CHAPTER 24

957 Words

XELLONIA POV KINUSOT—KUSOT ko ang aking mga mata pero hindi nawala sa aking paningin ang masungit na boss ni Karen. “Karen... Nagha—hallucinate yata ako, ano? Sa sobrang galit ko sa boss mo, kaya nakikita ko siya ngayon!” madiin na sabi ko kay Karen habang hindi pa rin nawawala sa aking paningin ang lalaking ito. “Hindi ka nagha—hallucinate, Miss Xellonia. Nasa harapan mo talaga ako ngayon,” sabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi lang iyon dahil tumaas pa ang sulok ng kanyang labi. Napalunok ako ng aking laway nang marinig ko ang kanyang boses. “N—nagsasalita rin pala ang mga hallucinations, Karen.” sabi ko sa aking katabi. Hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya, nakita ko ang paglaki rin ng kanyang mga mata. So, hindi ito hallucination? Totoo ba ang nakikita ko ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD