Abala siya sa pag-aayos ng kanyang kotse sa garahe nang biglang may boses siyang narinig.
“Dad, I'm fine here. Austin is good to me,”
Ang kanyang asawa pala. Nasa likod ito ng malaking halaman na San Francisco, mukhang nagtatago.
“Huwag kang naniniwala sa kuwento ng iba. Mabait ang asawa ko. Sa akin kayo maniwala dahil ako naman ang anak ninyo at asawa ko ang inaakusahan. Dad, kung may hindi man kami pag-uunawaan ng asawa ko, normal lang iyon. Ang mahalaga, mahal ko siya,”
Nabigla siya sa narinig. Sa kabila ng pinapakita niyang kasamaang ugali, mahal pa rin siya ng asawa. Hindi niya maunawaan kung bakit nakaramdam siya ng tuwa sa kanyang puso. Dati, kapag narinig niya itong sinasabi ang katagang iyon, nagagalit siya. Pero ngayon, masaya siya.
Masama man makinig nang usapan ng iba, wala siyang pakialam. Gusto niya malaman kung ano pa ang mga sinasabi ni Nimfa sa ama nito. Baka mamaya nagkukunwari lang pala sa mga sinasabi, but the truth is opposite ang mga iyon.
“Yes, Dad, don't worry. We will visit you one of this days. Kapag hindi na masyadong busy ang asawa ko. Take care, Dad. Send my regards to mom,”
Nabitin siya sa pakikinig ng magpaalam ang asawa sa kausap. Agad siyang bumalik sa ginagawa nang makita itong umalis sa kinaroroonan.
Hindi niya namalayan sa lalim ng kanyang iniisip tungkol sa asawa. Nakatitig lang pala siya sa dapat na gagawin. Kung hindi pa tumikhim ang kung sino sa likuran niya, hindi mapuputol ang malalim niyang daydreaming.
“Sir, may bisita po kayo,” pagputol ng assistant niya sa malalim na pag-iisip.
“H-Huh? Sino raw?”
Pinagmasdan muna siya ni Mando bago sumagot.
“Si Perfecto, Boss,”
Sa narinig na pangalan. Parang gusto niyang manapak. Nang dahil kasi sa imbitasyon nito nagkandaletse-letse ang buhay niya.
“Ano na naman ang kailangan? Sabihin mo busy ako. Wala akong panahon makipag-usap sa kanya,”
“Boss, nasa living room na siya kausap, ni Ma'am Nimfa,”
Mas lalong nag-salubong ang kanyang kilay. Sa lahat ng ayaw niya ang pinangungunahan siya ng desisyon sa loob ng pamamahay. Siya ang may ari ng bahay pero pakiramdam niya ay nawawalan siya ng karapatan dahil sa ginagawa ng kanyang asawa. Kailanman ay hindi niya ito binigyan ng karapatan ang magdesisyon sa bahay.
“At sino ang may sabing pangunahan ako ng babaeng iyon?” asar niyang sabi sabay labas ng garahe.
Hindi niya napansin ang lihim na pagtawa ni Mando sa kanyang naging reaksyon.
Malalaki ang kanyang mga hakbang upang makarating agad sa living room. Maraming tumatakbo sa isip niya habang papasok ng kanyang bahay. Mga senaryong hindi kanais-nais.
Senaryong baka nililigawan ni Pacifico ang kanyang asawa. Kahit ayaw niya kay Nimfa, hindi naman niya hahayaan na lumandi ito sa iba. Hindi pa siya nakakaganti sa babae.
Nang makarating sa living room bumungad sa kanya ang malakas na pagtawa ng asawa. Nakasimangot siyang lumapit dito.
“What’s funny, Nimfa?”
Nagulat ang asawa niya at mabilis itong tumayo.
“A-Austin, nandito ka na pala. M-May bisita ka nga pala. Hinarap ko muna habang wala ka pa,”
“Hinarap o nakipaglandian ka muna?”
