**10 – People**
Na-shock ako and at the same time ay may relief nang madatnan namin ni Zero na naka-seal na ang lahat ng passes ng Sunny Dale. I’m quite skeptic about the matter dahil hindi ko alam kung sinong pwedeng gumawa ng ganitong bagay. May iba pa bang magician na may kayang mag-seal ng passes ng isang city o sadyang nakaya lang nila?
“Those guys probably did it.” Narinig kong sabi ni Zero.
Tumingin ako sa kanya. “How come?”
“Well from the looks of it they came from Euenessia.”
Euene… ssia. Tama. Narinig ko na ‘yon eh. “I’ve heard of it, Zero. Tell me about it.”
“You didn’t heard the story of another world?”
“What another world?” O.o
Nag-snort si Zero sabay smirk. “Same old cynic Althea eh?”
“Just tell me the story.” =____=
“Daang taon na ang nakalipas nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga mortal at ng mga nilalang na nanggaling sa Innocence. Ayon sa kwento, may apat na mortal daw na nagbukas ng lagusan ng mga preso sa kabilang mundo kung kaya’t kumalat ito sa mundong ibabaw.”
Ang apat na mortal na rin ang siyang nag-prisintang lumaban sa mga iyon. Halos maubos ang mga mortal at maghari ang mga hindi kilalang nilalang sa mundong ibabaw.
Bilang kaparusahan, binuhay ang mga namatay at nabigyan ng karagdagang kapangyarihan at ng katungkulan upang ibalik sa dimensyong nabuksan nila ang mga nilalang na ‘yon. Kasabay ng pagtatagumpay na maikulong muli sa Innocence ang mga nilalang ay ang paghihiwalay ng kalahati ng Sunny Dale.
“Paghihiwalay?”
Tumango si Zero. “Sabi sa kwento, isang malaking Imperial Dynasty ang Sunny Dale noon at malawak ang sinasakupan nito. Pero dahil sa nahati na rin ang mga mamamayan bilang kalahati ng populasyon ay namatay na’t muling binuhay na may mga kapangyarihan, hinati rin ang lupa ng Sunny Dale at tinawag na Euenessia.”
Naka-seal ang Euenessia at hindi maaaring tawirin ng mortal na natira sa Sunny Dale, ang mundong tinatawag na nila ngayong mundong ibabaw. May apat na power grounds ang Sunny Dale na pinananatiling sarado ang harang mula sa Euenessia. Power grounds na binubuo ng apat na passes nito. Ang hilaga, timog, kanluran at silangan.
Gayundin ang sa Euenessia. Kasama iyon sa kaparusahan ng mga nangahas na buksan ang Innocence. Ang apat na mortal ang tumayong power grounds ng Euenessia na kalaunan ay naghiwalay sa apat na lupain ng Euenessia.
Sa hilaga ay ang Opalonia, simbolo ng kalikasan, lupain ng mga namatay na walang laban na biniyayaan ng kapangyarihan at kaalaman sa panggagamot.
Sa timog ay ang Irisiya, simbolo ng apoy, lupain ng mga makasariling namatay na biniyayaan ng kakayahang gumawa ng mga sandata gamit ang apoy at manirahan sa pinaka-mainit na kweba bilang parte ng kanilang parusa.
Sa kanluran ay ang Atlaniyo, simbolo ng tubig, lupain ng mga namatay na matapang na lumaban sa gyera. Biniyayaan sila ng kakayahang magpalawak ng mga mandirigma at tagapag-bantay.
At ang huli… ang silangan – Shiraniyo. Simbolo ng hangin, lupain ng mga inosenteng namatay sa gyera. Biniyayaan ng kakayahang matuto ng mahika at pamunuan ang karamihan sa populasyon ng Euenessia.
“So… what is it gonna be now that… that Innocence thingy is open for the second time around?”
“Who knows?” then he shrugged.
“You’re not alarmed are you?” =___=
“I suggest we skip to the topic.”
Whatev. -___-
++++
“Humans fear. And humans can be shakened.”
Theology class. Wala na akong nagawa nang hilingin ni Sir Ed na bumalik ako ng Saint Claire Academy kahit naka-indefinite leave ako. Nag-aalala siya sa mga X-ile na ‘yon at baka sumugod sa school. I had Zero seated in my section. Kinailangan ko nga lang palitan ang surname niya para hindi halata kay Regine ang existence ng isa pang Schneider na gaya niya.
