sa akin,”
“Bro!” sinaway siya ni Bryan.
Umiwas siya ng tingin sa asawa at bumalik sa kanyang kama. Wala siyang pakialam kung manggulo ang mga kaibigan sa loob ng kuwarto niya. Basta kailangan niyang bumalik ng tulog. Pakiramdam niya pagod na pagod siya sa nakaraang gabi.
Narinig niya pa na kinausap ni Bryan ang kanyang asawa.
“Pagpasensyahan mo na lang ang lalaking `yan nasa menopausal stage yata. Hoy mga kolokoy, tara sa living room. Hayaan ninyong matulog si Austin. Mukhang may hang over pa. Halika, Nimfa, doon na lang kami magka-kape. Baka langgamin ang kaibigan namin dito,”
Nakasimangot siya ng umalis ang mga kaibigan sa kanyang silid. Imbes na matulog, nagtungo na lamang siya sa banyo at naligo. Hindi niya hahayaan si Nimfa na mapalapit sa kanyang mga kaibigan. Natatakot siya para sa mga ito. Hanggang ngayon wala pa rin siyang tiwala sa babae.
Halos isang buwan ng kasama ang asawa subalit hindi niya pa rin makuha ang sagot sa mga tanong niya kung bakit nangyari ang mga iyon sa hotel. Marahil hindi niya pinagtutuunan ng pansin dahil nga madalas siyang umalis ng bahay. Hindi niya kasi kayang makasama ito ng matagal.
Pababa siya ng hagdan nang marinig niyang nagtatawanan ang kanyang mga kaibigan. When he reached the ground floor, nakita niyang nagkukuwento ang kanyang asawa sa mga kaibigan niya dahilan na tawa nang tawa ang mga ito. Nakaramdam siya ng pagkainis.
Inis dahil napapatawa nito ang mga kaibigan samantalang siya ay hindi. Salubong ang kilay at nakasimangot siyang lumapit sa mga ito.
“Oh, Austin, akala namin matutulog ka pa?” agad siyang napansin ni Porsche.
Hindi niya ito sinagot. Naupo siya katabi ni Bryan. At sa kabilang banda naman ng kaibigan niya nakaupo si Nimfa. Masama niya itong binalingan ng tingin.
Siniko siya ng kaibigan.
“Bakit ganyan ka makatingin sa asawa mo?” bulong nito sa kanya.
“Malandi, eh,”
Natawa ang kaibigan sa kanyang isinagot.
“Bakit ka natatawa?”
Umiling lamang ito at hindi siya sinagot.
Bumaling naman siya sa mga kaibigan na walang humpay ang pagtawa.
“Tumigil nga kayo sa kakatawa. Wala naman dahilan para mag-sitawanan kayo. Ano ba nakakatawa, huh?”
“Ang killjoy mo naman, Bro. hindi ka ba natatawa sa mga kuwento ng asawa mo? Manhid mo, ah?” sagot ni Benz sa kanya.
“Oo nga, parang tanga ‘to, si Austin, eh. Mabuti pa mag-pahanda ka na lang ng almusal sa mga tauhan mo. Hindi pa kami kumakain, eh. Ang lagay gugutumin mo kami?” si Audi.
“Nagpunta lang kayo dito para makikain? Ang kakapal ng mukha ninyo, ah. Wala na akong trabaho, hindi ba? Kayo na lang magpakain sa akin. Kayo itong kagagaling lang sa panalo. Pautangin n’yo na rin ako,”
“Kunwari ka pa, kahit wala kang trabaho mabubuhay ka pa rin, uy! Huwag kami. Huwag ng madamot, Bro,” si Porsche.
“Nagsalita ang may sariling restaurant pero ayaw magpakain,”
Nakaisip siya ng kalokohan.
“Sige na nga,” aniya.
Tumungo siya sa kusina at kinuha ang mobile phone sa bulsa. Nag-dial siya sa restaurant ng kaibigan.
