**09 – Innocence**
♪*ten tenen ten tenenen ten*♪
Ano ba naman oh. Ang aga-aga namang phone call n’yan? Can’t you let me drift into my sleep just for a while? Nung isang araw pa akong walang maayos na tulog jusko naman.
♪*tenenen ten tenen ten ten*♪
“Argh fine! What the heck?”
Hinablot ko ang cell phone na nasa side table at pinindot ang answer button. “Althea speaking, who’s this?”
“Thea! May problema.” Boses ni Sir Ed.
Napabangon ako mula sa kama nang maulinagan ko ang tarantang tinig ni Sir. “Po? Bakit? Anong problema?”
“Ninakaw ang mga artifacts sa museum. Yung mga artifacts na sinusuri natin, Althea, nawawala. Ninakaw.”
Anak ng tokwa. Hindi pa ako tapos sa research ko ah! Ano ba namang kalokohan ‘to? Pati ba naman ang mga gano’ng bagay ninanakaw pa nila? Hindi naman nila mabebenta ‘yon!
“Nasa’n kayo, Sir? Pupuntahan ko po kayo.”
“Dale’s museum. Kailangan mo nga sigurong pumunta dito, ikaw ang mag-imbestiga.” Porket founder ng ZAFT kailangang ako na ang nag-iimbestiga?
Well ZAFT stands for Zone Alliance of Freedom and Truth. It is an agency often used for governmental issues and such. We handled a lot of agents of first classes and the highest ranks. We need that. I founded the agency. I just figured that maybe the world would be a better place if there’s one which can handle their safety.
But that is not the sole purpose of ZAFT. You see, humans are easily shakened, angered. They are fragile things that outbursts with all emotions the universe can always come up to. And everyday of my entire life, I watch them getting into cycle of things. The cycle of life. Especially my agents. I watch them grow from time to time. I watch them love, feel, think, get mad, hurt, die, and live. I honestly enjoy it because I know and I’m aware that they learn from their mistakes.
Natutuwa ako kapag nakakakilala ako ng mga interesting na agents dahil isa rin sila sa mga interesting na tao na nakikilala ko. Like for example, Amber Williams named the Ripper. I watched her as she delved into her world of mistakes and lies. She conquered her enemies alone, survived and lived.
Erinne Ashton. That brat of a princess. I watched her being eaten alive by her past. By her anger. By her wanting of revenge against someone who she can’t admit that had her heart wholely since day one. I watched her get torned between love and revenge. She fought her shadows, made a decision for goodness sake, and lived.
Maryan Heather. That damn girl who always had my freaks out everytime I encounters her. Nung una palang tinaasan na’ko ng katakut-takot na balahibo sa kanya. She’s damn cold like a stone. That was the first time that I’ve watched a true blood murderer went into action for someone’s life and go against her inhumanity to protect those people she loves.
Skylar Dominique Harcourt. Yung mukhang perang bounty hunter na ‘yun na nang-uutak sa’kin at sa mga kasamahan niya. Minsan nakaka-bwisit yung babaeng yun at nakakairita. Yet I’ve enjoyed watching her as she uncovers misteries of herself and run after people to get her bounty.
You know why I enjoy those things? It is because of them that I feel I am human. That I am mortal, that I am one of them. Eventhough I know what and who I am, I’ll always want to think that like those people, I can feel love, I can get hurt, I can be angry, I can be foolish, I can be hurt, I can experience sadness and most of all… I want to think that like them, I die and live.
Naligo na ako at nagbihis ng simpleng tattered jeans at tank top na pinatungan ko ng denim jacket. Lumabas na ako ng kwarto at tinahak ang malaking hagdanan ng Crescent. I was expecting for Zero to be asleep at this hour but to my surprise, I saw him preparing plates for breakfast katulong ang mga maids ko.
The fudge did I saw? O.o
“Xanara. Where are you going?”
I shook my head pampatanggal ng windang. “Uh… I have something to do. Kailangan kong umalis.”
“Nagluto ako ng almusal, di ka kakain?”
Ay si koya bagong chef ko na? Ayoko nga baka lasunin ako. “Nah, I’ll pass. Kailangan ko talagang asikasuhin ‘to.”
“I’ll come then.”
At wala na nga akong nagawa. Masyadong mapilit eh. De hinayaan ko na. Since hindi naman talaga sagabal ang isa pang tao sa kotse.
“Anong nangyari?” pang-uusisa niya sa’kin habang nagmamaneho ako. “Bakit ang aga-aga mong umalis?”
“May sinusuri’t pinag-aaralan kasi kaming artifacts. Tatlong artifacts sa museum. Nawawala ‘yon, bigla na lang ninakaw. Heck, I didn’t even had the chance to take a good look at it. Letche naman oh. Pa’no thesis ko?”
Tama, yung thesis ko. Lagot na, pa’no na ‘yon? T^T
“Ba’t ba ang dami mong problema?”
“Di ka nakakatulong.” =___=
“Kailan ko sinabing tutulong ako?”
Saktong hininto ko ang kotse sa tapat ng museum. Tinignan ko siya. “Impakto ka, panggulo ka lang pala ba’t ka pa sumama? De sana nagpa—”
O_____O
Bigla niyang hinila ang mukha ko at sinunggaban ako sa labi. Hindi ako agad naka-react. Na-shock ako eh. Second time na nahalikan niya ako. Second time na naging abnormal ang t***k ng puso ko.
“You’re so noisy.” Sabay baba niya ng kotse.
