"Gusto mong malaman kung bakit inagaw mo lahat sa akin? Puwes makinig ka!” Tumango siya habang taimtim na nakikinig sa bawat kuwento ni Pacifico. “Una, ikaw nang ikaw lagi ang bukambibig ng tatay ko sa tuwing may karera ka. Ang lagi niyang sinasabi ay hindi kita maabot! Pangalawa, ang babaeng mahal ko, ikaw ang gusto at hindi ako! Hindi naman kagandahan pero mas mataas ang pangarap na ikaw ang mahalin. Pero ano? Ano ang ginawa mo sa kanya? Sinaktan mo lang at worst nilait mo pa! Wala kang puso!” Wala siyang maisagot sa kausap. Medyo tinamaan siya sa huling sinabi nito. Tama naman kasi, sinaktan at inalipusta niya lang ang dati niyang asawa. Pero hindi naman yata nangangahulugan na pati buhay niya ay manganib dahil lang sa sobrang inggit ni Pacifico sa kanya. “At gusto kong patayi