“Yes, hello, puwede ba akong um-order ng pagkain. Charge daw sa amo n'yo, sabi niya. Ipadala mo na lang dito sa bahay ko,”
Since kilala siya ng tauhan ng kanyang kaibigan, alam na nito saan dadalhin ang pagkaing in-order niya.
Ilang sandali lamang dumating ang mga pagkain mula sa restaurant. Nagkagulo pa ang mga kaibigan niya dahil libre raw iyon at mukhang masarap.
“Wow! Ang bango ng mga pagkain! Mayaman talaga itong, si Austin. Hindi tayo nagkamali na rito makikain,” excited na turan ni Bugatti.
“Teka lang,” pagpigil ni Porsche sa mga kaibigan sa pagkuha ng mga nakabalot pang pagkain. Nakita kasi nito ang tatak ng balot sa pagkain dineliver.
“Um-order ka sa restaurant ko, Bro? Salamat!”
Proud pa nitong sabi pero biglang nagbago ang expression ng mukha ng sabihin niya na care off ang bayad sa kaibigan.
“T@#$@%#, Bro, wala akong sinasabing ako ang magbabayad nyan. Hoy! Mga gunggong huwag ninyong kainin ‘yan,”
“At bakit? Pati ba naman ikaw, Porsche magdadamot sa amin? Parang wala tayong mga pinagsamahan, ang dadamot ninyong dalawa!” may hinampong saad ni Audi.
Tila nakonsensiya naman si Porsche.
“Sige na nga, sagot ko na. Grabe, hindi ko alam magaling ka pa lang mangbudol, Bro.” Sinuntok siya ng mahina ni Porsche sa braso.
Excited naman ang lahat sa pagkain. Napansin niyang umalis si Nimfa dahil nakaramdam yata ng awkward sa grupo nila. Napansin din iyon ni Bryan.
“Alukin mong kumain. Asawa mo ‘yan, huwag kang madamot,” sulsol nito sa kanya.
Wala sana siyang balak na alukin ito, pero dahil sa kaibigan tinawag niya ang asawa.
“Nimfa, sumabay ka na ritong kumain. Huwag kang mag-feeling bisita,”
“Gago ‘tong, si Austin, masama yata ang loob nag-alok ng pagkain sa asawa?” si Benz.
“Hayaan n’yo na. Para kayong hindi sanay kay Austin, wala talagang lambing sa katawan ‘yan. Magsikain na lang tayo. Halika na rito, Nimfa. Sumabay ka na sa amin,” ani Bryan.
Lumapit si Nimfa sa grupo nila pero malayo sa kanya. Mas lalo siyang nainis dahil hindi sa kanya tumabi ang asawa. Mas gusto pa nitong katabi si Bryan kaysa sa kanya. Akala niya walang nakapansin ng pagsimangot niya habang kukumuha ng pagkain.
“May isa riyan, mukhang nagseselos? Huwag mo kasing asikasuhin si Nimfa, Bryan. Baka mamaya magka-world war five dahil hindi na mai-drawing ang mukha ng isang kaibigan natin,” parinig ni Audi. Ito lagi ang mahilig mang-asar sa kanya.
“Hayaan mo siya. Bahala siya mainggit. Ito pa, Nimfa. Kainin mo ito. Masarap ‘yan. Best selling ‘yan sa restaurant, ni Porsche. Minsan bisita tayo sa restaurant niya para matikman mo lahat ng putahe mayroon sila. Kaunti lang itong putahe na in-order, eh. Wala iyong ibang mas masarap,”
“Talaga? Sige, sabihin mo lang kung kailan. Sasama ako sa inyo. Masaya kasi kayo kasama, eh,”
“Sure, siguro mga next week, pagkatapos ng practice namin. Medyo busy lang kasi this week, hindi ka namin mayaya,”
“Okay lang, hintayin ko na lang ‘yung libreng oras ninyo,”
“Huwag ka ng sumama, baka mapasama pa ang mga kaibigan ko sa iyo,” hindi niya napigilan sumagot.
Hangga’t maaari, ayaw niya makasama ng mga kaibigan ang babaeng halimaw, sapat ng siya na lamang ang nasira ang buhay. He will protect his friends from her.