XELLONIA POV “MAGANDANG umaga, Xellonia.” Napatingin ako kay ate Lina nang makita siyang nandito agad sa kitchen. “Magandang umaga rin po, ate Lina,” balik na bati ko sa kanya. “Sinabihan ako ni ate Hazel na maaga pong gumising dahil ngayong araw po ay—” Hindi ko na tapos ang aking sasabihin nang magsalita siya. “Alam ko ang gusto mong sabihin, Xellonia. Huwag kang mag—alala sa akin. Gusto nila Masters na ikaw ang magluto ng lunch nila, ayos lang sa akin iyon, ano ka ba? Kaunting taon na lang din ay magpapahinga na rin ako. Kailangan ko na rin ng pamalit, pero mahigpit ang Lazaro... Kaya hanggang kaya ko pa ay gagawin ko ang trabaho ko rito. Kaya tuturuan kita at sasabihin ang impormasyon tungkol kina Master Santi at Master Vill,” sabi niya sa akin at ngumiti nang malaki. “Ilang tao