And therefore, he is now Zero Hudson.
“They can be tempted… they can be—”
“Because they are humans, Miss.”
Naglingunan lahat kay Zero. I glared at him pero mapang-asar lang siyang ngumiti sa akin at saka ibinalik ang focus kay Miss Belle. “Some says that if you can feel, certainly you are human.”
“Uh… y-yeah, that’s what I’m trying to say, Mr. Hudson.”
Napa-face palm ako sa narinig ko. Alam mo yung feeling ng tina-try mo siyang itago pero siya naman ‘tong papansing epal ng epal sa mga bagay-bagay na alam niya. Tsk. He’s really something. Some trouble.
Paging Miss Xanara Althea Hamilton. You are called to the Dean’s Office.
Yeah great. =____=
“Sama ako?” nakatayo si Zero sa may side ko habang inaayos ko ang mga gamit ko sa desk.
“Nope, just meet me at the cafeteria. Saglit lang ako sa Dean.”
“Alright. Don’t… don’t overdo it okay? He’s still your father.”
Sometimes I wonder kung bakit ang daming alam ni Zero tungkol sa akin samantalang wala akong alam tungkol sa kanya. I think it wasn’t too much of my advantage this time. I really need to do some research. Well syempre, after na lang siguro ng pagre-recover ko sa mga ninakaw na artifacts.
“Sir, pinatawag n’yo raw ako?” bungad ko sa walangyang tatay ko na naninira na naman ng araw.
“Yeah uh… I received some reports na may nakapag-trespass daw na outsiders dito kanina. I think they are roaming around school.”
“How many of them? Where did they spotted the outsiders? Who reported this to you? Why not directly to me?”
“Busy ka ata sa paglilipat ng isang estudyante na hindi man lang dumadaan sa’kin kaya siguro hindi ka na nila inistorbo.”
I chuckled bitterly. “Nung si Vira ba eh nakapasok ng Saint Claire dumaan rin ba sa’kin ‘yon? Sir, I do not wish to offend you further but as far as I’m concerned, I’ve followed all the legalities to ensure you that I do not broke any of the school’s rules and regulations. So if I may excuse myself, hahanapin ko yung mga trespassers. I’m sorry to trouble your leisure time, Mr. Cain.”
Bubuksan ko na sana ang pintuan at lalabas na nang may pahabol epal pa ‘tong lechugas na dean ng school.
“Anak pa rin kita, Xanara. At nasasaktan ako sa nangyayari sa’ting dalawa.”
“Kung may paraan lang para bumaliktad ang mundo at hindi kita maging tatay ginawa ko na. Kaya kagaya ko, kailangan mo ring magtiis.” Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. Pareho lang tayo. Pero dahil mas pinili mo ang mga Schneider kesa sa’kin, isa sa atin ang mas kailangang masaktan.
Umalis na ako ng faculty at naghanap ng mga trespassers. Ang weird pakinggan. First time nangyaring may mga trespasser sa Saint Claire. For goodness sake bakit naman nila kailangang mag-trespass when they can ask permission for entrance.
“This is ridiculous! Why do they need to do that?”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. If I am not mistaken, the other is Mr. Reed’s son, Stanley Reed. And the other na nakasuot ng jacket ng varsity namin… damn him, he looks familliar.
Isinuot ko ang kwintas ng prefect badge ko at sinundan sila. Kung tama ang instinct ko, malamang hinahanap nila ang mga trespassers. Then out of the blue, a creature were to attack from the woods. Nakita ko nang papalapit ang dalawang babae at mukhang sila ang target.
Naghanap ako ng pwedeng gawing sandata. I just found a simple stem na nahulog mula sa isang puno. No choice but to throw it to the X-ile. Tinamaan siya sa may forehead. Nakita kong naalarma na sila. I ran to attack the last one. Sinipa ko siya sa ulo, nahigit ko ang kamay niya so I turn around and did a back breaker saka ko binalian ng leeg.
Patay.
“I-Ikaw yung binibining nagligtas kay Hana Nelissa!”
Huh? Lumingon ako just to find the four of them watching me. “Outsiders are not allowed without permission and passes. Why are you both here?”
“A-Ano raw sabi niya?”
