“Welcome to Manila International Airport...” Iyon bumungad na boses sa kanila pag-lapag ng eroplano sa airport. It's been three years and a half since she left the country. This time she decided to come home. Sapat na ang tatlo at kalahating taon para magtago at mag-ipon ng lakas. “Noemi, sigurado ka ba na hindi natin tatawagan ang parents mo? I'm sure worried na ang mga iyon sa iyo?” Kahit minsan hindi siya tumawag at ipinaalam sa magulang niya kung nasaan siya. Wala kahit sino ang nakakaalam kung nasaan siya. Maliban lamang kay Monique na kasama niya from the start of her weak and different person as of now. “Hayaan mo muna. Sanay na ang mga iyon. Nakontak mo na ba 'yung may ari ng bahay na tutuluyan natin? Handa na ba ang lahat?” “Ah, oo nga pala. Handa na lahat. Hihintayin na

