XELLONIA POV “XELLONIA, anong nangyari sa mukha mo, ha? Bakit parang sumabak ka yata sa digmaan?” tanong ni Karen nang makita niya ako. “May marka ka rin sa kanang pisngi mo... Natulog ka ba?” dagdag niyang tanong habang hindi makapaniwala ang tingin na binibigay niya sa akin. Tinignan ko siya at napahikab, mabuti na lang ay nakapagmumog ako. Nang dumating ako kanina sa campus ay dumiretso ako sa library at naupo sa dulo at natulog ako habang may nakatayong libro sa aking harapan para hindi ako makitang natutulog, bawal iyon. Then, nag—alarm lang ako hanggang 9AM, bale almost three hours din ang tulog ko kanina. Comfortable pa ako dahil aircon ang library sa campus. Tumango ako sa kanya. “Oo, nakatulog ako. Sa library ako natulog,” sagot ko sa kanyang tanong. “Mabutiʼt hindi ka nahuli