“Bawal daw kayo dito.” Kaswal na sagot nung isang lalaki saka bumaling sa akin. “Miss Hamilton, pasensya na. Hindi kasi sila gaanong—”
“Tatlong artifacts sa museum ang ninakaw noong nakaraang araw. Bigilang nagsulputan ang mga unknown specie sa loob ng Sunny Dale. Naka-seal ang apat na power ground ng syudad. Did you do all of that?”
Natigilan sila. Positive. Sila nga yun. Yung mga taong nakilala ko nung nasa “quote-unquote” Shiraniyo ako. Mukhang may something sa kanila. Kung totoo yung kwento ni Zero about that place, then totoong may kinalaman sila sa nangyayari.
“Anong pangalan mo?” tanong nung naka-jacket.
“Ilang taon ka na sa school na ‘to?” Balik-tanong ko sa kanya.
“Tatlo.”
“And you do not know your prefect?”
“I don’t get around that much.”
Obvious nga naman. “Well… I am Xanara Hamilton. You can call me Althea, that’s my second name. Prefect ako ng Saint Claire, at the same time I investigate the case of that artifacts. Kailangan n’yo nang ibalik ang mga ‘yon sa lalong madaling panahon.”
“Pero hindi pwede.” Sabi nung isang may magandang chinitang mata. “Nabuksan na ng mga Irisiyan ang Innocence, nakalabas na ang mga nakakulong doon. Kailangan namin ang gabay para matalo sila at maibalik sa pinanggalingan nila.”
Nangunot ang noo ko. “Anong kinalaman ng artifacts du’n?”
“Look,” napabaling ang tingin ko sa lalaking naka-varsity. “We need time. Tomorrow, meet me at Jelo’s. I’ll show you something.”
“And if you don’t show up?”
Nagitla ako nang ilagay niya ang nakatiklop niyang palad sa kaliwa niyang dibdib then he bowed his head down. “Hindi ako tumatalikod sa salita ko. Magpapakita ako makatanggap man ako ng permiso o hindi. Sa ngayon, kailangan mo lang kaming pagkatiwalaan.”
Honestly I wanna be annoyed with his words pero siguro sadyang may pagka-matapat nga ‘tong mga ‘to so I got them off the hook.
Dumiretso ako pabalik sa cafeteria to where I found Zero being ‘ganged up’ by girls. Mga malalandutay na babae. -___-
“Excuse me, that’s my seat.” Sabi ko sa isang cheerer na nakaupo sa harapan ng area ni Zero.
“Your seat? Miss, nagpapatawa ka ba? Bakit naman magpapaupo ‘tong gwapong fafa ng kagaya mo?”
“Kagaya kong?” -____-
“Kagaya mong boring.”
Oh talaga lang ah? Hinugutan ko siya ng ID kasama na yung lima pang kagaya niya na bumabakod dito kay Zero. Syempre, dramatically nagreklamo sila. To which I didn’t respond much.
“How dare you?”
“Second degree penalty. Talking back to your prefect.” Sabay tinanggal ko ang nerd glasses ko. Lecheng makapag-disguise di ako nakikilala kaagad eh.
“M-Miss Xanara.”
“Sorry talaga, Althea. Sorry sorry sorry.”
Kanta lang ng Super junior? =___= “Magsitabi na kayo d’yan.”
Nagsilayas sila pero puro sorry. Saktong pag-upo ko sa upuan nakita kong pumasok yung dalawang lalaki. I’m guessing napaalis na nila yung mga babae kanina na nag-trespass. Nakatingin sa akin yung naka-varsity jacket. As if namang uurungan ko ang stare niya.
“Ako kasama mo sa iba ka nakatingin.” Panirang Zero. =___=
Nag-iwas na ako ng tingin that time at bumaling na sa epal este sa bampirang kaharap ko. “Wanna go with me tomorrow?”
“Where?”
“Jelo’s. I think I may have found the answers I’m looking for.”
“Really.” mukha naman siyang hindi interesado. “Xanara… how does it feel to like… start from the beginning?”
Napakunot ako ng noo sa pagtataka. “Huh?”
“Naniniwala ka ba sa quantum physics?”
I was stunned, don’t know how to react and don’t know even if he’s serious about the question. Who believes in the quantum physics anyway? Him? Me? Why would I believe a crazy undefined theory like that?