Another Chance for Love Chapter 34

1351 Words

Ang matinis na pag-irit ng mga gulong ng sasakyan ni Nicholo ay umalingawngaw sa harapan ng naglalakihang automatic glass doors ng emergency entrance ng ospital. Hindi na niya pinatay ang makina ng sasakyan at agad na siyang bumaba rito. Nang maramdaman ng sensor ng tempered glass door ang presensya niya ay kusa itong bumukas. "Help! She's unconscious!" sigaw ni Nicholo. Ang boses niya ay punong-puno ng pagmamadali at kaba, tila ang bawat segundong lumilipas ay ninanakaw ang hininga ng kaniyang kaibigan. Agad namang tumugon ang medical team sa ospital. Tila may hinahabol silang humakbang papunta sa sasakyan nito. Tanging ang mabilis na pag-ikot ng gulong ng stretcher at ang mga utos sa wikang Ingles ang naririnig ni Nicholo. Mabilis na pumasok ang dalawang nurse sa loob ng sasakyan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD