XELLONIA POV “ATE HAZEL, bakit po? Pinapatawag ninyo daw po ako,” sabi ko sa kanya nang makita ko siya sa kusina. Napatingin siya sa akin. “Ah, oo, Xellonia. Pero late ka yatang nagising.” Pinaglapat ko ang aking labi. “Hindi po tumunog iyong alarm ko po. Pasensya na po,” mahinang sabi ko sa kanila. Mahigpit ang hawak ko sa aking damit. “Ganoʼn ba? Ang gusto ko lang naman sabihin sa iyo, iyong bedsheets and pillow case sa master bedroom ay nilagay ko na roon, green ang kulay. Iyon ang gamitin mo, Xellonia. Maligo ka na, gagawa ka pa ng lunch nila Masters. Pinapatanong din pala nila kung marunong kang gumawa ng puto. Marunong ka ba?” Tinignan ko si ate Hazel. Marunong akong gumawa pero mala—late sila sa company nila kung gagawa pa ako. Kasalanan ko rin naman pero sabihin ko na lang na