“Bakit pare, nagseselos ka ba? Huwag kang mag-alala hindi naman ako tumatalo ng may asawa. Masaya kasi kausap ang asawa mo,”
“Hindi kita kausap kaya kung puwede huwag kang sumasabat. At saka ano na naman ang kailangan mo? Wala akong panahon sa kung ano ang sadya mo. Puwede ka nang umalis,”
“Masama bang bisitahin kita? Bilang kaibigan? Syempre, nag-aalala rin ako dahil wala ka na pala sa team ninyo? Kumusta ang buhay mo ngayon?”
Sa tono ng pananalita ng kanyang bisita tila iniinsulto siya nito. Walang sabi niya itong sinuntok sa mukha.
“Kung pupunta ka lang rito para ipamukha sa akin ang pagkabagsak ko, hindi ko kailangan ‘yan. Nagsisi ako na pumayag akong makipag-friendly race sa’yo. Sana mali ako. Mukhang isa ka sa mga nagbalak na masira ako sa propesyon ko. Malaman ko lang, may kalalagyan ka sa akin, sampu ng mga naging kasamahan mo,”
Pakiramdam niya namalikmata lamang siya. Pero nakita niya ang takot sa mukha ng kanyang asawa at ang pagtingin ng bisita rito. May nabuo sa isip niya sa mga oras na iyon. Marahil may kaugnayan ang lahat kay Pacifico Perpekto. Dahil ito lang naman ang pinagbigyan niya ng friendly race na ikinapahamak niya.
“Ibig mong sabihin ako ang tinuturo mong dahilan kung bakit ka nawala sa team ninyo? Huh! Ayos ka rin, p’re! Hindi porke’t nangyari iyon ibig sabihin ako na ang suspect. Huwag ka mambintang ng wala ka naman ebidensiya. Nalaos ka lang lahat na ng taong nagmamalasakit sa iyo, feeling mo may kagagawan ng pagkabagsak mo. Talagang palaos ka lang siguro at naging dahilan lang ang nangyari sa race natin. Hindi ko naman kasi alam na tanga ka pala sa pambabae. Paparausan mo lang hindi mo pa iniwan agad para safe ka sa media. Tanga ang puta!”
Bigla itong umalis sa harap niya matapos magsalita. Gusto niya pa sanang bugbugin ito. Siya pa ang sinabihang tanga. Malay niya bang may mga demonyo sa paligid niya ng mga oras na iyon.
“Austin, tama na. Huwag mo ng habulin. Baka lumaki pa ang gulo,” pigil ni Nimfa sa kanya.
Galit niya itong binalingan.
“Ikaw! Ikaw ang puno’t dulo ng lahat!” Sinampal niya si Nimfa dahilan na ikinabagsak nito sa sahig.
Mabilis naman lumapit si Mando sa kanya para awatin siya. Pero wala itong nagawa ng sapakin niya rin sa mukha. Hinila niya patayo si Nimfa at dinala sa itaas. Nakita niya ang mga kasambahay na gusto siyang pigilan pero inunahan niya na ang mga ito.
“Walang makikialam isa man sa inyo! Palalayasin ko ang sino mang magtangkang mangialam sa amin!”
Sa sinabi niya lahat ay natakot. Ayaw naman mawalan ng trabaho ang mga katulong niya. Subalit hindi nasindak si Mando sa banta niya. Pinigilan siya nito sa paghila kay Nimfa paakyat ng hagdan.
“Boss, huwag mong saktan ang asawa mo. Babae ‘yan!”
“Sinabi ng walang makikialam, eh.” Binitawan niya si Nimfa at sinuntok muli si Mando. Nahulog pa ito sa hagdan. Mabuti at nasa pangalawang baitang pa lamang sila.
“Austin, tama na!” sigaw ni Nimfa sa kanya.
