Nakatanaw si Veronica sa kahabaan ng Taal lake habang iniikot- ikot ang tinidor sa kanyang carbonara. Ang magandang tanawin dito ay nakakapag bigay sa kaniya ng payapang isipan. Ang isipan niyang walang ibang laman kundi si Ace— ang nag- iisang lalaking minahal nya ng sobra ngunit hindi nya makuha- kuha kahit gaano nya ito pinapakitaan ng motibo. Hirap na hirap siyang makuha ang pagmamahal nito kaya kung hindi niya ito makukuha ay walang makakakuha na kahit na sino. Kahit pa ang mahal na mahal nitong si Gabbie. "Ace, sayang ka! kung ako na lang sana ang minahal mo, hindi sana tayo aabot sa ganito." bulong ni Veronica sa kanyang sarili. Sa halip na dumeretso si Nicholo sa kanyang opisina ay nakita na lamang niya ang sariling patungo sa Security Command Center kung saan mino- monitor ng m