Naiwan akong nakatanga do’n with eyes wide. Then the door in my side opened at bigla na lang niya akong hinila palabas. “Nagsasayang ka ng oras d’yan kung mananatili kang nakatunganga at lalasapin ng paulit-ulit ang halik ko. If you want to taste it again you could just go ahead and ask me.”
Sa sobrang bwisit ko sinipa ko siya sa may likod ng binti niya. Napa-aray siya at huminto halfway sa may lobby ng museum. “Sa susunod na gawin mo ulit ‘yon hindi na lang ‘yan ang matitikman mo. Kapal ng apog neto.”
Diretso kami sa loob at nadatnan ko si Sir Ed na kausap ang asawa ng Mayor. Nilabas ko ang wallet ko kasi naalala kong doon nakatago ang badge ko just in case hingan nila ako ng permission to investigate.
“Althea, thank goodness you arrived.” Then I figured he notice Zero. “Oh you’re with someone?”
“Ah opo. Trusted ko siya pagdating sa mga ganitong bagay so don’t worry, Sir.” Lie. Paano ko kaya pagkakatiwalaan ‘yang bampirang ampang na ‘yan eh ang yabang niya.
Hambog na bampira. -____-
“Sir, if you don’t mind can we look at the place?” aba bongga si Zero umeepal.
“Ah sure go ahead please.”
Nginitian ko lang si Sir Ed saka ako naglakad. Di ko na pala kailangang magpakita ng badge eh. They seem to not mind kapag si Sir Ed ang nagsasabi.
“So… no thesis no certificate?”
“Obviously.”
“Well you really need to find it.”
“Ba’t ba tonong nang-aasar ka? Bwiset na ‘to.”
Nag-smirk lang siya. Lalo pa tuloy akong nainis. Pagpasok namin sa dating storage room na pinaglagyan ng artifacts, totoong wala na nga ang mga ito sa glass protector. So it just means na ninakaw nga sila?
“Darn it!” di ko na napigilang mapamura. I expected pa naman na magagawa ko yung thesis ko ng maayos the moment that I’ll be able to hold and study the artifacts in question.
Eh asan ngayon?
“Hey, the hell are you doing?” I heard Zero from behind.
“Trying to go digging out memories of the past hours.”
“Really? You can already do that?”
“What the hell is wrong with your tone? Bakit ba laging mapang-asar? Kainis na ‘to. D’yan ka nga lang.”
Hinawakan ko ang mga pader sa silid na ‘yon. Sinusubukan kong hanapin kung saan may malakas na hatak ang mga alaala ng nakalipas na oras. Kaso ‘tong si Zero bigla ba naman akong yakapin mula sa likuran.
“Di ba sabi ko do’n ka lang? Ang kulit mo!”
“Just do it already. I’m your partner, I wanna know what’s going on.”
Aish the guts of this guy. Wala na talaga akong magagawa sa kanya. Kaya’t naghintay na lang ako ng ilang minuto for those visions to appear. And it did at a precise time.
“Sabi ni Ima kapag iniangat natin ‘yan tutunog ‘yan.”
HOLY SHIZ! I know them! Nakita ko na sila somewhere hindi ko lang matandaan! Well technically they are four people. Two guys, two girls. The other guy waved his hand in an uninterested manner at bigla na lang hinangin ang mga glass protector saka nila kinuha ang tatlong artifacts na ‘yon.
“Mas kailangan natin ‘to kesa sa tunay na nagma-may ari sa kanila.”
“Pero, Randall, kapag nailabas natin siya ibig sabihin hindi na natin siya maipapasok muli sa loob ng kwintas.”
“Wala akong pakialam. Hindi dapat mabuksan ang Innocence. Manganganib tayong lahat.”
Nagkatinginan kami ni Zero. Paglingon namin wala na yung apat. Transportation spell na naman? Paano ‘yan? Ni walang traces. I don’t even know their names! Nahihilo na ako, ang gulo-gulo na ng mga nangyayari.
“AAAAAAAAAAAAAH!”
Naalarma kami kaya napalabas kami kaagad pagkarinig namin ng sigaw na ‘yon. At halos manghina ang buong sistema ko nang makakita ako ng weird looking humans na kamukha ng mga X-iles na ginugulo ang mga tao sa museum.
“The hell?” I mumbled.
May na-ispatan akong mga armas sa may edge ng area. May spear doon kaya lang medyo kinakalawang na. Pagtingin ko naman sa center of attraction, ando’n na si Zero na may hawak na wood sticks at pinanghahampas sa mga X-iles. I attacked one then stab him with the spear.
Tinitigan ko ng mabuti ang X-ile. No he’s not entirely an X-ile. This creature’s face was that of an animal. Like a weird beast or something. May kamay, may paa, kumpletong tao bukod sa mukha and ironically, sa strength nito at bilis.
And then it hits me.
“Zero! Hindi dapat sila makalabas ng Sunny Dale! s**t what am I to do?”
I was panicking. Kapag nakalabas ang mga ganitong nilalang sa apat na corners ng entrance and exits ng Sunny Dale, kakalat sila sa kung saan-saan. Mahihirapan akong itago ang kung anumang kababalaghan ang meron dito sa syudad na ‘to.
“Stop it.”
It was fast. Bigla na lang niya akong ikinulong sa yakap niya. “I don’t want to see you like that, Xanara. Stop it.”
“Nag-aalala ako.”
“We’ll find a way. Calm down. Calm down and I’ll find a way.”
The way he held me was like telling me that he’s really worried dead with me panicking that way. Na parang ipinahihiwatig niyang ligtas ako sa kanya, sa yakap niya. I don’t know why it felt damn good. But yes, I admit it calmed me down.