Pero hindi niya ito pinakinggan. Bumaba siya sa hagdan at muling sinugod si Mando. Pinagsusuntok niya ito at hindi nakapagpigil si Nimfa, inawat siya nito. Hinila siya palayo sa kanyang assistant.
“Tama na sabi, eh! Bakit ka ba nananakit ng tao, huh? Palagi ka na lamang ganyan!”
“Ano’ng karapatan mong pagsabihan ako ng ganyan? Huh! Isa ka lang puta ng buhay ko. Huwag mo akong leksyunan sa maaari kong gawin! Mga wala kayong kuwenta sa buhay ko!”
“Asawa mo ako, Austin! May karapatan ako!”
“Pu@#$%@#$ karapatan iyan! Asawa lang kita sa papel. Pero hindi kailanman pag-aari mo ang buhay ko!” Sinampal niya muli ang asawa. Masyado yata iyong malakas dahilan ng pagkahilo nito at muntik ng bumagsak sa sahig mabuti na lamang at nasalo iyon ni Mando.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Pakiramdam niya isa na siyang halimaw. Mas halimaw pa sa babaeng pinakasalan niya.
Sinuntok siya pabalik ni Mando dahil sa ginawa niya kay Nimfa.
“Ga** ka, Austin! Tama lang na malaos ka. Hindi mo deserve ang sumikat ng husto. Sa ugali mong demonyo walang taong makakatagal sa iyo. Magre-resign na ako. Hindi mo na ako kailangan tanggalin sa trabaho ko. Ito ang tatandaan mo, magsisisi ka rin balang araw sa mga ginagawa mo sa iyong asawa,”
Hindi siya nakasagot sa tauhan niya. Pinagmasdan niya na lamang itong inalalayan si Nimfa papunta sa living room. Humingi ito ng tubig sa kasambahay niya para painumin ng tubig ang asawa.
Tila naging tuod siya sa kinatatayuan. Hindi niya na kilala ang sarili sa mga oras na iyon. He was so frustrated sa mga nangyayari. Nang matauhan agad siyang tumakbo paakyat sa kanyang kuwarto at ni-lock ang pinto. Kailangan niyang magkulong pansamantala dahil masyado na siyang mapanakit sa ibang tao. Kung dati si Nimfa lang ang napagbubuhatan niya ng kamay, ngayon kahit sino na lang ang kanyang sinasaktan.
DALAWANG araw siyang nagkulong sa kuwarto. Hindi rin siya kumakain kahit na hinahatiran siya ng mga tauhan niya ng pagkain sa kanyang silid. Kahit ang mga tawag ng kanyang kaibigan ay hindi niya rin sinasagot. Maliban na lamang kay Speed Racer. Kasalukuyan niya itong kausap habang nakahiga sa kanyang kama.
“Austin, ano itong nababalitaan kong hindi ka raw kumakain at nagkukulong ka sa kuwarto? Ano na naman ang drama mo, huh?”
“Tito,”
“Huwag mo akong tawaging tito kung wala kang tamang sagot sa akin. At ano itong nabalitaan ko na nag-resign daw si Mando? Ano’ng dahilan? Sinaktan mo rin daw maging ang asawa mo? Hindi mo ba alam na puwede kang idemanda ng mga iyon? Sinisira mo ba ng husto ang buhay mo, huh? Sabihin mo lang at ako na ang tuluyang sisira sa’yo,”
“Tito, hindi po sa ganoon. Nadala lang po ako ng sobrang galit. Hindi ko po sinasadya iyon. Kaya nga po ako nagkukulong ngayon para parusahan ang sarili ko,”
“Sa tingin mo sa ginagawa mong iyan nakatulong sa problema mo?”
“H-Hindi ko po alam, Tito,”
“Tigilan mo ‘yang ginagawa mo. Harapin mo ang mga taong sinaktan mo. Humingi ka ng tawad. At ayusin mo ang problema mo. Kung gusto mong pa-imbistigahan ang nangyari sa iyo sa bar at sa hotel, tutulungan kita. Ayusin mo muna ang iyong sarili,”
Hindi niya napigilan umiyak sa amain. Ito lamang ang nakakaunawa ng sitwasyon n’ya. Kahit may pagka-istrikto ito sa kanila, pagdating sa problema agad itong tutulong kahit hindi nila sabihin.
“S-Sige po, Tito. S-Salamat po,”
“Huwag ka nang umiyak diyan. Pasasaan at maayos din ang problema mo. Dalawang buwan pa lang naman, kaya pang bungkalin ang ebidensiya. Sige na, ayusin mo muna ang sarili mo riyan at tatawagan ko si Ashley para sa kaso mo. Huwag kang gagawa ng kung ano’ng hakbang ng hindi ko alam, huh?”
“O-Opo, Tito,”
Nagpaalam ang kanyang amain sa kanya. Mabilis naman siyang naligo at nagbihis. Lumabas ng kuwarto. Nakita niya pa ang tray ng pagkain na nasa labas ng pinto. Kinuha niya iyon at binitbit pababa tungo sa kusina. Pabaling-baling siya sa ilang sulok ng bahay, umaasang makikita si Nimfa. Pero wala siyang nakita kahit anino nito. Inisip niya baka nasa kusina lamang ito naglalagi.
Pagkarating doon, walang tao sa kusina. Nilapag niya ang tray ng pagkain sa lamesa at tinungo ang pinto. Binuksan niya iyon at sinuri ang labas ng kusina kung sino ang mga naroon. Nakita niya ang tatlong kasambahay niya na naroon. Tila nagpapahinga ang mga ito. Hindi niya nakita roon si Nimfa. Kaya nagtanong na lamang siya.
“Nasaan, si Ma’am Nimfa, ninyo?”
Nagulat ang mga ito sa kanya. Walang may sumagot at tila namumutla.
“Ano’ng nangyayari sa inyo? Huwag kayong mag-alala hindi ko kayo tatanggalin sa trabaho. Pasensiya na sa naging ugali ko noong nakaraan. Nasaan nga pala ang asawa ko?”
For the first time, nagtanong siya sa mga ito tungkol kay Nimfa at tinawag niyang asawa. Kaya siguro ganoon na lamang ang gulat ng mga tauhan niya.
“S-Sir, kasi po, . .” hindi maituloy ni Guada ang sasabihin.
“Kasi?”
Siniko nito ang isang kasama. Tila sinasabing ito na ang magkuwento.
“Ano ba, Guada, magsalita ka na at huwag mo ng ipasa sa kasama mo,”
“Eh, kasi, Sir, si Ma’am Nimfa po,”
“Ano nga? At nasaan siya?”
“Umalis na po,” sagot ni Kikay ang isang tauhan niya na sinisiko ni Guada.
“Ano’ng umalis na? May pinuntahan ba? Saan daw?”
Gusto niya ng magalit sa mga ito. Masyado siyang binibitin sa impormasyong hinihingi niya.
“Ah, Sir, umalis na po, si Ma’am. Palagay ko hindi na po babalik. Dala po kasi ang kanyang mga gamit,” sagot naman ni Anna. Isa pang kasambahay niya.
“Ano? May sinabi ba saan pupunta? Bakit daw dala ang mga gamit? Hindi na siya uuwi rito? Sigurado kayo?”
Hindi niya malaman ang nararamdaman. Nakaramdam siya ng pagpunit sa kanyang puso. Nasaktan siya sa nalamang iniwan na siya ng tuluyan ng kanyang asawa. Hindi man lang siya nakahingi ng tawad dito. Kung hindi sana siya nagkulong ng dalawang araw. Marahil naroon pa ang kanyang asawa. At nakikita niya pa ito kahit saan siya tumingin sa loob ng kanyang bahay. Kaya pala tahimik ang bahay niya. Wala na pala siyang makikitang asawa.
Nakaramdam siya ng pangungulila sa asawa.